CHAPTER 12

3 1 0
                                    

JANE POV

"Ibigay mo na lang yan sa papa mo" sabi ni tito

"Sige to" sabi ko na lang, pumasok naman ako sa room at naupo sa upuan ko

"Ma'am salamat po" sabi ni tito at umalis, nakinig na lang muna ako hanggang sa matapos si ma'am

"Ok goodbye class" sabi ni ma'am

"Bye ma'am" sagot ng iba naming classmate

"Oyy ano yan?" Sabi ni pirante at tinuro ang paper bag na nasa gilid ng upuan ko "pachismis sino ba yun, papa mo?" dagdag nya pa

"Hoy bakla feeling close ka?" Angel.

"Hoy maria hindi naman ikaw ang tinatanong ko si Velasquez kasi tsh" sabi ni pirante at humarap sakin

"Pirante bakla ka ba?" Deretsong Tanong ko sa kanya

"Abay hindi hahahahaha" natatawang sabi nya

"Bakit ang chismoso mo, tito ko yun kaya bumalik ka na sa upuan mo" sabi ko sa kanya, lintek to kala mo close ko eh

"Makikichismis lang eh, ang damot" sabi nya sabay tayo at umalis

"Ano nga ba kasi yan?" Isa pa to si angel eh

"Hindi ko alam dahil hindi naman ito sakin" sabi ko

"Bakit sayo binigay?" Tanong nya pa

"Dahil hindi makakapunta si tito sa bahay, kaya ako na lang daw mag bigay neto kay papa" sabi ko lang, buti naman at dumating na ang second subject teacher namin kaya umayos na si angel sa kinauupuan nya, lutang lang ako buong klase dahil iniisip ko rin ang lagay ni nics, ayaw nyang mag salita, iniisip ko na baka may problema sya pero di nya sinasabi samin

"Ding" natauhan naman ako ng tawagin ako ni nics, pag tingin ko sa harap wala na si sir "Lutang ka Ding?" Tanong nya pa

"Ewan" sagot ko lang, mabuti naman at nag salita na sya

"Ewan Amp" nasabi nya na lang nang biglang dumating na ang third subject teacher namin, wala akong ganang makinig kahit math pa yan, kinokpya ko na lang ang mga sinusulat ni sir sa black board dahil wala talaga akong ganang makinig hindi rin naman nag tagal natapos na, breaktime na,nag sisilabasan na ang iba kong classmate, ako nakatulala lang habang sila naman nag aayos "HOY DING" sigaw ni nics, gugulatin nya siguro ako kaso tinignan ko lang sya

"Tara na, baka gutom lang yan" pag aaya ni angel, hinila nya pa ako para makatayo ako, nag lakad na lang din ako kasabay sila pababa, pag dating naman namin sa canteen napakarami ng studyante, sila nics naman ang bumili lumabas ako ng canteen at nauna sa swing buti nalang meron pang bakante umupo naman ako at ginalaw ang swing, habang pinagmamasdan ko ang mga studyanteng nadaan ay May biglang dumating na lalake

"Hi" nakangiting sabi nya at tinaas pa ang isang kamay, di ko naman sya pinansin at lumingon sa iba "Ang sungit" sabi nya

"Oy pre ginagawa mo dyan, dito tayo" sigaw ng isang lalake sa kabilang swing

"Alam ko" sigaw netong nasa harap ko "bye miss sungit" sabi nya at pumunta dun sa swing nila, lumipat ako sa kabilang upuan para nakatalikod lang ako sa kanila, sakto namang dating ni angel at nics

"Oh" abot sakin ni angel ng pagkain na pinabili ko sa kanila

"Ding sino yun?" Tanong ni nics

"Alin?" Tanong ko din sa kanya

"Yung lalake kanina kausap mo" nics.

"Aba Malay ko at hindi ko kausap yun" sabi ko sa kanya at binuksan yung biscuit ko at kumain

THE BAD GIRLS TRIOWhere stories live. Discover now