"MISS Sofia, ipapahanda ko na ba ang kotse?" Tanong ni Miguelito nang makapasok sya sa kwarto ko.
Ilang segundo pa akong nakatingin kay Abran na prente pa ding naka-upo sa couch.
"Uhm." I stutter. "No, not yet. Uhm, uh, inform, uh, my secretary that I'll be a little late." Sabi ko habang palipat-lipat ang tingin kay Abran at sa head butler ko.
Tumingin si Miguelito sa kinauupuan ni Abran at napapikit na lang ako. Shit! Shit! Shit! He'll see him!
"May problema ba, miss, sa inyong couch?" Inosenteng tanong nito nang tumingin ulit sa akin.
"W-what?" Kinakabahang tanong ko din. Tumingin ulit ito sa couch at tapos ay sa akin.
"Papalitan na ba ang couch?" Tanong nito ulit.
I blinked twice.
"Can't you see him??", Hindi makapaniwalang tanong ko. Parang naguluhan naman si Miguelito sa tanong ko.
"Have you decided that this couch is a... him?"
I look at the couch and Abran is still there! Nakangiti nang nakakaloko habang kumakaway pa sa akin. What the hell is going on??
"Papapalitan ko agad ang couch na--" Umpisa ni Miguelito but I cut him off.
"No, just leave it there. You may go." Sabi ko. Bagaman nagtataka ay hindi na nagsalita ulit ang head butler. Lumabas na ito at isinara ang pinto.
I waited about a minute or two bago nagsalita ulit.
"Okay. Anong ginawa mo? Bakit hindi--"
"Hindi nya ako nakita?" Tuloy ni Abran sa sinasabi ko. "Marami pa kong kayang gawin bukod dyan. Sinabi ko na sa'yo. Hindi ako katulad nyo." Sabi nya.
I gaped at the thought of what else he could do. And who he really was.
"My gosh, isa ka talagang engkanto." Bulong ko. He stood up.
"You make it sound disgusting. Tsk, pasalamat ka mahal kita." Sabi nya. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. I expect him to be cold dahil para syang patay sa putla ng balat nya. Pero hindi. Ang init ng palad nya. "At ngayong naniniwala ka na, sumama ka na sa akin." Sabi nya.
"S-sumama saan?" Tanong ko.
"Sa mundo ko. Sa kaharian ko." Sagot nya. Seryoso ang mukha nya at kahit na halos hindi ko makita ang mata nya ay ramdam ko ang kakaiba nyang tingin. Pero mabilis kong binawi ang mga kamay ko.
"Nababaliw ka ba? Bakit naman ako sasama sa'yo? You're a stranger to me!" Sigaw ko sa kanya at lumayo. "At isa pa, kung mag-aasawa ako sisiguraduhin kong hindi engkanto!" I added.
Nakita kong humawak sya sa dibdib nya pero hindi ko na 'yun pinansin.
"And please, may meeting ako today. I have to get ready so leave my room. Now." Mataray na utos ko sa kanya.
"As you wish, my love." Sabi nya sabay ngiti nang matipid. Pagkatapos ay nawala na sya na parang bula.
---
HANGGANG matapos ang meeting ko ay hindi na nagpakita ulit si Abran. And that's good! Much better kung hindi na sya magpakita pa ulit at bumalik na sya sa sinasabi nyang "kaharian" nya. I still can't believe all the things he said pero I also can't explain how things went his way with just a finger snap. Iniisip ko kung paano nya nagawa 'yun nang lumapit sa akin si Darius.
I'm at the executives' cafe sa loob ng company namin, having my own thinking and a cup of coffee.
"Hey, Sofia. How are you?" Tanong nya, flashing his usual dashing smile. It shows his perfectly aligned teeth and dimples. "You seemed distracted sa meeting kanina." Dagdag nya.
Napahimas ako sa sentido ko.
"Yeah. Something came up at home." Sabi ko. "How's the meeting with the Avona collaboration?" I asked, changing the topic.
"It is going well. They might sign the contract by next week." Sabi nya. Napangiti ako sa balita.
"Perfect."
