CHAPTER 14

16.7K 509 155
                                    

"Are you scared at me, Lorah?" Mapungay ang kaniyang mga mata na tumingin sa'kin. He's calmed now. Tinurukan siya ni David ng sedative at hinihintay na lang siyang makatulog. "Am I a beast to you now?"

I saw how he fought for his dizziness just to hear my answer. Umiling ako. "No, Hope. I'm not scared. I'm just...worried for you..."

He nodded out of relief. "That's good...that's good..." Muli siyang sumandal sa balikat ko. His face on my neck. The usual, he's snuffing my scent.

"Matulog ka na, Hope. You need some rest."

"Don't leave me." Mahigpit siyang nakahawak sa aking bewang.

I nodded to assure him. "I won't."

Nang nakatulog siya ay inayos ko ang kaniyang pagkakahiga at kinumutan. Tumayo ako at hinanap si David sa labas ng kuwarto ni Hope. I saw him outside the door.

"Anong nangyari sa kaniya?" agad kong tanong. "Bakit siya ganoon? He's violent and his anger was too much for a normal person. Anong meron sa kaniya?"

David still put on a pokerface facade before answering me, "Ganoon lang talaga siya kapag may hindi nagustuhan. He'll be fine."

"But his reaction earlier was beyond normal."

"Are you saying that he's crazy?"

"No..."

"Then he's normal, Miss Syquia."

Bumalik ako sa kwarto. He's really loyal, huh? Ayaw man lang sabihin sa'kin samantalang binuwis ko ang buhay ko para lang mapakalma si Hope. At siya ay kalmado lang na nakatingin.

Tumawag ako kay Ninang Grace. Hindi ako makakauwi ngayon dahil sa nangyari. Kailangan ko siyang bantayan dahil baka magwala na naman. I was really scared earlier. Natatakot ako sa maaari niyang nagawa kanina kung hindi ako naglakas loob na pigilan siya.

"Hello, Ninang?"

"Hiyza, pauwi ka na?"

I sighed and glanced at the man who seemed innocent while deeply sleeping. Marahil ay dahil sa sedative kaya siya mahimbing na nakatulog.

"Ninang, hindi po ako makakauwi ngayon. May kailangan lang po talaga akong gagawin dito sa boss ko. Bukas pa po siguro ako makakauwi. Si Hilza po sana, kung pwede ay d'yan muna siya."

"Huh? Bakit? May nangyari ba?" Her voice filled nothing but concern.

"Meron po, Ninang. At kailangan po ako rito."

"Ganoon? Ingat ka, Hiyza. Ako na ang bahala sa kapatid mo."

After thanking her, I ended the call, only for me to realize that I didn't have clean clothes to change. Okay lang. Hapon pa naman. Magpapaalam na lang siguro ako mamayang gabi pagkagising niya.

Dahil nga hapon pa ay nagtingin-tingin muna ako sa bahay ni Hope. The wholeness of this house spoke loneliness. Malaki nga at maganda pero walang nakatira. Ni wala ngang kasambahay. Ganito ba siya sa tuwing umuuwi galing opisina? Mag-isa sa bahay.

Mula sa second-floor ay kita ko ang kabuuan ng living room sa 'baba. The whole first floor was grand and spacious. There was one queen chandelier in the middle and then mini chandeliers in every corner. A combination of black, white, and rustic colors were present in the whole place. Dull and lonesome.

Kung titingnan mula sa labas ang bahay ni Hope ay maliit lang siya. Bubong lang ang kita. Pero sa pagpasok mo ay kailangan mo pang bumaba. It's underground, yes. Mula sa isang pinto na papasukan mo ay siguradong maliligaw ka sa pagpasok. Maraming pasikut-sikot. Sa bawat kanto at eskinita ng bahay ay may mga lagusan. At ang nakakatakot doon ay walang signage. Sa pagpasok mo sa isang silid ay mayroon pang mga pinto at mga hagdan. Maliligaw ka talaga kapag hindi ikaw ang nakatira rito. Kaya hindi na ako nag-attempt na maglibot pa. Tumitingin lang ako sa mga nasa loob. There were no ornaments here but million dollar prices for paintings that suspend over the wall. Ni picture ng family ay walang nakasabit.

Hidden ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon