9

16 1 0
                                    


Aia.

"I'm actually planning to renovate our condo, masyado kasing maluwag living room e like para maging spacious 'yung room mo," Aia suggested. Andito na kami sa Royal, papunta sa tindahan ng mga kama. Bibili ako remember?

"Matagal pa 'yun. Ayoko nga magstay sa bahay, ang layo kaya," sabi ko.

"Edi tabi muna tayo. Kesa naman hindi ka naga-upgrade ng kwarto?" sabi niya.

"I'm good tih. Alam mo naman later on kailangan ko narin bumukod or kailangan na natin mag-upgrade mismo ng unit diba," sabi ko sakaniya.

"Well, you have a point. What if ilabas mo nalang sa may corner ng living room 'yung desk mo? Tutal sa labas ka rin naman gumagawa tas bili ka na ng mas malaking bed. Maganda mag-invest sa kama teh," she said. Pagkarating e pumasok na kami at namili na kung anong mas okay.

"Kahit twin size bed frame," sabi ko. Mas maliit naman 'yun pero ayos lang. "Kayalang saan dadalhin 'yung luma? Sayang naman e."

"Ay about that. Waway said if wala na daw paggagamitan ibigay nalang daw sakanya, may pagbibigyan daw siya," sabi ni Aia. Tumango tango ako.

"Edi mabuti, mahal din kahoy non," sabi ko. After makapili ng bed frame e nagpunta na kami sa mga mattress para mamili ng kutson.

"I'll treat you with the mattress, piliin mo na 'yung pinakamalambot," inirapan ko ang gaga.

"Talent kong hindi tumanggi pero sumosobra ka na gaga," sabi ko sakanya. "I'm good."

"Luh, arte mo," Aia said. "Dali na! Ikaw na nga nagbabayad ng bills natin e."

"Dalawang libo lang kuryente natin tapos tubig isang libo lang. Niloloko mo ba ako?" Natawa siya. Eh mura kasi hindi naman kami pala gamit ng aircon. Bawi lang sa tubig kasi may tub kami na gamit na gamit.

"Bahala ka. Ako bibili ng mattress. Bibili din ako akin," sabi niya.

"Bakit? Laspag na kutson mo?" Mapang-asar na tanong ko sakanya. Binatukan ba ako ng gaga.

"Ilang taon na ba 'yun?" umiirap na sabi niya. Lumakad na kami at chineck lahat ng kutson kung masarap ba sa likod.

"Kuya, I'm fine with this na. Mas mahal na 'yung isa e. I'm fine naman with anything like we tried nga to sleep in banig only diba?" napatingin kami sa nagsalita. Natry matulog sa banig pero boses mayaman? Wow. Chismosa ka gurl?

"Isn't that Mr. Severino?" Aia asked. Kumunot noo ko dun sa kausap nung babae. Oonga! Shuta. Bakit parang napapadalas pagkikita namin? Lord naman ih. Sabi ko 'wag siya diba? Nakakahalata na ako niyan.

"I want you to experience the best life, Naiah. Kaya nga ako nagpaabot dito para maparanas sainyo 'to diba?" Kumunot noo ko sa chismis na narinig ko. Tinignan ko si Aia at parehas siguro kami ng reaksyon. Prinsipe siya diba? Bakit nila maeexperience 'yung sinabi nung babae? And I think that means Prinsesa 'yung babae? But she wasn't invited at Vienne's party? Wow.

"Ito best parang maganda 'to, try mo 'to!" Pinanlakihan ko ng mata si Aia kasi hinila niyaako palapit sakanila at dun sa kamang pinipili nung babae kanina. Tinulak niyaako pahiga dun sa mattress.

"Mukha ngang malambot 'to," sabi ko at nung lumingon sila Noah e nakita niya ako. "Oh? You're here, Mr. Severino," bati ko nalang kunwari kakakita ko lang sakanya. Ngumisi siya.

"Hi Prince Noah!" Bati rin ni Aia. "Nice to see you again!"

"Oh, nice to see you again too, Aia and Gwy. Let's drop the honorables, okay?" he asked. Nag-iiba talaga pakikipag-usap niya in public ano? Bakit kaya? "Anyway, I want you to mee my younger sister, Akina Ianah but you can call her Naiah. Sis, this is ate Gwy and ate Aia, kaibigan sila ni kuya Guian mo."

Langit LupaWhere stories live. Discover now