Chapter 12

283 9 1
                                    

Chapter 12

We should set each other free... those words are the next line of the song I sang to him last night.

And it's one of the reason why I ran away. Maliban sa kitang kita ko sa mga mata niyang hindi ako ang nakikita niya nung oras na iyon, ay ayaw ko ding ipagpatuloy ang kanta. I don't want to let go... hindi pa nga siya nagiging akin ay ganito na?



"May sasabihin ka?"



Nang papasok ako kanina sa classroom ay nakita ko siya. And I know I need to talk to him, and apologize dahil sa ginawa ko kagabi at nung isang araw.




I gave him my apologetic smile. "I'm sorry, may bisita kasi sila mommy kagabi. I'm sorry talaga, Laxus."



Nag-iwas siya ng tingin, nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa strap ng bag niya. Nagtagis ang bagang niya habang nakatingin sa ibang direksyon.



"Naiinis ako, Heart. Hindi lang talaga ako sanay na... na lumalayo ka na sa amin, sa akin."




Umiling ako. "Anong pinagsasabi mo? Hindi ako lumalayo, Laxus."



"Paano kung magkaroon ka na ng boyfriend? And what if, he wants you to stay away from me and Cedric? Gagawin mo iyon diba? Lalo na kung si Abraham ang magiging boy-"




"Hindi, Laxus. Kaibigan kita at si Cedric, hindi ako lalayo. At isa pa, napaka-impossible naman ng sinabi mo, iba ang mahal ni Abraham, at alam natin iyon pareho." Matabang kong sabi.





"Tch, ikaw ang may kasalanan sa akin pero mukhang ako pa ang magso-sorry ngayon ah? Ano? Iiyak ka na dahil sa Abraham na iyon?"






Sinamaan ko siya ng tingin. He grinned and pinch my cheeks, tinampal ko ang braso niya kaya natawa siya. Inisang hakbang niya ang pagitan namin, at inakbayan ako. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya.





I am relieved, dahil okay na kami. Pero kahit pa man magkaayos na kami ay parang may mabigat paring nakadagan sa dibdib ko. At alam kong hindi iyon dahil sa kay Laxus.




"Class, sa ating darating na English Festival ay may gaganapin tayong singing contest, at wala pa tayong contestants. May solo at duet. Anyone?"





Nanatiling nasa labas ng bintana ang paningin ko. Panigurado naman akong hindi mapapansin ng aming guro na wala sa kaniya ang buong atensyon ko, dahil malaking tao ang naka-upo sa harapan ko, na natitiyak kong natatabunan ang bulto ko.





Narinig ko ang pagbanggit nila ng ibat-ibang pangalan, at di ko maiwasang makaramdam ng lungkot habang tumatagal. Ano nga bang inaasahan ko? Ang may magsuggest ng pangalan ko? Impossible.





Gaya ng lagi, wala akong naging ambag sa aking mga kaklase. All of them got busy due to our incoming English Festival next week. Maraming pwedeng salihan, at marami akong mga kaklaseng nais sumali. I may seem to not care in everything, but I know my classmates are talented-- and that, well, I'm proud to be their classmate.





And I envy them for having such confidence and determination. Siguro, di pa nila naranasang pagtawanan kaya sige lang sila ng sige. Kung di lang siguro ako pumiyok... well, di ko nga alam kung alin doon ang pagkakamali ko eh. Ang pumayag ba na kumanta, o ang pumiyok ako. 





Hindi na ako pumunta sa classroom nila Laxus, hindi na ako nagpanggap pang may kukunin mula kay Laxus, at hindi ko narin... hindi ko narin pina-iral ang karupukan ko.



He never Cried (ASHLEY 8) ☑Where stories live. Discover now