Chapter 29

14 3 2
                                    

Airy's PoV

The next day, maaga ulit akong gumising para pumasok sa trabaho. Nang makarating ako ay may isang babae na masamang nakatingin sa 'kin. Kumunot ang aking sa noo sa ginagawa nitong pag titig sa 'kin, siguro ay ngayon lang sya nakakita ng dyosa kaya naiingit siya. Tinaasan ko ito ng kilay dahil patuloy parin ito sa pag titig sa 'kin ng masama. Mukha siyang impakta, walang itsura at higit sa lahat ang ganda ko, gosh!

Unti unti siyang lumapit kaya naman lumapit din ako. Muka siyang mananabong na manok dahil sa suot niyang dress na pulang pula. Tsk, walang taste sa damit.

"I have a lot of problems at 'wag ka ng dadagdag pa!" Sigaw n'ya at nakatingin pa rin sa 'kin ng masama. Hindi ko alam kung anong itinatalak n'ya kaya naman ngumiti ako ng mas malaki at gano'n na lamang ang pag pipigil n'ya ng inis.

"First of all, don't face your problems if the problem is your face!" Matapang kong sagot pagkatapos ay tinaasan ko siya ng kilay. Mukha siyang nagulat sa naging sagot ko, hindi ko naman siya kilala pero ang lakas makapag salita, gosh!

"What did you say!?" Galit na galit niyang wika dahilan para matuwa ako. Nakakamiss din palang makipag sagutan, oh well mali siya ng kinalaban.

"Para kang manok, putak ka ng putak." Natatawang kong sabi, siya naman ay hindi na maipinta ang itsura. Bagay talaga sa kan'yang maging manok.

"What the hell?! Hindi ko gusto ang tabas ng bibig mo! Hinding hindi ka talaga nababagay kay Ajax! Tandaan mo nakatadhana na siya kay Benzyl!" Nanlilisik niyang sigaw.

"Oh tapos? Sino ka ba ha? Bawal dito ang impakta!" Banat ko naman. Hindi siya mananalo sa 'kin kung maldita siya mas maldita ako!

"Ako lang naman ang magiging manugang ni Ajax, kaya huwag ka ng didikit sa kan'ya! Malanding babae!" Malakas na sigaw niya.

"Don't talk to her like that." Gulat akong napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yun. Si vic...

"Oh, may isa pa palang basura dito." Natatawang wika ng manok na 'to. Magkakilala kaya sila? Nagpapalit palit ang tingin ko sa dalawa at mukang nasagot na ang tanong ko. Magkakilala nga sila.

"Airy, let's go." Malamig na boses na tawag sa 'kin ni Vic kaya naman sumunod na lamang ako ngunit bago ako makalampas ay inirapan ko muna ang manok na 'to.

"Hindi pa tayo tapos!" Malakas na sigaw nya ngunit binalewala ko nalang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Sino ba 'yun?" Takang tanong ko kay Vic habang naglalakad.

"She is benzyl's mother." Wika niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

"Wow, nakausap ko na pala ang demonyo gosh!" Natatawang sabi ko. Ngayon ko lang narealize na ito pala ang nanay ni Benzyl.

"Ako lang naman ang magiging manugang ni Ajax, kaya huwag ka ng didikit sa kan'ya! Malanding babae!"

Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina, bakit hindi ko man lang naisip 'yun?

"I told you, she's like demon." Pag sang-ayon naman niya kaya naman sabay kaming natawa.

Hidden ThornsWhere stories live. Discover now