Bianca's POV
I get where she's coming from. She has trust issues towards guys dahil sa pang-iiwan sa kanila ng Daddy niya. I mean di ko naman siya masisisi, I was there to witness kung pano sya nasaktan ng mga panahong yun.
Maraming nagtangkang ligawan si Yumi nung highschool pero ni isa wala syang sinagot. Lahat sila tinaboy lang niya. Isa na run yung classmate ko ngayon na si Arki.
Mabait naman si Arki, at I'm sure kung wala lang yang trust issues ni Yumi magiging type niya ito.
Nakilala ko si Elmo because of Arki dahil magpinsan sila. Nameet ko si Elmo nung enrollment, magkasama kasi sila ni Arki kaya di narin namin maiwasang maintroduce.
"Ba't ka ba kasi andito? Tsk." Medyo naiiritang sabi ni Yumi sabay higa sa kama nya at binuksan ang ilaw sa side lamp. Pinatay ko naman ang ilaw sa room at umupo sa tabi niya.
"Obviously, I want to be with you. I want to spend time with you." I sincerely said to her.
"Yeah, every time Elmo's not around."
"You're not possibly jealous of him right?. Well, are you?."
"Goodnight." Sabi lang nito sabay talukbong ng kumot at tumalikod sakin. Haaaayst. Minsan talaga di ko siya maintindihan.
Humiga nalang rin ako.
..
Yumi's POV
KINABUKASAN
Nagising ako na walang Bianca sa tabi ko. Bumangon ako nakitang may nakahandang breakfast sa study table ko at may kasama pa itong note saying:
Good morning Meng. Kain ka ng marami. I'm sorry about last night. See you later XOXO.
Love, B♥
In fairness bumabawi ang lola nyo. Rupok ka gorl? Well, slight.
7am. Umalis na si Mommy at Ate for work. Since bawal pa muna akong mastress ay dito muna ako sa bahay.
Naglinis muna ako para naman may medyo mapagkaabalahan, diniligan ko narin yung mga halaman ni Mommy sa garden.
10am.
Nililinis ko yung pool nang biglang,
"Hey." Napalingon ako at nakita si Heart.
"Uy Heart, kaw pala yan. Napadalaw ka?."
"I left this last night." Taas nya ng phone niya.
"Oh."
"Sige ah." Sabi pa niya.
"Aalis ka na?. Miryenda ka muna." Sabi ko.
"No, hindi na. Actually tumakas lang ako sa class ko. Kailangan ko naring bumalik."
"Ganun ba?. Sige, ingat ka na lang." Sabi ko and she just smiled appreciatively.
"Thank you. You too, wag mo masyadong pagudin sarili mo. See ya' after class." Sabi nito at umalis na.
Hmm what's with the awkward atmosphere?.
..
Bianca's POV
Nagrereview ako ngayon habang kumakain nang biglang,
"I've thought about what you've said yesterday." Sabi ni Elmo.
"What?." Tingin ko sa kanya.
"Maybe it's time to introduce you to my parents." Hawak nya sa kamay ko.
"A-are you sure baka--"
"Don't worry, they'll love you. There's no way they won't. 6pm tonight, we'll have dinner with them."
..
Yumi's POV
6pm.
Andito na silang lahat except for Bianca. Kanina pa kong tingin ng tingin sa pinto baka sakaling dumating siya kasi sabi niya she'll be here after class.
"Wag mo nang antayin yun, di na darating yun." Sabi ni Mamitois.
"Huh? Sino?." Pagmamaang-maangan ko sabay kain at nag focus sa TV habang busy naman sa pagrereview sina Ashtine at Fatima. Si Heart naman nasa room ko since andali nyang madistract sa kahit anong sound kapag nag-aaral siya.
"Sus, kunwari pa to. Sino pa nga ba?. Edi si dream girl."
"Tsk sino namang may sabing hinihintay ko siya?." Sabi ko like I don't care.
"Yang mga mata mo, kanina ka pa kayang patingin tingin dyan sa pinto."
"Di ba pwedeng inaadmire ko lang ang pagkakagawa nyan?. Saka pakihinaan mo nga yang boses mo, baka marinig ka nila." Sabi ko.
"Girl, trust me di tayo maririnig ng mga yan because once they're in the zone parang nawawala yung senses nila sa realidad, maliban nalang dun kay Heart kasi andaling madistract nun."
"Pero aminin mo she's one of the smartest naman. Kamusta na pala sila nung--Andre ba yun?."
"5 months na silang wala nun."
"Huh?. Bakit naman?."
"Ewan. Basta ansabi lang ni Heart break na sila. Tapos."
"H-hindi man lang siya umiyak o--"
"Hindi, o baka di lang natin nakikita. I don't know. Kilala mo naman yun, di masyadong open pagdating sa lovelife. Saka she's too young and precious to deal with heartbreaks so mas mabuti narin tong itinutuon nya muna sa pag-aaral ang attention niya. Why are you asking ba?. Wait, don't tell me--"
"W-what? N-no, of course not."
"Naku by, kilala ko pagkatao mo. Don't me haha. Sinasabi ko sayo--"
"Hindi nga kasi. Curious lang. I mean malay ko ba kung ano nang mga ganap sa buhay nyo nung nakatulog ako."
"Hmm sabagay."
..
Bianca's POV
Kumakain na kami ngayon ni Elmo with his parents. Grabe, nakakatakot sila as in yung mga mukha nila sobrang seryoso at mukhang strikto, kaya siguro takot si Elmo sa kanila. They really look like successful professionals.
"..so, I heard magkasama kayo sa law school. Your parents, anong trabaho nila?." Tanong ng Mommy ni Elmo.
"M-my dad works in a telecom company po, and my mom is a fastfood restaurant chef."
"Is their income enough for your studies?." Tanong ng Daddy ni Elmo.
"A-actually, hindi po. Pero nakakatulong naman po yung scholarship ko sa mga gastusin."
"May mga kapatid ka ba?." Tanong ng Mommy ni Elmo.
"W-wala po eh. Only child po ako."
"Good. My son is the soon to be mayor, senator or even the president. But first we have to know if his chosen first lady passed certain qualifications, kaya if you're only after his money then you should better leave now--"
"Ma--" Sabi ni Elmo.
"No. Here, take this and leave our son alone." Sabi pa ng Mommy niya sabay lapag ng cheke sa mismong harapan ko. Para lang talaga ipamukha sakin na mukha akong pera which is hindi naman totoo.
"Thank you Ma'am pero just so you know di po ako ganung klaseng babae. Again, thank you for the dinner." Tayo ko.
"Bianca--" pigil ni Elmo sakin.
"Elmo, let her." Sabi ng Dad niya.
"No. If you let her leave and don't change your ways then I'll leave. I'm so done with this, I'm so tired of following orders from you. Pagod nakong maging sunod sunuran sa lahat ng gusto nyo." Sabi ni Elmo but still in a calm manner.
"You don't know what you're talking about." Sabi ng Dad niya.
"Well you don't know me at all. I'm sorry Dad pero ayoko pong maging abogado. Lalong lalo na ang maging mayor, senador o presidente ng Pilipinas. Yun yung gusto nyo, pano naman yung gusto ko?."
"Yan ba ang natuturo sayo ng babaeng yan ha?! Ang suwayin kami?!. Pathetic!. Ano?. Gusto mong sirain ang kinabukasan mo like your brother?! Gusto mong maging adik, makulong, mamatay--" Sabi ng Mommy niya.
"If that's the only way to get out of this freaking cage with monsters like you then so be it!." Sabi ni Elmo.
"Then go! Leave! And don't you ever dare come crawling back to us, ever again!." Kaladkad ng Daddy nya sa kanya palabas. Sumunod narin ako.
Nilock nila agad ang gate.
"I'm sorry." Sabi ko rito.
"No, thank you. Sa wakas nasabi ko narin lahat ng mga gusto kong sabihin." He said with a smile.
"Pero pano ka na ngayon? San ka titira?."
"Well, I'm sure I have enough friends to help me survive."