Chapter 13

9 0 0
                                    

Florian

Flashback

Ilang araw lang kami nag-stay sa resort na tinutuluyan namin sa Zambales. Hindi talaga sasabihin sa akin kung saan ang resort na tinuluyuan hangga't hindi pagbibigyan ang gusto nito.

Langoy, kainan, at cuddle ang nagawa namin doon. Sinusulit ko ang mga masasayang bagay na nagiging maganda ang inyong mood.

Ngayon araw na rin ang aking report sa isang subject na hindi natuloy dahil hindi pumasok ang aming professor noon. Kaya handang-handa ang mga aking sasabihin during the reporting.

"Hoy Florian!" tawag sa akin ni Trixie kaya napalingon ako sa kanya na mukhang kakapasok lang nito. "Kamusta na ang bakasyon with Scott?" usisa nitong tanong.

Umupo ito sa aking tabi atsaka lumapit ito sa aking tenga. "Malaki ba?" pahabol pa nitong tanong.

"Malaki ang ano?" napakunot noo ako sa tanong niya.

"Talong niya." indirect niyang sagot pero nagets ko naman ang point nito.

Agad ko siyang pinalo sa braso dahil masyadong madumi ang isipan. Maaga pa para maglinis ng kalat.

"Siraulo ka talaga!" ani ko na nagpipigil ng tawa.

"Okay lang, masaya naman." bored kong sagot habang inaayos ang papel na hawak ko pero deep inside ay kinikilig pa rin ako.

"Masaya lang?" di kumbinsido nitong patanong.

Napabuntong hininga ako dahil hindi talaga ito matatahimik hangga't hindi pa ako nagsasabi ng totoo.

"Hays, totoo may nangyari ulit sa amin." pagsuko kong sagot pero hininaan ko ng mabuti at patago akong ngumiti. Dahil kinikilig ako.

Nagulat ako sa kanya na bigla ako tinulak na siyang kinamuntikang matuba sa inuupuan ko. "Tang inumin naman Florian!" medyo napalakas ang boses nito na siyang ikinalingon ng mga kaklase ko na nandito pa sa silid.

"Trixie, kung gusto mo pang magsalita hinaan mo. Kun'di lalagyan ko ng bomba yan." asar kong banta sa kanya kaya napatahimik na lang ito at lumapit pa sa akin.

"Ikaw namiss mo lang siya, gumawa na agad kayo ng baby." asar nitong sabi. Kahit kailan talaga si Trixie

"Ninang ako sa kasal at anak niyo ah? Huwag na huwag mong kakalimutan." Napailing na lang ako sa kanya at inaral ulit ang mga dapat ko aralin.

"Good morning class!" biglang bati ni Professor Manalastas sa amin. Binatin rin namin siya pabalik.

Fools in Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon