CHAPTER 75

1.7K 64 22
                                    

AEZEL POINT OF VIEW

"Hindi ako papaopera" ang sabi ng papa ni Eunice sakin

"Kung hindi kayo mag papaopera mas lala yung sakit nyo" ang sabi ko

"Wala akong pake atchaka bakit ka ba may pake sakin? ah?!" ang galit nyang tanong ilang araw na syang nandito pero ang kulit padin ayaw nya daw ako makita kase naiinis sya sakin wala naman akong magagawa kase pasyente ko sya at lalo na't tatay sya ni Eunice

"Pasyente ko kayo kaya may pake ako at lalo na't tatay kayo ni eunice" ang sabi ko

"Tumututol na nga ako sa relasyon nyo ni eunice tapos ganyan ka pa sakin?" ang galit nyang tanong habang nakahiga

"kung hahayaan ko kayo pano sila eunice? Alam kong may galit kayo sakin pero hindi ko kayo pweding hayaan kase pasyente ko po kayo at lalo na't tatay kayo ng taong mahal ko kahit nilayo nyo sakin si eunice nandito padin sa part ko na hindi ka hahayaan kase alam kong masasaktan si eunice pag nawala ka" ang sagot ko napatahimik naman sya

"Alam kong hindi nyo tanggap kami ni eunice pero wala po akong magagawa kase pananaw nyo yun ang akin lng mahal ko anak nyo kahit parehas kami babae kahit mali po sa mata ng diyos alam po ng diyos na nag mamahalan kami ni eunice Kung di nyo talaga kami tanggap ok lng pero isipin nyo naman po magiging malungkot sila eunice kung hindi mo itutuloy yung operation gusto mo  ba maging malungkot sila eunice?" ang seryoso kong tanong hindi naman sya nakasagot at tahimik lng sya kaya napabuntong hininga ako

"Sige mauna na po ako tawagin nyo nalang po ako if gusto nyo na mag paopera dahil kung patatagalin pa yan mas lalong lala yan" ang sabi ko nag lakad naman ako ng unti sa may pinto

"Hindi po sa gender nasusukat ang pag mamahalan ng dalawang tao hindi po ako yung pumili ng mamahalin ko kundi ang puso ko sana maintindihan nyo na mahal ko anak nyo kahit same gender kami" ang sabi ko  bago ako umalis

"Kamusta yung papa ni eunice?" ang tanong ni Justine sakin nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain

"Hindi ko alam kung mag papaopera sya pero punipilit ko" ang sabi ko

"Diba galit yun sayo?" ang tanong ni Jean

"Yeah but kailangan kong gawin trabaho ko atchaka iniisip ko din kalagayan nya dahil papa sya ni eunice" ang sabi ko

"Try and try malay mo mapayag na papa ni eunice sayo diba? plus points" ang sabi ni Justine napailing naman ako

"Totoo pwedi yun" ang sabi ni kim

"kaya nga try and try" ang sabi ni Julia

"Payting" ang sagot ni Carla kaya napangisi nalang ako at kumain after ko kumain ay nag tambay ako sa office ko at inasikaso mga result ng mga pasyente ko at inasikaso ko din yung mga dumating na pasyente yun ang ginawa ko buong shift ko

ngayon ay nakaupo lng ako sa may swivel chair ko habang tumitingin sa oras wala naman akong gagawin sa bahay kaya tinawagan ko si mom

"Hello anak" ang sabi ni mom

"Mom mag oovertime ako" ang sabi ko

"Bakit?" ang tanong ni mom

"mga hanggang 3am" ang sabi ko

"Anak bakit ka mag oovertime?" ang tanong ni mom

"Wala naman akong masyadong gagawin sa bahay eh atchaka mom ok lng ako ok?" ang sabi ko

"Fine sige pero bukas 1pm ka papasok ah?" ang sabi ni mom

"bakit mom?" ang tanong ko

"Kase nag overtime ka kailangan yun para makatulog ka pagdating mo dito doctor ka kaya dapat inaalagaan mo din sarili mo" ang sabi ni mom kaya napabuntong hininga ako

