#TeamBahay

36 5 2
                                    

Dear Diary,

        Alam mo ba, napag-usapan namin ng kapwa ko kpopper yung about dun sa pagbisita ng mga fav fandoms namin dito sa Pinas. Excited na excited kami kasi finally, malalanghap na din nila yung mga nalalanghap ko dito sa Pinas. Mararanasan na din nila yung init na dinaranas ko, kaya paniguradong hindi sila magja-jacket para maging airport fashion nila. Kung naka jacket man sila, malamang huhubarin nila yun tapos makikita namin yung muscles nila. Omo~! My feels. 

        Pero eto yung masakit. Kahit alam ko, kahit updated ako na kung kailan yung bentahan ng tickets, san magaganap yung concert, anong oras saka kung magkano yung mga tickets. Eh hindi ko parin sila makikita sa personal :< Kung sana richkid ako na pwede lang makahingi sa mga parents ko, yung tipong onting lambing lang tapos bibigyan ka na nila agad. Eh kaso hindi eh, ako yung tipo na kailangan pang magtipid, tipirin yung binibigay sayong allowance ng parents mo para lang maka-ipon. Kaso kapag gutom ka, magagastos mo rin o kaya kapag mangungutang yung parents mo, o  di naman kaya pambayad sa mga projects niyo.

        Hays, exo, suju, snsd, bts, bigbang, 2ne1, red velvet, 4minute, ikon. Kelan ko kaya kayo makikita?

Love,

R.A

rarecrown

Diary Ng FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon