Song: After All- Cover by Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
Drake's POV
Pagkadilat ko ay tinignan ko ang paligid. Nasa isang room na ako at may pakiramdam na ang katawan ko.
"Bu_hay ang a_sawa ko at nandito siya! Kailangan-ko- siyang makita." Pagkausap ko sa sarili ko at sinubukang tumayo.
"Oh no! Hindi po kayo pwede pa gumalaw Sir. Bawal po at baka bumuka ang opera niyo." Saway sa akin ng lalaking nurse na nasa kwarto ko.
"Hindi po, kailangan kong makita ang asawa ko. Nakita ko siya kanina sa operating room at nakita kong isa sa inyo." Mabagal kong pahayag na nauutal pa. Dala siguro ng anesthesia pa.
"Hala! Sir! Saka na po. Bawal din po kayo magsalita Sir. Kapag kaya niyo na ay pwede po namin kayong samahan sa sinasabi ninyo," sabi niya. "Pahinga lang po muna kayo, ilang oras lang po at pwede na po kayong bahagyang gumalaw galaw. Sa ngayon po bawal pa po." Paliwanag niya, wala na akong nagawa kundi ang muling humiga. Narinig ko namang may tumawag sa kaniya.
"Doktora, opo, mabuti naman siya. Opo, sige po babantayan ko po. No problem po doktora. Sige po."
Sigurado akong si Chloe ang kausap niya. Alam kong nag aalala din siya sa lagay ko. Pero gaya ng sabi ng nurse, kailangan ko munang magpahinga. Muling sumasakit ang tyan kong naoperahan kaya naisip kong tama sila. Kung magmamatigas pa ako ay baka lalong lumala ang lagay ko.
Muli akong natulog at nagising akong parang may tao sa gilid ko. Ganoon na lang ulit ang kabang naramdaman ko ng makita ang nasa harapan ko na nag checheck sa akin. Nakasuot pa rin siya ng mask at nakasalamin na mas malaki kumpara sa kanina. Tumingin siya saglit sa akin at alam kong siya nga iyon.
"Chloe.."
Umiwas siya ng tingin at nagtuloy sa ginagawa niyang vital signs. "Uhm Sir nagkakamali po kayo, hindi po iyon ang pa-" Kahit masakit ang katawan ay mabilis ko siyang hinigit at niyakap. Doon na ako nag iiyak sa mga balikat niya. Humihikbi na akong nakayakap sa kaniya. "Kailangan ko lang po kasing mag rounds para macheck kayo, ginoo." Boses pa lang alam ko ng siya talaga ito.
"Buhay ka, sabi ko na at buhay ka honey.." At muli akong umiyak sa balikat niya. Wala na akong pakialam kahit mabasa pa siya.
"Uhm Sir, nagkakamali po kayo. Baka kamukha ko lang." Tanggi niya pa.
"Hindi mo ako malilinlang.. Huwag ako honey.." Hindi ako bumibitiw sa kaniya. "Huwag mo na akong iiwan ha. Huwag ka ng aalis." Humihikbi kong pahayag. Para akong batang ayaw magpaiwan sa nanay sa school. Hindi na pwedeng makawala sa akin ni Chloe. Matagal akong naghintay sa pagbalik niya. Hindi na ako papayag.
Malakas niyang kinalas ang pagkakayakap ko. "Uhm Sir, nagkakamali po talaga kayo. Babalik na lang po si-siguro ako mamaya. Sige po Sir Drake." At tumalikod na siya sa akin at lumakad papunta sa pintuan.
"Sandali!" Sigaw ko kaya napahinto siya sa paglakad ngunit nanatiling nakatalikod. "Ikaw nga... Mahal ko... Anong nangyari sa iyo? Bakit mo iyon ginawa?"
"Nagkakamali po talaga kayo Sir Drake.."
Hinawi ko ang kumot ko at lumapit sa may paanan ng higaan. "Hindi ko sinabi sa kanila ang tunay kong pangalan." Nauutal kong sabi habang umiiyak na nanginginig. "Ikaw iyan, kahit magpatong ka pa ng ilang salamin, at mask sa mukha mo, malalaman kong ikaw iyan. Asawa ko." At sinubukan kong tumayo, pero napako lang siya sa pagkakatayo niya at maya maya ay napaupo na siya. "Sorry.. Patawarin mo ako.. Asawa ko.. Patawarin mo ako.. Bumalik ka na sa akin.. Miss na miss na kita..." Ngunit nanatili siyang nakatayo doon kaya hinila ko na ang IV line ko at sinubukang lumapit sa kaniya ngunit nanghina ako at bumagsak kasama ng IV stand ko.
BINABASA MO ANG
Selfless Love (COMPLETED) Altruista Pessoa Series #1
RomanceMinsan lang umibig ang isang Chloe Samonte. Humanga, nagmahal sa isang tao sa matagal na panahon. Hinintay niyang masuklian ni Drake ang pagmamahal niya. Ngunit, nang dumating na ang pagkakataon para sa kanila, malaking pagsubok ang hinarap ng kan...