"Yes mom" ang sagot ko

"Sige kumain ka kung nagugutom ka dyan at mag pahinga ka pag wala kang ginagawa" ang sabi ni mom

"Opo" ang sagot ko

"Sige ingat ka dyan" ang sabi ni mom

"Yes mom love you" ang sabi ko

"Love you too" ang sagot ni mom sabay pinatay ko na yung tawag and sumadal sa swivel chair ko at tumingin sa kawalan

"Doc Aezel" ang biglang tawag sakin kaya mapatingin ako sa may pinto

"Pinapatawag po kayo ng pasyente nyo sa room 345" ang sabi sakin ng nurse

"Sige thanks"ang sabi ko sabay tumayo ako and kinuha ko yung Stethoscope at pumunta sa room na yun and inasikaso ko yung pasyente ko don

After non bumalik dumiresto ako sa may office ko at nag pahinga ulit wala naman atang dadating na mga pasyente ngayong 10 ng gabi

" Mukhang overtime kayo ni doc kim at ni nurse julia ah"ang sabi ng nag titinda sa may cafeteria

"nag overtime din sila?" ang tanong ko

"Oo kakatapos lng nila bumili ng kape bago ka dumating doc aezel" ang sabi nya kaya tumango naman ako

"Sige mauna na ako thank you" ang sabi ko habang hawak ko yung kape na binili ko at umalis na naisipan ko pumunta ng rooftop para mag palamig don

Pagdating ko sa rooftop ay may nakita akong tao don kaya pumunta ako don para may palamig

paglapit ko sa taong yun ay nakita ko yung papa ni Eunice nag tatabay at tahimik naman kaming nakatingin sa may langit  nang mag salita sya

"Bakit nandito ka pa?" ang tanong nya sakin

"nag overtime lng po" ang sagot ko tumango naman sya at natahimik ulit kami
ng ilang minuto

"naisip ko yung sinabi mo kanina kaya napag desisyonan ko na mag paopera nalang pero namomoblema ako sa pag bayad kase maliit lng kita ko sa pag tatricycle" ang sabi nya

"Wag nyo isipin yung ibabayad nyo sa hospital at sa pag oopera dahil mas importante ay mabubuhay kayo para sa pamilya nyo"ang sabi ko

" Tama pero saan ako kukuha ng pera pambayad?"ang tanong nya uminom naman ako ng coffee at biglang may nag flashback sa utak ko na sinabi sakin ni sidney na may nag resign na purchase manager

"Pwedi ba sainyo yung purchase manager?" ang tanong ko kaya napatingin sya sakin

"Oo naman may experience  na ako don sa dati kong pinag tatrabahuan kaso lng nag sara yunh company dati na pinag tatrabahuan ko kaya nawalan ako ng trabaho" ang sabi nya

"Pwedi naman sainyo yung trabaho na yun may nag retire kase na Purchase manager malaki naman sweldo nyo don" ang sabi ko

"Talaga? pwedi akong mag apply don?" ang tanong nya

"Yes basta pag nakarecover kana kakausapin ko nalang yung pinsan ko na ceo tungkol sainyo" ang sabi ko

"salamat aezel" ang sabi nya  sabay tumingin sa langit

"Wala po yun" ang sagot ko

"Pasensya na pala sa kanina ah? Kung galit ako sayo" ang sabi nya sabay bumuntong hininga

"Alam mo tama ka nga narealize ko kanina na wala talaga sa gender ang pag mamahalan ng dalawang tao pasensya kung nagalit ako sainyo ni eunice ngayon ko lng narealize na dapat hindi ko yun ginawa atchaka tignan mo nga ang bait mong bata tinutulongan mo pa ako kahit nagalit ako sayo" ang sabi nya sakin sabay ngumiti

"Ok lng po yun" ang tanong ko

"Salamat aezel at pasensya na sa ginawa ko ah? papayag na ako ma operahan mo ikaw na bahala sakin ah? may tiwala ako sayo" ang sabi nya sakin sabay tumingin then ngumiti tumango naman ako and ngumiti

"Maasahan nyo po ako" ang sagot ko

-----------------------
THANKS FOR READING

ONCEPH

Clayton Series #6:ChemistryWhere stories live. Discover now