Chapter 5: The Call that Ends it All

36.6K 757 80
                                    

Kapag naka-hit ito ng 100+ likes until Sunday, isang update pa for this week :)

CLEO'S POV

"I'll take a quick shower" he said as he kissed the back of my ear and gently put me in bed.

I want to protest but he's already walking towards the door, that I supposed is the bathroom. I want to tell him that I wanna join him, but he already shut the door behind him.

I let out a heavy sigh and decided to just wait for him to come out. He might want to get rid of that girl's scent, the one in the car with him. I consciously smelled myself. Okay pa naman. I smelled of my own scent mixed with his intoxicating flavor, ang I like it... so arousing and provoking.

Iginala ko ang tingin ko sa kwarto. Malaki ang kwarto at may glass cabinet sa isang gilid, sa kanan ng kama. Sa gitna ng silid ay ang malaking kama na nababalutan ng gray na tela at may mga puting unan. Sa kaliwa ng kama ay ang floor-to-ceiling na salamin na nakatanaw sa ganda ng siyudad. Sa ulunan ng kama ay may tatlong paintings na expressionism ang style. Sa paanan ng kama ay may dalawang pinto. Ang isa ay ang pinasukan ni Neil, ang banyo. Ang isa ay marahil ang walk-in closet.

Kung susuruin ang lugar, hindi ito mukhang hotel room. Parang condo unit ang dating niya. Sa magkabilang gilid ng kama ay may mga bedside table na may mga lamps. Ang sa kanang lamesa ay may alarm clock at ang sa kaliwa ay may picture frame. Lumapit ako sa kaliwang lamesa at dinampot ang picture.

It was a picture of group of friends in a beach. Nakita ko si Neil na nakaakbay sa isang magandang babae. Mukhang masaya silang lahat. At ang babae na inaakbayan ni Neil ay bahagyang namumula ang mukha. Maganda siya. Simple ang mukha niya pero tila perpekto naman.

Ibinalik ko ang frame sa bedside table at nilibot pang muli ang paningin ko sa silid.

Carpeted ang buong kwarto. Ang glass cabinet ay puno ng display ng maliliit na kotse. Tumayo ako para makita ng malapitan ang mga laruan. Nakakamangha silang tignan. Maayos silang nakahilera. Ang sarap siguro sa pakiramdam kung totoong kotse ang koleksyon mo.

Tumungo ako sa labas ng silid at pinulot ang mga damit namin. Hinapyawan ko ng tingin ang sala. Maaliwalas at maganda. Leather ang mga sofa at may isang malaking flatscreen TV na nakasabit sa dingding. Ang salamin ay tulad ng sa kwarto na mula sahig hanggang kisame at tumatanaw sa ganda ng siyudad. May dining table din na pang apat na tao. Ang kulang na lamang sa kwarto na 'to para maging condo unit ay ang lutuan.

Pumasok na ako sa loob ng silid ni Neil. Naabutan ko si Neil na nakatayo sa gitna ng silid at nagtutuyo ng buhok. Nang marinig niya na binuksan ko ang pinto ay lumungon siya sa akin.

Napalunok ako at napasinghap. Bukas na ang ilaw sa kwarto kaya malinaw ko siyang nakikita ngayon. Ang tanging tumatabing sa katawan niya ay ang isang tuwalya na nakaikot sa bewang niya.

I scanned his body. He got broad shoulders, lean chest, washboard abs, perfect V-line... and a tatoo below his belly button. His body is nothing but perfection. Hindi siya payat at hindi din bato-bato ang katawan.

"Enjoying the view?" nakangising tanong niya sa akin.

Napalunok pa ako ng isa pang beses. What a Greek god he is!

Lumakad siya palapit sa akin at kinuha ang mga dala kong damit. Nang lumakad siya palapit sa isang couch para ilapag iyon doon ay nakita ko ang malaking tatoo sa likod niya. Parang kalmot sa balat niya. Ripped skin showing mechanical gears inside. It occupies a huge space on his mascular back hanggang sa tagiliran niya at ang dulo ng kalmot ay just above his V-line.

I'm not the type of girl who got impressed with the cool stuffs such as tats and piercings. Pero dahil kay Neil ko nakikita, todo appreciate ang mga mata ko. Everything about him just looks so perfect. Wakang maipipintas.

Avaricious HeartsWhere stories live. Discover now