MTTP: CHAPTER 8
--Jade's PoV--
BUONG BYAHE na nasa labas lamang ng bintana ang tingin ko. Natapos rin ang isang araw pero andami namang nangyare sa akin.
Una, may mga nakilala akong mga bagong kaibigan. Pangalawa, tinamaan ako ng bola sa ulo. Pangatlo, nakilala ko si Aviary, isang nakakagigil na nilalang. Pang-apat, nag viral ang mukha ko sa buong site ng EU at tinawag na malandi. Panglima, nakita ko si Kairon... habang nakikipag-ano.
Hay naku, sa dami ng mga nangyare, gustong gusto ko ng magpahinga. Pagod na pagod na talaga ako.
"I'm sorry about what happened on the portal earlier. Don't worry, nagreport na ako sa Office of the Administrator. Ipapatawag na nila bukas si Aviary at kakausapin hinggil sa mga pinost niya sa portal. Hindi mo na kailangan pang mag-alala. In no time, titigil na rin yun sa panggugulo."
Napalingon ako kay Justin na seryosong nakatingin sa gitna ng daan. Saglit niya akong pinagbalingan ng tingin saka ngumiti. Uwahh! Totoo ba yun?
"Justin, salamat ah. Pero.... paano nga pala kung hindi tumupad si Aviary sa kasunduan nila ng Administrator? Paano kung magpatuloy siya sa pagkalkal sa mga sekreto ng ibang tao at gamitin ito sa masama? Anong... gagawin natin?"
Posible naman yun di ba? Mangangako siya sa harapan ng school head na titigil na pero ang totoo, pasekreto pa rin niyang gagawin ang mga kasamaang ginagawa niya.
"Then she'll leave me no choice. Kung kinakailangang gamitan ko siya ng kapangyarihan para--"
"Woah! May power ka na, Justin?! Kailan pa?! Bakit di ko alam?!"
Mahinang tumawa si Justin saka ginulo ang buhok ko. Bakit ba?
"Silly. Kapangyarihan ibig sabihin, gagamitan siya ng pera at mga koneksyon para tumigil."
"Ahhh", sunod sunod kong pagtango.
Hehe! Akala ko kasi talaga may power na si Justin. Manghihingi pa naman sana ako sa kanya para gamitin laban doon sa Aviary na yun.
Hindi na ulit kami nagsalita pa at makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa bahay. Pinagbuksan kami ng gate ng mga guard at sinalubong ng mga.... sangkatirbang katulong. Ehhh?
"Good afternoon ma'am Jade and sir Justin."
Sabay sabay na yumuko ang mga ito kaya napatingin ako kay Justin. Ngumiti siya at ipinaliwanag na pinadala raw ni mommy Jean ang mga katulong para pagsilbihan kami. Tumango naman ako at binati pabalik ang mga ito.
"Ma'am, Sir, nakahanda na po ang meryenda niyo sa dining room. Kami na po ang mag-aakyat ng mga gamit niyo sa kwarto", sabi ng mayordona yata.
"Manang pwede po ba muna kayong magpakilala?"
Halatang medyo nagulat ang matanda sa sinabi ko pero agad naman silang nagpakilala. Walo sila lahat at bawat isa ay may kanya kanya ng responsibilidad. Bigla tuloy akong nalungkot. Baka hindi na ako makakapagluto nito dahil sakop na nila ang buong kusina. Uwahh!
"Nice to meet you po. Ako naman po si Jade. Wag niyo po akong tawaging ma'am. Photography po ang kinukuha kong kurso at hindi teacher."
Sabay na tumawa ang mga ito kaya naging panatag ang loob ko. Mukhang magiging kaclose ko sila. Yun naman talaga ang plano ko, ang maging malapit sa kanila para payagan nila akong gamitin ang kusina kahit paminsan minsan lang. Hehe.
"Justin husband, sino nga pala ang magpapasweldo sa kanila? Sa dami nila at isama pa ang mga guard baka maubos ang allowance ko. Hala, paano na? Kailangan ba nating magbawas ng mga employado? Kung isang guard at isang maid na lang kaya ang kunin natin para tipid? Tingin mo?"
Ngayon ko lang naisip, responsibilidad nga pala naming swelduhan ang mga employado namin. Kaso paano yan? Nag-aaral palang ako. Ano ang ipapasweldo namin sa kanila?
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang mahinang pagtawa ni Justin. Ginulo niya ang buhok ko at hinawakan ang kamay ko. Pumasok kami ng bahay at dumiretso sa dining.
"Don't worry about their salary, I'll take care of that. Baka nakakalimutan mo na President ng AGC ang husband mo."
Uwahh! Oo nga pala, president nga pala siya. Hehe! Sorry, pagod na kasi ang mga braincells ko. Hindi na kayang mag process ng mga information.
"Sit down wife and eat. Halatang gutom ka na. And don't worry about the food, puno ang fridge. Don't starve yourself, okay?"
Ngumiti ako at tumango ng sunod sunod. Tinawag ko na rin ang mga katulong at niyaya silang sabayan kami sa pagkain. Puro ayaw, pinaghihila ko nga kaya ayon, sabay sabay kaming nagmeryenda.
KINAUMAGAHAN, maaga kaming pumasok ni Justin. Hindi na ako nagpahatid pa sa kanya dahil alam ko na naman ang daan papunta sa building ng Fine arts. Isa pa, malayo pala talaga ang building ng Business Management kaya ayoko na siyang mapagod pa kakahatid sundo sa akin. Umalma siya noong una pero dahil maganda ang asawa niya, hindi niya natanggihan ang karisma ko. Hehe.
/brrt brrt/
"Hello?"
(Oh my G, Jade! Kumusta ka na friend? Narinig ko ang mga nangyare kahapon. Hot topic ka raw sa portal. Sorry ah, I wasn't able to dropped at your building yesterday. May binisita kasi kaming Preschool for observation. Pero okay ka lang ba? Wala namang nanggugulo sayo dyan? Just tell me and I'll fly there right away.)
Natawa ako sa sinabi ni Sophie.
"Huwag na ma'am, okay lang ako."
(Eh, sorry ah. Hindi na tayo madalas na magkasama. But we're still friends pa naman. Always remember that, okay?)
"Oo naman, magkaibigan pa rin tayo."
Naiintindihan ko naman kung bakit hindi na kami masyadong nagsasama ni Sophie. Nasa iisang school nga kami pero iba naman ang course na kinukuha namin. Si Sophie, education ang kinuha niya. Pangarap niya raw talagang maging teacher, ang magturo sa mga bata at hubugin ang pagkatao nila. Si Jero naman, gaya ni Justin nasa Business Management din. Palibhasa pareho kasing mga tagapagmana ng mga business ng pamilya nila kaya puro business ang tinahak.
Kung ano ano lang ang pinag-usapan namin ni Sophie bago siya nagpaalam. Ako naman, pinagpatuloy na rin ang paglalakad papunta sa room namin.
"Hi."
Saktong pagliko ko sa susunod na hallway ay isang pamilyar na mukha ang bigla na lang na humarang sa akin. Halatang kanina pa siya na naghihintay dahil sa mukha na siyang nababagot. Ngunit mabilis na napalitan ang expression niyang iyon ng isang... napakalaking ngiti nang makita ako. Wait, hindi iyon ngiti kundi ngisi, nakangisi siya.
K-Kairon!
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya binati ko siya pabalik ng isang nauutal na 'H-Hello' bago nilagpasan. Hindi na ako nagsalita pa at mabilis na naglakad palayo. Pero ganon na lamang ang pagkagulat ko nang bigla niya akong hablutin sa kaliwang braso at tahimik na hinila papasok sa isang bakanteng silid. Agad niyang nilock ang pinto kaya agad akong naalarma. Tumakbo ako sa pinadulong bahagi ng silid bago hinanap ang phone ko. Kailangan kong matawagan si Justin. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa Kairon na ito.
"Jade..", napatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Kairon sa tabi ko. Hinablot niya ang hawak kong phone saka ito ibinulsa.
"A-anong ginagawa mo? Akin na ang phone ko!", sigaw ko. Pero sa halip na ibigay ito sa akin ay bigla na lang niyang itinungkod ang pareho niyang braso sa magkabila kong pisngi. Agad akong napaatras pero pader na pala ang naatrasan ko.
Nagsimulang kumabog ang dibdib ko lalo na nang titigan ako ni Kairon. Uwahh! Anong gagawin ko?
"You saw me yesterday, wasn't you?", bulong niya at boom! Biglang may sumabog na fireworks sa loob ng dibdib ko. Napapitlag ako at pinagpawisan nang malamig. Hindi maaari. Ibig sabihin, nakita niya ako kahapon na naninilip sa kanila? Hoy! Hindi ako naninilip ah! Malay ko ba na nag-aano pala sila doon sa loob ng silid. Hindi ko naman yun sisilipin kung alam kong yun pala ang ginagawa nila.
"A..a-anong n-nakita? H-hindi a-ah", matigas kong pagtanggi. Ayan Jade, ideny mo. Baka sakaling makalusot.
"Really? Kasi ako, siguradong sigurado ako na ikaw ang nakita ko kahapon. Standing on the door while watching me f*cking someone. How's the show by the way? Did you enjoy it?"
Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Siraulo ang isang toh ah, anong tingin niya sa akin? Adik sa bagay na yun? Eh kung pokpukin ko kaya ang ulo niya?
"Hoy excuse me ah, para sabihin ko sayo nakakadiri yung ginawa mo. Kahit aso, masusuka pag nakakita ng ganon."
"At inamin mo rin."
Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatakip sa bibig ko. Uwahh! Kahit kailan talaga, ang bobo mo Jade!
"Don't worry Darling, alam ko namang hindi ka na inosente pagdating sa bagay na yun. You're already married. Alam kong ginagawa mo rin ang bagay na yun. Am I right?", natatawa niyang tanong.
Bigla akong natigilan. Ayan, baka gusto mong magsinungaling ulit, Jade.
"Ah... Hmm... Ahhh.."
"See? Hindi ka makasagot. Then I'm right, may experience ka na."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Duh! Malamang, may asawa na ako eh, anong ineexpect niya?
"Yun lang ba ang sasabihin mo? Excuse me. Malala--"
"Not yet. I saw you on the portal yesterday. Buong gabi kong tinitigan ang mga litrato mo just to make sure na hindi gumamit ng filter ang kung sino mang kumuha ng mga litratong yun. You appeared to be so beautiful on the photos not knowing na mas maganda ka pala sa personal."
Umismid ako. Narinig ko na ang mga linyang yan. Masyadong gasgas. Tsk! Ang yabang ko talaga.
"No make up, no sign of plastic surgery. It was really your natural beauty. How can you be so beautiful? Hindi kaya totoo ang balitang isa kang Dyosa na hinulog para mang-akit ng mga lalaki? Kasi sa totoo lang, sobra na akong naaakit sayo."
Napatitig ako sa mga mata ni Kairon sa sinabi niya. Hindi siya mukhang nagbibiro. Uwahh! Huwag niyong sabihing, crush na niya ako? HINDI!!!
"Ah Kairon, yung tungkol sa portal. Hindi totoo yun. Wala lang talagang magawa yung sumulat non. Hehe! Hindi ako Dyosa, mas lalong di nang-aakit. May asawa na ako, okay? At mahal na mahal ko ang asawa ko. Siya--"
"Ouch. Ang sakit naman. Ibig sabihin, wala na talaga akong chance sayo? Sayang, gustong gusto pa naman kita."
'Huwag na huwag ka na ulit makipag-usap sa Kairon na yun. Kapag nilapitan ka niya, tumakbo ka agad. Kapag hinabol ka niya, magtago ka. Kapag nahanap ka niya, jumbagin mo agad. I'm telling you, anak ng demonyo ang damuhong yun. Mahilig yun sa tuhugan. Halos lahat ng babae noon sa Northeast Academy, natuhog na niya. Kaya ikaw Jade ha, anak ka ng Dyosa ng kagandahan kaya sinasabi ko sayo, hindi ka non titigilan hanggang sa hindi ka niya natutuhog!'
Hindi ko alam pero bigla ko na lang naalala ang sinabi ni Luna sa akin kahapon. Si Kairon, gawain niya ang manggamit ng mga babae. At siguro, ganitong ganito niya pinapaikot ang mga yun para mapapayag na makipag-ano sa kanya. Asus, maganda raw. Huwag niya akong bolahin, wala siyang mapapalala.
"Salamat sa compliment, matagal ko namang alam na maganda ako. Hindi ako papakasalan ng asawa ako kung panget ako. Kaya excuse me, may pasok pa ako."
Tinulak ko siya nang bahagya at nang magkaroon ng espasyo sa pagitan naming dalawa ay mabilis akong lumusot sa pagitan ng braso niya. Hindi na ako lumingon pa at nagtuloy tuloy sa paglabas ng silid.
Agad akong napahawak sa dibdib ko nang tuluyan akong makarating sa labas ng pintuan. Jusko! Muntik na akong atakehin doon ah. Salamat naman at nakalabas ako ng buhay.
Sana talaga ay hindi na ulit magtagpo pa ang mga landas namin ng Kairon na yun. Ayoko ng makita pa siya ulit. Ayoko na talaga!