Chapter 16

3 0 0
                                    

"Kidnap 'to, taas ang kamay."

Napakunot ang noo ko. Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at napatingin sa kamay niyang nakatusok sa likod ko. Iyong kamay niya ay naka-porma na baril.

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. "Anong trip mo? Baril-barilan?"

He hissed. "Sumakay ka na lang."

Napakagat ako sa babang labi ko para pigilan ang pagtawa ko. Dahan-dahan kong inangat ko ang kamay ko at muling tumalikod. Binuksan ko ang pinto at naglakad palabas ng office niya habang.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa elevator.

"Tss. Quiet ka na lang d'yan."

Natawa na ako sa inaarte niya. Liningon ko na siya. "Pwede ba-"

"Kidnapper mo ako. H'wag kang feeling close."

Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso nga si gago. Napailing na lang ako at tinaas ulit ang dalawa kong kamay. Saktong nagbukas ang elevator kaya pumasok kaming dalawa. Hindi ko pa rin maiwasang hindi siya tignan.

"Hindi ka nakakatakot na kidnapper."

Ngumisi naman siya. "Nakakakilig akong kidnapper, I know. Sa pogi kong 'to, baka marami pa d'yan na gustuhing kidnap-in ko."

Ay wow! Ang yabang ampota. "Medyo feeler ka d'yan, Hans."

He shrugged. "I'm just stating facts, Ms. dela Torre. At ang swerte mo naman na ikaw ang gusto kong kidnap-in." Sabay ngiti at kindat niya.

Swerte?! "Sinong may sabe?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Nag-lean forward siya at tinapat niya ang tenga niya sa dibdib ko. "Sabi ng puso mo: Hans! Hans! Hans!"

"Baliw!"

Tumawa siya nang malakas. "Sa'yo!"

Saktong bumukas na ang elevator sa may parking. Nabigla naman ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Pinoposasan ko ang kamay mo para hindi mo magawang tumakas."

Posas? E holding hands ang ginawa niya! Feel ko tuloy namumula ako.

May huminto namang sasakyan sa harap namin. Gumilid si Hans para pagbuksan ako ng pinto. "H'wag kang sisigaw kung ayaw mong masaktan." Tinapangan niya ang mukha niya pero mas mukha lang siyang naging gago.

Sumunod naman siyang sumakay at naupo sa tabi ko. Tinignan ko na siya nang masama. "Hindi ka bagay mag-artista. Ang panget mo umarte."

Kinuha niya ulit ang kamay ko at nag-intertwine ang mga daliri namin habang nasa kaliwang hita niya. "Hindi naman talaga bagay sa akin ang pag-aartista. Ang bagay sa akin ay iyong ex-receptionist ng hotel namin."

Ano daw? Pinagsasabe neto?

"Luhh, pa'no mo nasabi?"

Nakasandal lang siya sa upuan at naka-dekwatro. "Hindi iyon sinasabi. Nararamdaman iyon."

"Nag-sa-shabu ka ba?" Mamaya kung ano na tinitira nitong lalaking ito!

Humalakhak na naman siya. Nakakahiya tuloy sa driver dahil alingawngaw na alingawngaw ang tawa niya sa loob ng sasakyan. "Ikaw ang shabu ko, Cara baby. Lahat ng nangyayari sa akin, epekto niyon ay dahil sa'yo."

Dinamay pa ako ng hayop na ito!

"Teka, saan mo ba ako dadalhin?"

Tinignan lang niya ako saglit bago kunin ang phone sa bulsa ng coat niya. May tinawagan siya. Ako naman na dakilang chismosa ay nakaabang sa pag-uusap nila.

"Hi, tita." Sagot ni Hans.

Tumango-tango naman siya habang nakikinig sa kausap niya.

"Tita, hawak ko po ang anak niyo ngayon." Napatingin naman sa akin si Hans. Si mama ba ang kausap niya?!

LovenapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon