8: Its Vaughn

22 2 0
                                    



"Teka lang naman! Sorry na kung nagalit kita, malay ko ba namang maniniwala ka na may dinosaur dito."


"Will you shut up and leave me alone?!"


Ilang beses na niya yang nasabi sakin pero patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya at sa pangungulit na ituro ang daan pabalik sa dorm or kahit sa dining hall manlang.  Pero mukhang nabanas sakin dahil nauto ko siyang may dinosaur.


"Sorry na po! Pero kailangan ko lang talagang makabalik sa dorm or kahit sa dining hall. I don't know how to get there!"


"Then you shouldn't have come here in the first place." pagsusungit niya. Patuloy lang siya sa paglalakad at nakasunod lang ako sa kanya.


Kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon baka nasapak ko na siya eh but I really need his help right now. Kahit sigawan at pagtulakan man niya ako, hindi ko siya tatantanan.


"Fine. Kung ayaw mo akong tulungan, Susundan at susundan kita hanggang sa mainis ka sakin at ituro na ang daan sa dorm ko!"


"Tss." yun lang ang tangi niyang naisagot bago binilisan ang paglalakad. At dahil mas matangkad siya sakin at mahahaba ang binti, todo effort naman akong sundan ang malalaki niyang hakbang.


At parang mas sinasadya niyang lakihan ang mga hakbang. No choice ako kundi ang tumakbo nalang. Bakit ba kasi hindi ako binayayaan ng mahahabang binti eh.


Lumiko kami sa isang hallway at nakita kong may elevator doon. Mabilis siyang pumasok at ganoon din ako.


"Uyy." agaw ko sa kanyang pansin pero dedma lang siya. Sarap kutusan nito ah.


Palihim ko siyang pinagmasdan. He has black raven hair, pointed nose, thin pink lips, a manly jawline and his deep black orbs. Matangkad rin siya at maganda ang tindig.


If only he's nice baka magustuhan ko pato eh. Kaso walang-wala sa ugali.


"Stop staring at me. You're annoying." singhal niya sakin.


"Grabe ka naman. Ang sensitive masyado." komento ko sabay irap.


He just glared at me and that ends our conversation.


Bagot na bagot na ako at nang marinig ang pagbukas ng elevator, nabuhayan ako ng loob nang makita ang pamilyar na pinto at muntik nang mapatid nang pigilan niya akong lumabas.


"You can't come here."


"Hala bakit naman?"


"You can't come inside a dorm you don't belong to."


"Neknek mo! Dito kaya ako belong." sabay tulak ko sa kanya at nauna nang lumabas ng elevator.


Akalain mo nga naman na suswertehin ako. Sinundan ko lang siya pero heto ako at nakabalik na sa dorm.


Hindi ako pwedeng magkamali! This White and blue interior designs is definitely Dorm Uno!


"Get out!" nagulat ako sa bigla niyang paghila sa braso ko paharap sa kanya.


"Aray! Ano ba! Binatawan mo nga ako!"


"Hindi ka pwede dito!"


"Anong hindi?! Eh dito nga ang Dorm ko!"


"Shut up! You can't fool me! A girl like you can't be in this dorm!"


"Aba! Ang judgemental mo naman yata! Bitawan mo ko! Hoy!!"


Project 884 : Awakening of UltimateWhere stories live. Discover now