ako ay tila nasa isang laro
na kung saan ako lang ang manlalaro
malabo ang mga kakompintensya ko
tila nga wala silang pake sa batas ng mundoito ay isang laro na kung saan lahat ay kakompitensya
mapa-kaibigan o malapit na kakilala
dahil ako ay may sariling mundo
at dapat laging ako ang mananalolaro, sa larong ito gusto ko ako ang panalo
sa bawat larangan, mapa-agham, matematika o historiyo
ako ang panalo dahil ako ang magaling
silang lahat ay nasa baba ko lamang at ako ay nasa rurok na upang mas lalong gumaling.bakit ko ito ginagawa? masaya ba ako sa ganito kong sistema?
mas bulok pa ito sa gobyerno ng republika
dahil ako mismo ang kurap sa sarili kong presensiyalahat sila ay walang pakealam kung ako ang panalo
kahit na ipagsigawan ko iyon sa tuktok ng lalamunan ko
dahil hindi sila kasali sa laro ko
kaya't nagpapakasaya lamang silang matutoako... tutok sa pakikipagkompitensiya
sa sobrang tutok ko sa kompitensiya, naramdaman kong may kulang sa aking dinadama.
ano nga ba ang gusto ko?
saan ako magaling?april 29, 2021
1:00 am