Chapter 3

388 13 12
                                    

"Umagang-umaga, George. Dinarag mo agad." baritonong saad ng lalaking ngayo'y nakatalikod sa akin. Napailing pa sya na parang disappointed talaga siya sa nasaksihan. Teka, familiar siya?

Pilit kong inalala kung saan ko sya nakita.

"Aha!" I exclaimed.

Napalingon sila sa akin habang ako naman ay nanatiling nakaturo sa lalaki na kunot-noong pinagmamasdan ako.

"Ikaw yung mayabang kanina, diba? Dito ka 'din?!" kung kanina ay nakatalikod siya, ngayon ay tuluyan niya na akong hinarap.

My forehead creased as I stared at him. Why does I have this feeling na hindi sya 'yun? Kamukha niya lang ba 'to? Pinsan? Kapatid? O...

"Kambal kayo?!"

"What are you talking about? Tss."

"Hindi 'e! Nakita kita kanina pero hindi ikaw 'yun! Laging tama ang instinct ko kaya sure ako!"

"Oh tapos?"

"E'di kambal nga kayo?"

"Yeah, any problem with that?" he asks boredly.

"Wala naman tinanong ko lang. " ang galing naman, gusto ko din ng kambal kasi parang ang cute. Haha.

"Weirdo." nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Makatawag ng weirdo kala mo close kami!

"I thought you're much kind than him. Tss, kambal nga kayo!" Kinuha ko ang aking mga gamit saka lumabas. Dahil wala naman klase ngayon at mamaya pang pagtapos ng lunch ang sunod naming klase ay pwede pa akong maglibot.

"Nakakainis naman. Unang araw palang tapos andami ko ng kaaway ." mahinang bulong ko sa aking sarili.

"Paano ka hindi magkakaroon ng kaaway 'e ang tapang-tapang mo." napahawak ako bigla sa aking dibdib ng may magsalita sa aking tabi.

"Hindi ba uso sayo privacy?" inis na tanong ko.

"Privacy?"

"Moment ko 'to tapos bigla kang susulpot dyan. Diba, may klase kayo?" tanong ko kay Zyren. Oo, si Zyren nga. At kahit hindi ako tumingin sa paligid alam kong tinitignan na naman nila kami.

"Wala naman yung Prof namin. Where are you going ba?" pati ba naman ito conyo.

"Paki mo." ani ko bago sya inunahan sa paglalakad.

Mabuti ng lumayo sa kaniya dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko ang mga babaeng halos katayin na ako sa tinginan nila.

And as expected, nakasunod na naman sakin itong gwapo na 'to.

"What do you want?"

"Nothing. " sinulyapan ko sya at doon ko na naman nakita ang ngising aso niya. Oo, kahit gwapo siya muka siyang asong  hindi napakain ng tatlong araw kapag nakangisi.

"I like you."

"Oh tapos?" tanging sagot ko.

"Hahaha. I really like you. You're interesting."

"Paano mo nasabi?"

"Every girls here are drooling over me. Tapos ikaw? Wow. That's new." natatawang sagot niya.

"E'di wow. Layuan mo nga ako. Napakadaldal."

"See? You're the only one who treats me like that."

Hindi ko na siya pinansin at hinayaan na lamang siyang magsalita ng magsalita. I wander my eyes and let the warm breeze touch my skin. Isang araw palang pero miss na miss ko na sila. Sila kaya namimiss ako?

"Penny for your thoughts, babe?" sinamaan ko agad ng tingin si Zyren.

"Bakit ba nandito ka pa rin? At anong babe-babe  ka dyan! FC ka!"

"What's FC?" kunot-noong tanong niya.

"Ikaw! Feeling close ka, alam mo ba 'yon?"

"Ayaw mo 'nun? Kahit bago ka lang may kasama ka dito. Hindi ka maho-homesick. Kagaya kanina. Mukhang ang lalim ng iniisip mo pati ako nalulunod." biro niya pa.

Muli ko na namang naisip ang pamilya ko. "Hindi ka ba nalulungkot dito? Kasi ako, oo. Hindi ko naman gusto mag-aral dito kasi hindi naman kami mayaman. Hindi ko nga alam paano ako napasok dito. Tapos unang araw palang, kamalasan agad sumalubong sa akin. I expected that the students here have the etiquette more than I have kasi nga laki kayo sa yaman pero kabaligtaran pala. " okay naman siguro kaibiganin 'to dahil muka naman siyang mabait pero nagsusumigaw talaga yung aura niya "Playboy ako". Tss.

"Well, that's life." walang pakialam niyang sabi.

"Pangit mo ka-bonding." natawa siya saka ako binalingan.

"Masasanay ka rin tsaka nandito naman ako. Kahit ayaw mo sakin gusto kita. Kaya sinasabi ko sayo na mula ngayon---"

"Zy!" naputol ang ibig niyang sabihin ng may tumawag sa kaniya.


Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now