Chapter 40

10 0 0
                                    


Chapter 40: Ang huling pagkikita




Magtatanan tayo. Sa araw bago kayo umalis sa bayang ito. Sa nakatagong talon ng Isiladancio, roon tayo magkikita.


Lakad-takbo ang ginawa ko habang papunta ako sa aming tahanan. Nais kung makatipid ng pera 'pagkat sapat lamang ang binigay sa akin ni Clara. Magdadala ako ng mga gamit at ng mga pagkain sa biyahe. Kailangan ko lang siyang kitain sa talon. 

Kahit pama'y sinusubukan kung huwag mang-agaw ng atensyon ng mga tao ay naggagawa pa rin nila akong makita. Hinuhusgahan sa lahat ng aking mga galaw. Gusto ko sana silang pansinin, kausapin. Ngunit mas nangingibabaw ang aking ulirat sa usapan namin ni Fluenco.

Naghuhurementado ang aking puso nang makarating ako sa aming tahanan. Madilim pa ang buong paligid at sa tingin ko ay wala pa sila Inay at Itay pati na rin si Adoncia. Dali-dali akong umakyat sa aming sildi upang kunin lamang ang mga dapat kung dalhin. Hindi ko na tinupi ang aking mga susuotin sapagkat deritso ko na lang silang inilagay sa aking tampipi.

"Clemera?" saad sa akin ng isang pamilyar na boses. Marahan akong lumingon sa aking likuran at nakita ang aking Ina. "Anong ginagawa mo?" tanaong niya pa muli. Napalunok ako ng ilang beses sa tanong nito. 

"Tatakas ka?" tanong nito. Marahil nagtataka ito sa aking ginagawa... Ngunit... Gusto ko lang rin sumaya. Naghari ang katahimikan sa buong silid. Hindi ko na siya pinansin at bumalik sa pag-iimpake ng aking mga gamit. 

Lumapit ito sa akin at sinimulang pulutin ang aking mga damit. Isa-isa niya iyong tinutupi at nilalagay sa aking tampipi. "Bakit mo tinutupi ang mga damit ko?" tanong ko sa kanya. 

"Hindi ba't dapat pinipigilan mo ako ngayon Inay?" 

Tumayo ito sa pagkakaupo at marahan nitong hinihimas-himas ang aking kamay na tila ba'y nilalambing ako. "N-nais kitang tulungan... Anak." Umiiyak na ito siya habang sinasabi ang katagang iyon. "Hayaan mong maging isa akong Ina sa iyo. Kahit na sa huling pagkakataon. Hayaan mong tulungan kita."

Naramdaman ko bigla ang mainit na tubig na dahang-dahang nahuhulog sa aking mukha. Agad niya akong hinagkan at masaya ako roon. Naramdaman ko ang tunay na Ina sa huling pagkakataon. "Tumakas ka. Iwan mo kami, ako na ang bahala kay Adoncia. Ha! Mag-iingat ka" bilin pa nito.

Tinulungan niya akong mag-impake ng aking mga susuotin. Binigyan niya ako ng mga pagkain at salapi para sa aking pamasahe. "Dalhin mo ito," binigay niya sa akin ang isang iyong malaking abaniko na may mga desinyong maliliit na diyamante at perlas. "Gamitin mong pantakip sa iyong mukha pagnakalusot na kayo sa mga guardia civil." 

"Salamat. Ina."

"Walang anuman Clemera. Mag-iingat ka, padalhan mo'ko ng sulat" wika pa niya. 

Sumakay agad ako sa kalesang papunta sa Isiladancio. Nirentahan iyon ni Ina para sa akin upang maging komportable ako sa biyahe, kilala niya naman ang kutsero kaya't mas naging komportable ako. 

Tahimik lang ako sa buong biyahe hanggang sa dumating na kami sa bayan ng Isiladancio. Umaga rin iyon at ilang oras rin ang aming biyahe. Bumaba ako sa palengke ng umagang iyon. Nais ko mang huwag pansinin ngunit laman pa rin ako ng usapan sa lugar na ito. 

"Eh iyan ba ang panganay na anak ni Don Alejo?" tanong ng isang tindera ng isda sa nagkukumpulang binibini sa tabi.

"Siyang tunay. Alam niyo ba na muntik na siyang makipagtalik sa anak ni Gobernadorcillo Gregorio" saad pa ng isa. Umiling naman ang lahat sa sinabi nito. "Eto nga aksidenteng narinig ng kasama ko ang usapan nila sa mansion ng pamilya Lundalio. Narinig niyang gustong makipagtalik ni Fluenco rito. Ang babae naman kumarengkeng. Sumang-ayon ito kahit na ikakasal na ito sa Heneral ng Maynila sa susunod na Linggo."

The Tale Of The Forgotten God (A Mythology)Where stories live. Discover now