Dylan's POV
Kakatapos lang nang klase ko at papunta na ako ngayon sa music dahil may meeting ulit kami,hinatid ko lang si belle sa parking lot at hinintay siyang makaalis bago bumalik sa loob pero habang naglalakad ako sa footwalk biglang may kamay na umakbay at noong tignan ko ay si phillip, akala ko umuwi natong ugok na 'to.
"Saan ka galing Dy?" tanong niya na nakaakbay pa din sa akin.
"Hinatid ko si belle sa parking lot, ikaw bakit andito kapa? akala ko umuwi kana" sagot ko at inalis ang kamay niya sa balikat ko ,ang bigat langya.
"Ayiiee!! kayo na ba?" panunukso niya kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang ang tanga.
"Hinatid lang kami na? bumabawi lang ako antagal kaya naming hindi nagkita" sabi ko sakanya at tumango naman siya,sinabi ko na kasi sakanya na si belle nga ang kababata ko at kahit hindi siya makapaniwala ay naging masaya siya para sa akin.
"Sigurado ka na bang siya talaga yung belle mo?" tanong kaya tumigil ako sa paglalakad para harapin siya.
"Oo naman,sinabi niya sakin ang magpapatunay na siya nga si belle" sabi ko at tumango naman siya kaya naglakad na ulit ako papuntang music room pero nilingon ko ulit siya dahil nakasunod pa rin siya sa akin." Saan ka pupunta? bakit sunod ka nang sunod sakin?" tanong ko sa kanya.
"Sasama sayo,wala naman na akong pupuntahan kaya sasama nalang ako sayo, saan kaba papunta?" tanong niya na nagtataka sa dinadaanan namin.
"Music room, may meeting kami ulit sa music org." sabi ko at ngumisi naman siya at alam ko na ang susunod niyang itatanong.
"Madami bang chics doon?" nakangising tanong niya kaya binatukan ko siya, sinasabi ko na nga ba puro babae lang laman ng utak neto."Oo,pero wag kang manggugulo doon tatamaan ka sakin,mag me'meeting kami kaya sa labas ka lang" sabi ko at ngumuso naman siyang sumunod sa paglakakad.
Pagkarating namin ng music room si nikki,lauren at Aki pa lang ang nandoon na nag pa'piano,pati piano marunong siya? napaka talented naman niya. Kumaway ako kay nikki at tumayo siya para salubungin ako pati na din si lauren.
"Hi Dylan!" bati niya sakin nang makalapit pero natigilan siya ng makita si phillip "At... ay ang gwapo neto bakla" baling niya kay lauren na nakatingin din kay phillip at sabay silang kinilig."Sino yan Dylan? sasali din ba siya dito sa org. natin?" tanong niya sakin pero umiling ako at nalungkot naman sila.
"Si phillip nga pala kaibigan ko, Phillip si nikki at lauren mga org. mates ko" pakilala ko sa kanila at nakipag shakehands naman si phillip sa kanila kaya tumili ang dalawa. Iniwan ko sila at lumapit kay Aki na nag pa'piano pa rin at mukhang hindi napansin na may dumating."Nag pa'piano ka din pala?" tanong ko at nagulat naman siya muntik nang mahulog sa upuan niya "Ayy sorry nagulat ata kita. Hi!" bati ko sa kanya at ngumiti, nakahawak pa din siya sa dibdib niya pero ngumiti din.
"Hi, okay lang di ko kasi alam na may dumating na pala, kanina ka pa? hintayin lang natin yung iba" malumanay na sabi niya at lumingon sa tatlong nag uusap sa table at nagtaka siya nang makita si phillip.
"Ah, si phillip nga pala kaibigan ko, wala daw siyang gagawin eh kaya sumama siya sakin dito okay lang ba?" sabi at ngumiti naman siya sakin at tumango.
"Okay lang, mukhang nag eenjoy yung dalawa sa kanya haha" sabi pa niya at umayos ulit ng upo para mag piano ulit."Matagal ka nang nag pi'piano?" tanong nang magsimula siya tumugtog, napangiti naman ako ng makita ang pagtipa niya ng nota hehe ang cute nang kamay niya.
"Ah oo first instrument na natutunan ko,ikaw? diba nag pi'piano ka din? sabi nila nikki" tanong niya sa akin at naalala ko si belle first instrument na tinugtog niya din ang piano pero noong tinanong ko siya kung nag pi'piano pa siya sabi niya matagal na daw niyang hininto kaya hindi na siya marunong."Oo, first instrument ko din, sunod nalang yung gitara" sabi ko tumango naman siya at pinagpatuloy ang pagtugtog,pinagmasdan ko siyang tumugtog at napatingin ako sa mukha niya, sobrang perpekto ng mukha niya at kahit hindi ko hawakan alam kong napakakinis nang balat niya,hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kanya at napatigil lang nang may nag ingay at nung nilingon ko ay sina phillip,nikki at lauren pala na nagtatawanan.
BINABASA MO ANG
MEMORIES
RomanceDylan, from college of Engineering will fall in love with the girl from his past. He waited years to see his best friend again to continue making memories together until he met Aki, from College of allied health sciences who can't remember her past.