Car wash 03.01'15

198 4 0
                                    

Sa bawat umaga, sa bawat pag gising, sa bawat pagbangon mo sa kama, sa bawat paghahanda para sa panibagong araw na binibigay ng Diyos, sa bawat pag hakbang papunta sa plano mong destinasyon, ano nga kaya ang mararating mo? Ano nga ba talaga ang mga bagong karanasan na para sa akin, sa atin? Ay wait, masyadong madrama ang intro (ay taray ng term lol) ng storya na to haha. Pero ang totoo talaga niyan, nandito ako sa sasakyan ko, ako po ay pupunta sa dapat puntahan. Joke. Ako po ay magpapalinis ng sasakyan haha. O ha, may tatlong bakante, malamang matapos agad ito. Siyempre umeksena agad ang isang pasikat mukhang engot na manong, siya na daw ang maglilinis. Edi siya na. Nginitian ko lang siya dahil mabait ako. Umupo ako dun sa kabilang car shop, pero joke lang po pala, andito ako sa waiting area syempre. Tinignan ko lang yung engot na manong na mukhang ewan. Ganda ng pagkakadescribe ko no? Oopss, oopss, nagkakamali ka, hindi ako judgemental, masama ba maging honest? E paano ba naman kasi, naka shades, naka jacket at naka suot pa ang hoodie, naka pants, naka mask at in fairness, ayos naman ang pambaba dahil naka boots. Pero ang weird lang kasi, bakit balot na balot siya? Habang yung ibang lalaki halos mag hubad na. Ewan ko sakanya.Tinignan ko ang phone ko, well, today is March 1, I remembered the day that we met. The first time he held my hand. The first time I looked deep into his eyes. The first time I said the words 'I love you' sincerely. My first kiss. His promises.....His broken promises.

-FLASHBACK-
“Please Jason, can I talk with you? Maawa ka."
“No, umuwi ka na Maecy."
“Jason please..."
“Park. 2pm. Tomorrow. Umuwi ka na." Tumango nalang ako. Sinarado niya yung gate at naglakad papasok ng kanilang bahay. Ano ba tong ginagawa ko? Bakit ako pa ang lumalapit at nagmamakaawa sakanya? Ganun ka na ba kababa Maecy? Bakit kailangan mo pang umiyak sa harapan niya? At higit sa lahat ng mga tanong na yan, ang gustong gusto kong sagutin pero hindi ko magawa....Bakit nga ba Maecy? Bakit hindi ka nag isip?
Pumara ako ng tricycle. Uuwi na ako. Uuwi sa bahay. Bahay na si Jason mismo ang gumawa. Ang bahay na binuo niya kasabay ng pag buo namin ng mga pangarap na sabay naming gagawin pag naka ahon na kami sa hirap. Oo, naghirap kami, tinanan niya ako. Pumayag ako kasi akala ko hindi niya ako kayang iwan. Pero nung nabuntis ako, iniwan niya ako. Ang saya ng buhay ko diba? Kung hindi sana ako sumama sakanya, kung hindi ko sana pinaniwalaan ang mga pangako niya, kung hindi ko lang sana siya minahal, maayos sana ang buhay ko ngayon kasama ng mga magulang ko. Yun nga ang sabi nila, that's what love does, it changes you. Wala na akong magagawa. Nangyari na ang mga bagay na naging rason ng paghihiwalay namin ni Jason.
Pumasok na ako sa bahay para mag handa ng dinner, ako na ang dakilang loner. Kasalanan ko naman kasi e.
***
Nandito ako sa sinasabi niyang park. Kung ano man ang mapapagusapan namin ngayon, ayun na yun. Kailangan ko na rin siyang pabayaan at pakawalan, para hindi na ako masyadong nasasaktan. Kailangan ko na magpatuloy kahit hindi ko siya kasama. Kailangan ko nang matutunan mabuhay mag-isa.
Natanaw ko na siya na papalapit saakin. And finally, he spoke.

Ano bang problema mo Maecy? Nag usap na tayo diba? Ipapalaglag mo yang bata." And here we go again. Hindi na nga pala siya yung Jason na nakilala at kinasanayan ko. Hindi na rin siya yung Jason na minahal ko. Kailangan kong tanggapin yun, para hindi na ako masyadong umasa. Masakit umasa kasi alam mo na ngang hindi na pwedeng mangyari yung mga bagay na inaasahan mo, tuloy tuloy ka pa rin sa paghahabol. Hindi naman masamang umasa, masama lang talaga kung alam mo nang nagmumukha ka ng kaawa-awa.
“Hindi ka naaawa sa bata ha? Hindi ka ba nagiisip? Dugo mo rin yung mananalaytay sa bata Jason, ikaw rin naman ang may gawa ng bata na to e, ano bang nangyayari sayo Jason? Bakit nagkakaganyan ka? Ano bang nagawa ko ha?" Hindi ko na rin talaga kayang pigilan ang mga luha ko kaya hinayaan ko nang tumulo ng mga ito.
“Wala ka na dun. Eto pera, ipalaglag mo yang bata." Umalis siya at naglakad palayo.
-END-

Lahat ng mga nangyari nung araw na yun ay sariwa pa rin sa isip ko. Yun bang, malapit na akong sumuko, yung mga panahon na kahit isa sa mga kilala kong tao wala akong malapitan, yung panahon na naisip ko ng wakasan ang walang kwentang buhay ko, well dati yun, ngayon? I've changed. Hindi na ako yung Maecy na tanga. Hindi na ako yung Maecy na mahina. Iba na ang Maecy ngayon. At kahit anong mangyari, hindi na magbabalik yun.

“Ma'am?" Oh, eto na pala si Kuyang Engot kaway-kaway pa sa harap ko na akala mo ang gwapo.

“Yez?" Yez with a 'z' lol

“Tapos na po." Pft, yun lang pala.

“Magkano?" Inilabas ko na yung wallet ko at inantay na makasagot siya pero para yatang bingi. Hindi nasagot e.

“Kuyang engot! Este, kuyang, ahm, kuyang, kuyang pogi... Magkano?" Whoooo. Labag sa loob ko yun ah!

“You don't have to pay for it. I owe you a lot. And I'm willing to work for you, to serve you, just give me another chance." What? Tinanggal este, hinila ko yung shades tska yung mask. At para yatang magugunaw na ang magandang mundo na itinayo kong mag-isa. Kasi nakita ko ulit yung taong naging dahilan ng pagkasira ng buhay ko. Oo, siya. Si Jason.

SCRIBBLES-ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon