JANE

50 1 0
                                    

JANE's POV

Bestfriend. Yun pa rin kami kahit na ilang beses na siyang umamin sa'kin. Hindi sa ayaw ko sa kanya kundi dahil alam kong mas okay nang ganito lang kami. We're better off as friends.

Masaya naman na kami sa status namin e. Bakit paguguluhin ko pa? Pag naging kami, magkakaproblema lang kami, may mga bagay na kaming mapag-aawayan. Baka hindi rin maging ganito kasaya. Atsaka bestfriend ko lang talaga siya.

Oo, kinikilig ako sa kanya dahil sweet siya, pero hindi yun sapat na basehan para sagutin ko siya diba? Atsaka ni hindi ko nga alam kung nanliligaw siya. Basta lagi lang kaming magkatext at magkasama, kung anong ginagawa namin dati, ganun pa rin kami ngayon. Nagsesend siya ng good morning messages at long sweet good night messages.

Mahal ko siya... Oo, as bestfriend. No more, no less. Naeenjoy ko yung company niya, at masaya kami. Pero masaya nga talaga kaya siya? Okay lang talaga kaya sa kanya na bestfriends lang kami?

Pero ayoko, ayokong masira ang friendship namin...

"Sasagutin mo ba siya?" Tanong sa'kin ng mutual friend namin.

"Huh? E hindi naman yata siya nanliligaw. Atsaka masaya naman kaming ganito. Di naman siya nagdedemand."

"Baliw. Kala mo lang masaya siya. Siguro, masaya siya na okay pa rin kayo. Pero sa status nyo? Di na siya masaya."

Bumagabag sa'kin yung sinabing iyon ng kaibigan namin. Di ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Best friend lang talaga ang turing ko sa kanya. Pero ayoko rin siyang mawala sa'kin kung sakaling hindi maging kami.

Malapit na ulit ang school year. At umaasa kaming classmates pa rin kaming dalawa. Pero hindi...

"Feeling ko, hindi na tayo magiging close..." Sabi ko.

"Oy, wag naman. Iiyak ako pag ganun. Best friends pa rin tayo. Baka naman ipagpalit mo 'ko ta's magkaroon ka ng ibang best friend?"

"Hindi ah. Iba ka sa lahat ng best friend ko. Walang tutulad sa'yo."

First day ng school, may inabot siya sa'king bracelet. Binili niya yun nung bakasyon. Dalawa ang binili niya, isa para sa'kin at isa para sa kanya.

"Kailangan bang suot ko 'to palagi?" Tanong ko nang ipasuot ko sa kanya yung bracelet ko.

"Ahm... Oo. Basta isuot mo."

"Ikaw rin."

Tapos tuwing gabi, nagdadrama kami sa isa't isa dahil hindi na kami magkaklase. Hindi kami sanay. Kami kasi ang madalas magkausap last school year.

"Miss na kita. Wala akong kadaldalan." One time, sabi niya sa'kin. Pero actually, madalas niya palang sabihin.

"Marami ka namang madadaldal sa classroom n'yo ah?"

"E, iba kasi pag ikaw yung kausap ko."

Na-overwhelm ako. Eto? Yung ganitong klase ng best friend? Hinding-hindi ko gugustuhing mawala sa'kin. Kaya nga nahihirapan ako e. Kasi baka dumating yung time na magsawa na siya sa pagiging bestfriend lang namin at humanap ng iba.

Hanggang isang araw, feeling ko nangyayari na yung sinabi kong baka hindi na kami maging close. Hindi na kami ga'nong nakakapag-usap. Hindi na kami ga'nong nakakapagkwentuhan.

Andami na ngang naipon na kwento sa utak ko e. Mga kwentong gusto kong i-share sa kanya. At feeling ko rin, huling-huli na 'ko sa mga balita tungkol sa kanya. Feeling ko, andami ko nang hindi alam sa kanya.

Yung feeling na hanggang "Hi","Hello" na lang kami madalas pag nagkakasalubong kami sa corridor.

Tapos one time, nakatayo ako sa corridor, nakikita ko yung loob ng room nila. Nakita kong nakatingin siya sa'kin kaya kinawayan ko siya. Nginitian niya 'ko at kinawayan rin.

Best Friend LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon