Halata padin ang pag-aalala nila sa mansion at mas dumami ang security'ng nakapaligid. Hindi rin humihiwalay si Eero sa tabi ko.
Mas napapadalas pa ang mga panaginip ko. Unti unti namang lumiliwanag ang mga mukha nila.
Nasa sala kami ngayon. Akma sana akong tatayo pero biglag sumakit ang ulo ko.
Parang may nagflashback na pangyayari.
Same na matandang lalaki at babae. Masaya kaming magkakasama. Mas malinaw na ang mga mukha nito.
Mas lalong sumakit ang ulo ko.
"Arghh!" Sigaw ko.
Lumapit sa akin si Eero.
"Amila, what's wrong?" Tarantang tanong nito.
"Dad." Bulong ko.
"What?" Takang tanong naman ni Eero.
Nakatingin silang lahat sa akin at nag-aalala.
Mukhang nahimasmasan naman ako at tumayo ng maayos.
Umiling iling ako at pilit na ngumiti.
"Wa- Wala. I'm fine. Nahilo lang ako. Puyat lang siguro." Pagdadahilan ko.
"Nako, Amila anak. Magpahinga ka muna. Dahil sa puyat mo na iyan. Kami na muna bahala kay Eerius." Sabi naman ni Nanay.
Tumango lang ako at hinatid ako ni Eero sa kwarto.
"Love, is there something you want to tell me?" Tanong ni Eero.
"No. Baka ikaw may sasabihin?" Walang emosyon kong sabi.
Natigil naman sandali si Eero sa sinabi ko.
"What do you mean?" Tanong niya.
"Nothing. Matutulog muna ako Eero." Sabi ko nalang.
Tumango naman ito at umalis na ng kwarto.
Nang maramdaman kong umalis na ito. Kinuha ko ang phone ko at nagsearch ng isang pangalan. Pangalan na malinaw sa alaalang nakita ko.
Pagkalabas ng litrato ng taong sinearch ko ay biglang kumabog ang dibdib ko. Siya ang lalaking nakikita ko sa panaginip ko at ang lalaking nakita ko kanina nang biglang sumakit ang ulo ko.
Mas naguguluhan ako.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng mga articles hanggang sa makita ko ang isang article na "Heiress of Dela Rosa went missing". Binuksan ko ito para basahin.
Nagulat ako ng makita ko ang picture ng nawawalang babae.
Wait!
Kamukha ko. Ako ba yan? Tumayo ang balahibo ko at mas lalong sumakit ang ulo ko.
Ayon sa balita, halos pitong taon na daw nawawala ito. Nagtataka ako kung bakit sa yaman ng pamilyang ito ay hindi nila ito nahanap.
Biglang tumulo ang luha ko.
Sakto namang bumukas ang pinto.
Pinunasan ko ang luha ko at tinago ang phone ko.
Tuluyang pumasok si Nanay na buhat buhat si Eerius. Tulog na ito at nilapag niya sa kama.
"Ok ka lang ba anak?" Nag-aalalang tanong ni Nanay.
"Opo ma. Ok lang po ako." Sagot ko naman.
Tinititigan ko ang mukha ni Nanay habang may katanungan ang isip ko.
Alam ba ni Nanay kung sino ang pamilya ko? O kinupkop lang ako? Ako ba talaga ang nawawalang anak ng mga Dela Rosa.
Nakatulala lang ako at bigla naman akong niyakap ni Nanay.

BINABASA MO ANG
My Househusband
RomanceMapapasunod kaya ng isang Amila Celestia Fuentes ang isang lalaking ma-awtoridad, masungit at kinakatakutan ng halos lahat. Can she tame the Lion? Umiigting din kaya ang panga ng isang Eero Leon Benavides?