[20] A Lot's Gonna Change

6.6K 212 211
                                    

"Try mo rin kaya sa CAL, Keng?" sabi ni Cardy sa kanya habang zinu-zoom in ang PDF file sa phone nito. "2.25 GWA ang requirement sa Art Studies, o. Mukhang okay din 'yon."

"Sus, asa kang mabubuhay sa Art Studies 'yan. Natulog lang kaya 'yan sa HUM 2 lecture!" pang-asar ni Jax na kanina pa kinokontra ang suggestions ni Cardy. "Baka may iba pang pwede dyan, tipong interview lang ang kailangan."

Cardy made a face. "Parang tanga 'to. Wala kayang gano'n! May minimum GWA requirement ang lahat ng colleges for transfers ah, be it within the same campus or from other UP units."

"Aba malay ko ba!" Napa-tsk si Jax bago nito silipin ang laptop screen ni Cardy. "Sa Engineering ba wala kang trip, Keng? Metallurgical Engineering 2.00 ang GWA requirement."

"Computer Eng naman basta wala kang singko, kwatro, o INC," dagdag ni Cardy.

Tinitigan lang ni Rocky ang dalawang kaibigan . "H-ha?"

"Luh 'di ko na uulitin suggestions ko. Hindi ka naman pala nakikinig eh," reklamo ni Jax.

"S-sorry, I was mentally planning something. Ano nga ulit 'yon?"

Last day of classes na nila ngayong araw at imbis na magreview para sa mga paparating na final exams, nandito silang tatlo sa DevCom libraryt, browsing this PDF na naglalaman ng quota and requirements ng shiftees and transferees ng UP Diliman. Ang nakakatawa pa, sina Jax at Cardy ang nakaisip na gawin nila ito. After niyang magdesisyon na itutuloy niya ang pag-transfer sa Diliman next semester, full support ang binigay sa kanya ng dalawang kaibigan. Wala na siyang narinig na pang-iinis mula sa kanila.

Sila pa nga itong nagsuggest na mag-apply din siya sa ibang colleges for transfer just in case hindi siya makapasa sa BS Physics. Nagkaroon siya ng reality check last time nang tanungin siya ni Jax kung anong gagawin niya if ever hindi siya makapasa sa interview. With her current grade standing, kampante si Rocky na makaka-transfer siya sa College of Science at makakakuha ng slot sa BS Physics next semester.

It didn't even occur to her na may possibility na bumagsak siya sa interview.

Kaya ito, hinayaan niya ang dalawang kaibigan na hanapan siya ng fallback courses just in case.

"Ano na bang napili niyo for me?" tanong niya sa dalawa. "Pasok naman kaya grades ko dyan?"

"Lahat naman ng tinitignan namin ay for GWA of 2.0, Keng. Syempre ekis na ang Psych, asa ka pa na aabot ng 1.8 ang GWA mo."

"Sama ng ugali mo ha. Pag ako talaga nakakuha ng 1.8 or better you won't hear the end of it!"

Si Cardy na siniseryoso ang paghahanap ng course, ang sumagot sa kanya. "Mas okay siguro kung pumili ka ng tatlong courses aside Physics para sure? As far as I know pwede ka pa naman ulit mag-shift next next school year, eh. Ganoon ang ginawa ng ate ng schoolmate ko. DevCom din siya rito tapos nagtransfer siya sa Tourism, then Speech Comm."

"Legit? Pinayagan 'yon?" she exclaimed. First time niyang marinig ang case na 'yon.

"Oo. Grabe, ano? Eh gustung-gusto kasi no'n ang Speech Comm kaya pinagpilitan niya."

Napaisip na naman si Rocky. Willing ba siyang pagdaanan ang paghihirap na 'yon para makapagtransfer sa same course at college ni Wes? Ang goal pa naman niya ay grumaduate on time! She couldn't bear to extend for a year or two, lalo na kung maglalaan siya ng isang taon para sa isang course na ayaw niya bago makapunta sa Physics.

At least parehas kayong nasa Diliman ni Wes, a voice in her head countered. Ang tanging goal mo ngayon ay makapasok sa Diliman kahit anong mangyari. Madali na magtransfer pag nandoon ka na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon