CHAPTER TWO

580 29 14
                                    


KINABUKASAN ay maaga pa rin nagising si Helena kahit hindi ito nakatulog dahil sa nangyari kagabi, kung pwede lang ay sana na pananigip na lang ang lahat pero alam niyang mahihibang lang siya kapag iisipin niya iyon. Kahit masama ang loob sa kapatid ay pinagluto pa rin niya ito ng agahan dahil balak niyang kausapin ito kung totoo ang mga sinasabi ng lalaki kagabi.

Kalahating oras lang lumipas ay nagising na ang kapatid niya na bakas pa rin ang mga bugbog nito sa mukha at katawan kasi nakahubad baro ito nang linisan kasi niya ang mga sugat nito ay hindi na niya pinagtuunan ng pansin na bihisan pa ito.

"Kumain ka na at may pag-uusapan tayo! "madiing sambit niya habang padabog niya itong pinaghahainan ng makakain.

Hindi naman makatingin ito sa kanya dahil siguro na alala nito ang nangyari kagabi. Pagkatapos nitong kumain ay nilapitan siya nito at sinuri tinitingnan siguro nito kung may ginawang masama sa kanya ang lalaki.

Itinulak naman niya ang kanyang kuya at seryosong tinanong.

"Totoo bang may utang ka sa lalaking iyon kuya? "Nagtitimping tanong niya sa kapatid kahit matanda pa ito sa kanya ay hindi siya mangingimi ngayon ipakita ma nagagalit siya rito. Hindi lang iisang beses na nangyari ang ganitong sitwasyon pero iba na ngayon dahil malaking halaga na ang pinaguusapan dito dahil lang sa pagsusugal nito na matagal na niyang sinasabi ritong walang magandang maidudulot ang pagsusugal nito.

" 'Di ko naman sinasadyang magkautang sa kanya nagipit lang ako, "mababang sagot nito.

"Ah! Nagipit ka lang uh! o natalo ka dahil sa pagsusugal mo kaya ka ngayon nag kautang ng kalahating milyon? Alam mo bang malaking halaga iyon kuya, tapos nilalang mo lang, "naluluhang sumbat niya sa kapatid.

"Hindi ba sabi ko sa iyo kuya matagal na! Tigilan mo na ang pagsusugal mo ilang beses mo na bang ginawa ito? Hindi lang iilang beses, kuya! Maraming beses na kuya pero pinapalagpas ko lang kasi nagagawan ko ng paraan at dahil mahal kita, pero ngayon kuya 'di na ito biro. Saang kamay ng Diyos natin kukunin ang ibabayad natin sa lalaking iyon. Kuya sana nag isip ka ng ilang libong beses bago mo iyon ginawa. "Mahabang sumbat niya rito habang umiiyak na.

"S-Sorry bunso, hindi ko sinasadya hayaan mo gagawan ko ng p-paraan. "Nakayuko lamang na saad nito.

"Sorry! Puro ka na lang sorry. Iyan na lang lagi ang sinasabi mo sa akin, ako naman itong tanga mong kapatid lagi kang pinagpagbigyan, kuya nakakasawa na alam mo bang gusto na kitang sukuan! Pero hindi ko magawa dahil mahal kita, pero sobra ka na kuya, "nahikbing sumabat ulit niya.

"S-Sorry, talaga bunso, sorry! "Katahimikan ang namayani nang mga oras na iyon at puro sorry lang nag kanyang kapatid ang maririnig sa mumunting kusina nila. Maya-maya lang ay nagsalita ulit siya.

"A-Alam mo bang may mas m-madaling paraan para mabayaran ko ang utang mo? "nauutal na tanung niya sa kapatid. Napaangat naman ito ng tingin at hinintay na sabihin niya ang paraan na iyon.

"A-Anong paraan, "Namimilog ang matang tanung nito sa kanya na parang bang nabigyan ng pag-asa ang problema nito.

"Isang linggo sa piling niya, kapalit ng utang mo at kapag pumayag ako hindi ka na niya ipakukulong! Ano kuya maatim mo bang ako ang kapalit ng dahil sa bisyo mo ? Ah! Kuya? "nanunumbat na tanung niya rito at lumuluhang tiningnan niya ito ng hindi kumukurap.

Nakayoko lang ang kapatid nito at hindi makaimik dahil sa kagagawan niya ay mapapahamak ang kanyang kapatid, sana noon pa siya tumigil sa bisyong kaytagal na hiniling nito sa kanya.



...........

Sigurado na siya sa kanyang desisyon, sa ayaw at sa gusto ng kanyang kapatid ay nagdesisyon na siyang tanggapin ang inaalok ng lalaki sa kanya.

Pero alam ng Diyos na ginawan pa rin niya ng paraan ng makalikom kahit kinse mel lang para maipang down payment niya at paki-usapan niya ulit ang lalaki. Kaya lang ay wala siyang mahiraman dahil madami pa rin silang pinagkakautangan na hindi pa nababayaran dahil ang huling napatalo nito sa sugal ay sampung libong peso na hindi pa rin niya tapos mabayaran. Kaya wala siyang napilit na pahiramin siya ulit.

Hindi rin siya nagawang mapagcash advance ng kanyang mga amo na pinaglalabadahan niya dahil kahit doon ay may mga utang pa rin siyang kinakaltas sa kanyang sweldo kaya wala na talagang paraan kundi ang tanggapin na lamang niya ang offer ng lalaking nagpabugbog sa kanyang kapatid.
Kahit gaano naman kasi kalulong ang kanyang kuya Agaston sa sugal ay ni minsan ay hindi siya nito pinagbuhatan ng kamay o gipitin para lang makapag bigay siya sa bisyo nito, kusa naman itong gumagawa ng paraan para mag karoon ito ng pansugal. Kaya lang kapag natatalo ito ay wala rin ibang gumagawa ng paraan kundi siya lang para mabayaran ang mga pinagkakautangan ng kanyang kuya Agaston dahil sa bisyo nito.

Kaya nang hapon ding iyon ay hiningi niya sa kapatid ang pinaka main address ng casino na pinagsugalan nito para puntahan niya ang lalaki at kausapin muli ito.
Habang ang kapatid naman niya ay gumagawa pa rin ng para makalikom ng ilang halaga para sa pambayad nito sa lalaki.
















HELENA POV

KINAGABIHAN ay palihim akong umalis upang puntahan ang lalaki sa casino nito para sabihin na pumapayag na siya na tatanggapin na niya ang offer nito alang-alang sa kaligtasan ng kanyang kuya Agaston.

Isang oras din ang byahe ko mula Taguig hanggang Makati kaya ng makarating ako sa lugar kong nasaan ang lalaking iyon ay kinakabahan akong inayos ang suot kong maong na pants at isang fitted na longsleve na kulay puti hindi ko na kailangan na presintabling kasuotan dahil demonyo naman ang haharapin ko. Nang makapasok ako ay namangha ako sa ganda ng paligid hinarangan ako ng isa sa mga bouncer na naroon siguro dahil sa hitsura ko kaya niya ako pinigilang maglibot doon. Pero may mabilis namang pumigil dito at may ibinulong sa bouncer saka nakayokong humingi ng pasensya sa akin.

"Paumanhin Miss. Tañola, pinapasabi nga pala ni Mr. Spencer na samahan ko raw kayo sa kanya. "Doon ko lang ito nakilala isa ito sa mga bodyguard ng lalaking iyon na bumugbog sa kanyang kapatid pero 'di na lamang niya ito sinungitan at alam naman niyang trabaho ng mga ito na sumunod sa amo. Tumango na lang ako rito at pagkatapos ay umuna na itong naglakad kaya mabilis naman akong sumunod dito muntik na nga akong tumalikod at mag back out nang tuluyan ko ng makita ang taong hindi ko talaga gugustuhing makita ulit.

"Iwanan mo kami Conor, "sabi nito sa lalaking naghatid sa akin dito gamit ang kaliwang kamay habang sinisinyasan na lumabas na ng pintuan. Nasa may anim na palapag ito nasa pinakataas kami at ang buong floor na iyon ay sinasakop na nito. Nasa parang isang sala sila na may magandang sopa may malaking monitor na makikita ang iba't ibang parti ng casino royal. May dalawang pinto rin ang naroon pero 'di ko alam kung ano ang mga iyon. Sa kaliwang side naman ay may minie bar na may mga iba't ibang laman ng alak.
Natauhan lang ako ng bigla itong magsalita hindi ko namalayan na nasa harapan ko na ito.

Ano ng gagawin ko ngayon?

"So ....tinanggap mo na ba ang alok ko sa'yo? " Tanong nito sa kanya na may kasamang nakakaakit na ngiti.

"Mr. Spencer...P-pumunta ako rito dahil....dahil... " Nauutal kong simula rito. Habang papalapit ito sa akin at habang ako naman ay napapaatras.

"Hindi mo kailangang ma-utal Miss Tañola, kausapin mo lang ako na parang matagal mo na akong kilala! "Bulong niya sa akin dahilan para manginig ako dahil malapit na ang mukha nito sa mukha ko. Ipinatong niya ang kanyang palad sa pisngi ko kaya lalo akong nanginig sa kaba, hawak pa nga lang nito ay para na akong mahihimatay ano pa kaya kung lumagpas pa sa ganito ang gawin nito sa akin.

Iniwan ng malambot na palad niya ang pisngi ko at tinahak ang tungki ng ilong ko para hagurin iyon ng kanyang hintuturo hanggang dumapo ang palad nito sa likuran ng tainga ko pababa sa leeg ko.

"M-Mr. S-Spencer , nandito ako para.... "na uutal kong paliwanag dito. Pero hindi ko matuloy ng dahan-dahan niyang tinatanggal ang butonis ng long sleve ko habang nang aakit ang mga tingin nito. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam habang ginagawa niya ito , dapat ay kanina pa ako nagsisigaw at tumangi rito pero parang may kung anong mahika ang tingin nito para hindi ako makatangi. Napapikit ang mga mata ko ng ilapat nito ang labi sa labi ko pero mas lalo akong napapikit ng mariin ng kagatin niya ng bahagya ang lower lips ko dahilan upang mapasinghap ako at tuluyan na nitong masakop ang mga labi ko.

Itutuloy............

LUST (WARM IN BED SERIES 1) OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon