CHAPTER 7MALALIM na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Angelie. Abala ang kaniyang utak sa pagbabalik-tanaw. Kanina lang ay kay saya-saya ng kaniyang pakiramdam. Bagama't tila isang mamahaling tuta na mahal na mahal ng kaniyang amo ang iniisip niyang naging pagtuturing sa kaniya ng kaibigan ay tinanggap niya ito ng buong puso.
"Huwag ka kasing kung saan-saan nagpupupunta, lalo't gabi." Malumanay iyon pero may diin. It was his first sentence after Norma has gone home, leaving the two in silence. Tinabihan siya ng lalaki nang mapansin nitong nanghahaba ang nguso niya habang nakayuko.
Bumuka ng bahagya ang kaniyang bibig ngunit nanahimik na lang siya. She was touched by his caring gesture. His fingers were touching her long hair that was dancing with the cold wind.
"Gusto mo?" tanong ni Andrei nang may dumaang balut vendor.
She's not fond of the food but the idea of bonding with him made her nod. Natutuwa ang puso niya sa tuwing magkasama sila ng kaibigan.
Matapos na ligpitin ang kalat ay lumapit sila sa dalampasigan at naghugas ng kamay. She embraced herself when the cold breeze struck her body. Kaagad namang hinubad ni Andrei ang sweatshirt at ipinasuot sa kaibigan.
"Okey na?"
Tumango siya dahil naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang kamay habang kinikiskis nito ni Andrei sa kaniyang mga kamay.
"You're cold, too."
"Okey lang ako. Tena."
Alam niyang ayaw lang ipahalata ng kaibigan ang panginginig ng labi nito dahil sa lamig kaya sumunod na siya rito habang magkahawak-kamay silang papalayo sa malalakas na unos ng alon.
Yakap nila ang sarili habang binabagtas ang daan patungo sa terminal ng jeep. Ginusto niyang magtanong ng tungkol kay Norma.
'May something kaya sa kanilang dalawa? Pero kung meron, why did she leave?'
"Mabait din naman pala si Norma, 'no?"
Alam niyang naunawaan nitong hindi sumang-ayon ang kalooban niya sa tinuran ng kaibigan.
"I mean,... I guess nobody is too evil," naghahanap ng confirmation ang pagtitig na iyon ng binata. She made an awkward thin lips and shrugged her shoulders.
"Everybody deserves a second chance, you know," hindi na tumitingin sa kaniya ang kaibigan kaya malayang kumawala ang nanunulis niyang nguso.
"I knew it."
"W-what?" Alam niyang nahuli siya nitong sumimangot pero gusto pa rin niyang makalusot.
"Pina-plastic mo 'ko." Hinihingi nito ang paliwanag niya.
"I just don't like her,... not now." nag-alala naman siyang baka nasaktan niya ang damdamin ng kaibigan. "Bahala ka if you like her, I won't mind. You find her beautiful, 'di ba."
Biglang sumilay ang dimples nito at inihanda ang mga daliri sa napipintong pangingiliti. "Balut Queen is jealous, ha!... Jealous!"
Weakness ni Angelie ang pangingiliti ng kaibigan. Ramdam na ramdam niya ang kiliti kahit na hindi dumadantay sa kaniyang balat ang daliri nito, kaya naman halos mamamatay na siya sa katatawa.
He stopped. Pinakalma siya ng kaibigan dahil pulang-pula na ang kaniyang mukha. Tinuruan naman siya ni Andrei ng breathing exercise, ginagawa niya iyon sa tuwing naha-hyper siya.
Balewala sa kanila ang mahabang pila sa terminal ng jeep. Marami silang pinag-usapang kung anu-ano, as usual. Hindi na napasama sa topic si Norma maging ang nangyari sa arcade.
BINABASA MO ANG
You, Me, and The Sea (Finding Forever)
Romance"If you can't accept the fact on what's happening here, at least be true to yourself," he turned his back on her to hide his teary eyes. Andrei Silva and Angelie Buenafalco was an outstanding pair in the campus. They ruled as Campus King and Queen a...