CHAPTER 8

22 2 0
                                    

GINNO'S POV:

Pagkahabag

Lungkot

Pagsusumamo

Pighati

Yan ang nararamdaman ko para kay Trisha na pinagkaitan ng kalayaan na magmahal dahil sa dalawang malalandi at mahaharot na nilalang.

Galit

Pagkauyam

Pagkadisgusto

'Sa pagkakataon na ito, gusto kong sumanib sa katawan ko si Manny Pacquiao para magamit ko ang skills nya sa boxing.'

Yan lamang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito para kay Timothy. Mga walang hiya! Para akong binuhusan ng malamig na tubig kanina pagkarinig ko ng mga kataga na yun at idagdag mo pa ang mga ungol na ginagawa nila.

Bumalik sa akin ang nangyari kanina sa loob ng sinehan kung saan umatungal na parang baka si Gel sa harap ni Trisha. Hindi na nahiya ang gaga kahit nasa loob ng sinehan at pinagtitingan na sya.

'Akala mo ikinaganda nya ang ngawa at pag-iyak, hindi nya alam parang baka na sya.'

-Flashback-

Pagkatapos ng kaganap sa loob ng sinehan, napansin ko ang pagiging tahimik ng gaga, ang matatalas na mata nya kay Timothy, at ang pagiging balisa nya. Alam kong may mali talaga sa kanya, bukod kasi sa pagiging energetic ni Gel, walang preno rin ng bibig neto kung magsalita, sunod sunod talaga ito.

Kaya hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin sya patungkol sa pagiging tahimik nya.

"Girl, bat ang tahimik mo? May problema ka ba? Pwede mong sabihin sa akin kung ano man ang bumabagabag sa isipan mo."

Yan ang naging tanong ko sa kanya. Naghintay ako ng ilang segundo, nagbabakasakali na sasagutin nya ang katanungan ko. Alam kong may gusto syang sabihin sa akin kaya lang hindi nya matuloy-tuloy.

'Mapagkakatiwalaan naman ako hindi ba? Bakit ayaw nyang sabihin sa akin? Wala naman akong lahi na chismosa.'

Ngunit nakalipas ang ilang sandaling paghihintay ko ay hindi talaga sya nagsalita pa. Nanlumo ang beauty ko dahil sa kaganapan nya iyon. Parang pinaasa nya ako na sasabihin nya sa akin tapossa huli ay hindi naman pala.

'Mas masakit na umasa sa chismis na sasabihin ng kaibigan mo kaysa sa kalandian mo na paasa.'

Habang nasa daan pauwi kasama ang mga taong walang kibuan sa sasakyan na kulang nalang ay umutot ako sa loob para naman magkaroon ng ingay kahit sandali lang. Pinapakiramdaman ko ang katabi ko kung buhay pa ba ito o patay na.

'Mas mabuti pa talaga siguro na ilabas ko na itong pinakatinatago kong kapangyarihan sa loob para mabuhay ang mga tao rito.'

Wala pang ilang segundo ay naramdaman kong nag vibrate ang aking phone sa bulsa, nilabas ko ito at napatanga sa aking nakita.

1 message received from Gel

'Anak ng?! Bat kailangan pang mag text nitong bruha na ito gayong ang lapit-lapit naman namin sa isa't-isa'?!

Dali dali ko naman itong binasa at nagtaka ako sa kanyang text.

"Bakla, may headset ka bang dala jan? May ipapasa akong voice recording sa iyo. Pakinggan mong mabuti dahil nandyan ang kasagutan ko sa mga tanong mo kanina sa akin."

Kunot-noo ko syang tinignan at nandoon pa rin ang paningin niya sa cellphone. Agad namang nag vibrate ang phone ko at tingnan kung ano yun.

'Voice recording: 0.45 seconds'

'Bat 45 seconds lang ito?! Anung klaseng recording ba ito?! Nakakaintriga naman talaga ito!'

Itinaas ko lamang ang thumb ko, sign na natanggap ko na ang voice recording sa messenger ko, masyado akong kinakabahan sa nilalaman ng recording na ito. Nauna akong hinatid ni Timothy dahil medyo may kalayuan ang bahay ko kina Trisha at Gel.

Nagpasalamat ako kay Timothy dahil sa kabutihan ng puso nya. Nagpaalam naman ako kay Trisha at napako ang tingin ko kay Gel na parang bagot na bagot na ito sa buhay na. Tignan nya ako mula ulo hanggang paa at bumalik na naman sa mga mata ko ang paningin nya, na para bang may sinasabi ito na:

'Pakinggan mo yung pinasa ko sa'yo'

Tumango naman ako sa kanya at binaling ang paningin ko sa dalawa na nasa harapan at tumango naman sila pareho sa akin. Agad na akong tumalikod papunta sa gate ng aming bahay at nag doorbell. Pinagbuksan naman ako ng mayordoma ng bahay naming at dali-dali akong pumasok ng kwarto ko at nilock iyon.

Pabagsak akong nahiga sa kama ko at kinapa ko ang cellphone ko na nasa bulsa pa ng pantalon ko na pang uniforme. Agad kong kinalkal ang messenger ko at nakita ko ang pangalan ng Gel na yon. Kahit nagtataka ay kumuha ako ng head set na nasa study table ko at kinabit sa phone ko.

Pinakinggan kong mabuti ang recording, at unang boses na narinig ko ay boses nga ni Gel na nanghihingi ng tulong sa isang guard ng sinehan.

"Kuya nakita nyo po ba ang daan patungong comfort room hindi ko po kasi mahanap hihi" sabi nya sa kausap nya!

'Naturingang maganda at matalino sa lahat ng bagay, bobo naman pagdating sa direksyon. Sarap ihambalos sa pader.'

Pinakinggan kong mabuti ang recording, may narinig akong kaluskos sa loob ng cr, may ingay ng tubig na galing sa flush ng toilet,hudyat na tapos na syang jumebs.

'Kalokang babae to, hindi man lang pinause ang recording.'

Papatayin ko sana ang phone ko ng may marinig ako sa recording na parang umuungol. Pagkatapos ng ungol, isang salita ang pumukaw sa pag-iisip ko na syang dahilan kung bakit tumulo ang luha ko ng wala sa oras.

"I love you Timothy Charles Hernandez. Kailan mo pa hihiwalayan or should I say,kalian mo pa sasabihin kay Trisha an gating ugnayan? Naiinip na akong makasama ka baby."

"I love you Timothy Charles Hernandez. Kailan mo pa hihiwalayan or should I say,kalian mo pa sasabihin kay Trisha an gating ugnayan? Naiinip na akong makasama ka baby."

Nagpaulit-ulit sa aking isipan ang mga katagang yun! Bakit ganun?! Pinaglalaruan ba ako ng isipan ko? Ilang beses ko pang inulit-ulit ang recording at yun at parang sasabog ang puso't isipan ko sa mga pangyayari.

'Kaya pala ganun nalang kung ngumuwa si Gel kanina, nakasaksi pala ang rarumaldumal ng pangyayari.'

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago tinawagan si Gel. Pagkatapos sabihin kung saan kami magkikita, ay hindi na ako nagatubiling mag bihis ng aking uniform, kumaripas na ako pababa ng bahay at kinuha ang susi ng aming kotse at ako na mismo ang nagmaneho.

-End of Flashback-

Hanggang ngayon ay nandito pa rin kaming dalawa sa coffee shop malapit sa kanila, nag- iisip kung paano naming dalawa sasabihin ito kay Trisha. Hanggang sa nakapag desisyon na kaming dalawa.

'Hindi natin sasabihin sa kanya ang nalaman nating ito. Kailangan muna nating makahanap ng maraming ebidensya laban sa kanya.'

'Para ito sa ikakabuti ni Trisha, mananahimik tayo.'

'Sasabihin lang natin ito sa kanya sa tamang panahon.'

'Sana lamang maiintindihan tayo ni Trisha.'

'Kailangan nating mag-ingat. Simula bukas, maging mapagmatyag na tayo.'

'Simula bukas, maging maingat na tayo sa ating sasabihin, alam kong magduda si Trisha sa atin, pero dapat chill lang tayo.'

~clyde~

Love Between FearWhere stories live. Discover now