"By the way, are you free this weekend?" Tanong nya.
"I'm not sure. Why?" Balik ko sa kanya.
"Well, uh, I'm just wondering if we can go have lunch or dinner. Somewhere. You know..." Sabi nya. Oh, yes, I know.
"I'll check my schedule." Pormal na sagot ko. "I have to go. Got things to do." Sabi ko sabay tayo.
"See you around." Sabi nya at ngiti na lang ang isinagot ko.
Darius is quite the face. If he's not one of our executives, I might mistaken him as a model. Matagal na syang nagpapalipad-hangin sa akin pero I pretend like I don't notice at all. There's just something about him that I can't point out. Alam mo 'yun? The vibe.
Dumiretso na ako sa parking lot kung nasaan ang kotse ko at pagkaupo ko sa driver's seat ay sya ding pagsulpot ni Abran sa back seat.
"Ohmygod!" Tili ko. Napahigpit ang hawak ko sa manibela. "Will you please stop doing that?!" Galit na sabi ko. Muntik na akong atakihin sa puso!
Pero parang wala naman kay Abran ang pagsigaw ko. Nagmamadali syang sumiksik sa gitna at lumipat sa passenger's seat.
"Matagal ko nang napapansin 'yung Darius na 'yun. Tingin ko may gusto 'yun sa'yo." Nakasimangot na sabi nya. I roll my eyes at him.
"He's okay. Pero ayokong mainvolve sa kahit na sinong katrabaho ko." Sabi ko. Binuhay ko na ang makina ng kotse.
"Kung gano'n, ang ibig mong sabihin ay hindi mo sya gusto?" Tanong ni Abran. Hindi ko sya pinansin at nagdrive na palabas ng parking lot. "Tama ako, di ba? Hindi mo sya gusto, di ba?" Pangungulit pa din nito.
"Oo na! Hindi ko sya gusto! Now, wear your fucking seatbelt! Can anyone see you right now?" Tanong ko sa kanya.
"No. Pero pwede akong magpakita sa kanila kung gusto mo." Sabi ni Abran na ngayon ay nakangiti na. I looked at him. He's still wearing that garbage thing.
I shook my head.
Definitely no.
"Hindi ba uso ang damit sa kaharian nyo? Akala ko ba ay sumasabay din kayo sa uso." Tanong ko na may halong pang-aasar.
"Uso naman. Pero hindi katulad ng mga damit nyo dito." He said casually.
"So ganyan ang uso sa inyo? Almost naked." Me trying to sound disgusted.
"Bakit? Bagay naman sa akin, di ba? Pinapantasya ng maraming engkantada ang katawan ko kaya naman confident ako sa suot ko." May pagmamalaking sabi nya. Napangiwi ako.
"Pinapantasya, my foot." Bulong ko.
"Totoo! Pero wag kang mag-alala, my love. Ikaw lang ang may karapatan sa katawan ko." Sabi nya na ikinasamid ko. Napatingin ako sa gawi nya at nakitang pilyo ang mga ngiti nya.
"Manahimik ka." Saway ko sa kanya. Natawa lang naman sya. "Kailan ka ba babalik sa mundo mo? I told you, hindi ako sasama sa'yo." Tanong ko.
"Pwes hindi ako aalis dito." Nakangusong sagot nya.
Nagbigay ako ng malalim na buntong-hininga.
"Hindi ako mag-aasawa ng hindi ko mahal. At hindi ako magmamahal ng engkanto." Madiin na sabi ko.
"Dito lang ako hanggang sa mahalin mo ko. I'll make you love me." Seryosong sabi nya naman.
Napailing na lang ako. Akala ko ay tao lang ang matigas ang ulo, pati pala mga engkanto.
BINABASA MO ANG
Abran: Engkanto Series 1
FantasySi Sofia na pinaniniwalaan ng pamilya nyang mayroong sumpa ay namuhay mag-isa mula ng sya ay labing-dalawang taon pa lang. Ngayon, bilang isang adult, tinatawanan nya na lang ang idea ng "sumpa" na iyon. Why would she take it seriously? She's living...