CHAPTER 11

703 28 0
                                    

PADAMI nang padami ang costumer kaya mas lalo ko hindi inaasahan na mas maraming costumer ngayon kesa noon na costumer namin.

"Taray ha! Akalain mo! Grabe ka pala kamahal ng mga katrabaho mo dito bakla!" Si Thadd "Akalain mo bakla! Ang daming gwapo dito na mga costumer! Mas gwapo pa sila kesa dun sa States!"

"Ingay mo naman Thadd!" Asik ni Loisa "Mag trabaho ka nalang! See?! Ang daming dami costumer!"

"Edi huwag ka makinig gaga!" Si Thadd saka lumapit ulit sa akin "Nga pala bakla! Magkikita kami ngayon ni Kio. Pupunta siya dito kaya doon ako matutulog sa kanila. Ipapakilala niya daw ako sa parents niya!"

"Mag iingat ka sa lalakeng iyan , Thadd. Dahil kapag nalaman kong may ginawa ang lalakeng yan. Hindi ako mag dalawang isip na bugbugin siya sa harapan mo."

"Noted bakla!"

"Ako din Cy." Si Loisa "Doon muna ako kela Mommy titira. Kaya mo naman asikasuhin si Rio noh?!"

"Malamang."

Habang nag uusap kami ay may biglang nag away sa gitna nang dance floor.

"Manager, mukhang may gulo na naman."

"Sino ang mga lalakeng yun?" Takang tanong ko habang sinususulyap kong may binugbug ang tatlong lalake.

"Nung isang linggo pa sila dito Manager. Grabe dala nilang gulo."

Tumango lang ako at nagsimula akong lumapit sa kanila.

"Anong nangyayare dito?"



SOMEONE'S POV.

"Anong nangyayare dito?"

Hindi ko maiwasan mapangiti na may halong makapangyarihan na tanong ng Manager ng bar na ito.

Nasa kabilang side ako habang nakatitig sa kanila.

"At ikaw sino ka?! Huwag kang makealam!" Sigaw ng isang lalake.

Napatingin si Manager Cyriz sa binugbug ng tatlong lalake. Hindi ko nakitaan ng gulat ito. Walang kareaksyon ang mukha niya.

"Tatlo kayo tapos mag isa lang siya." Hindi ko inaasahan na ngumisi ito "Ang hina nyo naman para pagtulungan siya."

"Wala kang pakealam babae ka! Nasaan ang Manager ng bar na ito?! Bakit hindi ko parin nakikita?!"

"Huwag myna hanapin ang Manager. Nandito din naman sa harapan mo."

"Nasaan?!"

"Bulag kaba? O nag bubulagan kalang?"

Hindi napigilan ng lalake ang galit niya. Hindi ko maiwasan humanga sa babaeng ito.

Nasa lahi nga niya ang Miravellia ...

"Ayokong may mga hinayupak na nanggugulo sa bar ko, moron." Walang buhay na sabi nito "Umalis na kayo kung ayaw ninyong makatikim."

Tumawa ang tatlong lalake at nilapitan ng isang lalake si Manager Cyriz.

"Una sa lahat hindi ako tanga! At bakit naman kami aalis?! Sino ka para paalisin kami sa bar mo ha?!"

"Kilala mo ba ang binabangga mo?"

"Isa kang Manager ng bar na ito! Ikaw si Manager CYRIZ?! Manager Cyriz!!! Walang kang modo!"

Ngumisi si Cyriz at humakbang siya sa lalake. Mas matangkad ang lalake kay Cyriz.

"Tanga mo parin. Bakit hindi mo ako kilalanin bago ka manggulo sa Barb ko?"

Magsasalita pa sana ang lalake na biglang sinuntok ni Cyriz ito. Laking gulat nila sa ginawa ni Cyriz at hindi ko inaasahan na may lakas parin si Cyriz.

Hindi ko maiwasan mapangiti nang salubungin niya ang mga lalake. Mabilis niya binali ang buto ng mga lalake. Hindi napigilan ng mga lalake na mapasigaw ito sa sakit.

Mas lalo pa ako napangiti dahil sa sobrang katapangan na ibinibigay ni Cyriz. Mga matatapang mga Miravellia ngunit mas kapansin-pansin si Cyriz sa kanila. Hindi lang Miravellia ang ipinapakita niyang katapangan kundi ang kaangasan niya at ang kinatatakutan ng mga sindikato sa buong syudad.

"Hayop kang babae ka!"

"Anong klaseng babae ka?!"

"Gago ka!!"

Ngumisi lang si Cyriz sa kanila. Hindi maiwasan ng mga tao na magulat sa ginawa ni Cyriz sa tatlong lalake.

"Sinabi kona sa inyo. Kilalanin ninyo ako bago nyo saktan ang nasa paligid ko." Saka matalim niya itong tinignan ang tatlong lalake "Mismong Alerajos ang binugbug ninyo. Kingina."

Natigilan ang tatlong lalake saka dahan-dahan sila napatingin sa Alerajos na binugbug nila.

"Umalis na kayo bago nyo pag initin ang ulo ko."

Isa ka ngang Miravellia, Cyriz. Paano pa kaya kapag nalaman nang pamilya muna nahanap na kita dito sa Pinas? At lalo na ang anak mo?







CYRIZ'S POV.

Pagkatapos ko gamutin ang sugat ni Rafa ay ibinalik ko ang mga medicine sa cabinet ng opisina ko.

Napatingin ako kela Thadd at Loisa na hindi nag sasalita. Alam ko gusto na nila magsalita about kay Rafa ngunit humanga ako nang pinipigilan nila ito magtanong.

"Maaari ka nang umuwi." Sabi ko kay Rafa.

"Thank you." Sabi nito sa akin "Kailan kapa nakauwi?"

Kingina. Ayoko yung ganito. Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko habang nasa harapan pa kita!

"Kahapon."

"Alam nila Semi?"

Tumango ako at bigla siyang tumingin sa mga mata ko. Nilabanan ko ang mga tingin niya kahit pilit kong hindi mailang.

"I want to ask you."

"Go ahead. May kailangan pa akong asikasuhin na mas importante pa sa tanong mo."

Natigilan siya at nakita kong napalunok pa ito. Nakita ko sa gawi kona gusto na akong sigawan nila Thadd dahil sa sinabi ko.

"U-uhm, may hinahanap akong babae dito since more than five years ago."

Bigla akong nagtaka.

"Siya mismo ang naghatid sa akin papunta sa Mansion ko."

Natahimik ako at mas lalong kumalabog ang kaba sa dibdib ko. Ngunit pinilit kong hindi ipakita ito.

"If you know kung sino ang babaeng iyon. May I know who is she? I'm just want to apologize to her."

Tahimik parin ako. Hindi ko maiwasan ang kaba sa dibdib ko.

"Malabo ang mukha niya habang bumabalik sa akin yun. Hindi ko pa nakikita gaano ang mukha niya but I know na kilala niya ako at kilala ko siya."

Kumuyom ang mga kamao ko sa baba ng lamesa dahil sa takot at kaba.

"Riz ..."

Mas lalo ako kinabahan sa tawag niya. Ito ang huling gabi na yun na tinawag niya akong 'Riz.'

"M-matagal na panahon na iyon Rafa. Hindi naman ako interest sa mga h-humahatid sayo. That's it. You may go."

Napatitig siya sa akin "Thank you for answering my question."





TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 4: Escaping From The Executive (COMPLETD)Where stories live. Discover now