The Dominant
BY:UnKnown
Chapter:34
HINDI na nagtataka si Bella kung bakit nasa bahay nila ngayon si Jacob although hindi niya inaasahan na pupunta dito ang binata so soon.
“Anong ginagawa mo dito ha?ang kapal din naman talaga ng mukha mong magpakita pa pagkatapos ng mga ginawa mo sa Ate ko at sa amin ha!?galit na sita ni Geoff at akmang susugurin nito si Jacob.
Mabuti na lang at napigilan siya ni Bella at ni Yaya Nelly.
“Gef tama na yan,ako na ang bahala dito”sabi ni Bella at tumingin sa kapatid.
“Pero Ate...”
“Sige na po Yaya Nelly pakidala na lang muna sila sa taas”aniya sa katulong.
Sumunod naman ang butihing Yaya kasi may tiwala siya sa kanyang alaga.
“Gef,Krissy tayo na muna sa taas”aniya sa mga alaga.
“Pero Yaya...”
“Sige na Gef ako na ang bahala dito”putol ulit niya sa sasabihin ng kapatid.
Walang nagawa ang binata pero matalim niyang tiningnan si Jacob patunay na galit na galit siya dito.
“Hindi pa tayo tapos Mr. Sandoval kaya huwag kang kampante”banta niya dito.
“Tatanggapin ko kung anuman yan Geoff”sagot ng binata.
“Demonyo!galit niyang wika.
“Gef tama na”saway ni Bella sa kapatid.
Umalis na sila at naiwan sina Bella at Jacob.Pagkaalis ng mga kapatid at ang Yaya nila ay hinarap niya si Jacob na nakatayo lang ito sa may pintuan.
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin tapos makakaalis ka na at huwag na huwag ka ng babalik Jacob”seryoso niyang wika sa binata.
Lumapit sa kanya ang binata pero mabilis niya itong napigilan.
“Huwag kang lalapit sa akin utang na loob”pigil niya dito.
Kaya huminto ang binata sa paglapit sana sa kanya.Sabay bumuntong hininga siya na tumingin sa dalaga na nandon pa rin ang galit sa mga mata nito,kaibahan nga lang sa ngayon ay medyo kalmado na ang dalaga.
“As I said earlier ginawa ko yon just to protect you from Mr.Arcilla kasi nalaman ko na ipapatay niya kayo oras na may malalaman kayo kung sino ang may kagagawan sa pagpatay sa mga magulang ninyo”simula niya sa dalaga.
Hindi sumagot ang dalaga at nanatili itong nakatingin sa kanya na hindi pa rin nag iiba ang impresyon ng mukha nito...galit pa rin.
“To make sure na wala kayong magagawa para sa kaso,I paid the person who handle the case to close it immediately para wala kayong malalaman”pagpapatuloy niya.
Nakita niyang pumikit ang dalaga at nag uunahang tumulo ang luha nito pero saglit lang nagdilat agad ng mata at matalim pa rin ang tingin nito sa kanya.Siguro kung nakakamatay lang ang tingin eh naghihingalo na siya ngayon.
“And after that hindi ko na pinakawalan si Mr. Arcilla,I secretly hired some people to watch after him to make sure na wala siyang gagawin sa inyo,I even put him to be the mayor here in Paseo to gain his trust at paniwalain na wala akong nalalaman tungkol sa kanya”aniya at akmang lalapitan ulit ang dalaga.
Pero nagsalita ito.
“I told you don’t come close to me Jacob!pigil nito sa kanya.
“Baby I admit I made a big mistake pero iniisip ko lang ang kaligtasan ninyo because that time I still don’t have solid evidence to put him in jail kaya I played innocent while working on it”aniya pa dito.