Simula

33 1 0
                                    

"Time is what we want most, but what we use worst."
-William Penn

Simula

"Pa, bakit pagiging abogado ang gusto mong trabaho?" Tanong ko kay Papa habang parehas naming tinatanaw ang malawak na bukirin sa harap ng bahay ni Lola.


"Dahil iyon ang gusto ng puso ko. Nandon ko nakikita ang sarili ko." Nilingon niya ako habang iniihipan ang mainit na kape.


"Eh, bakit ako hindi ko pa nakikita ang sarili ko paglaki?" Usisa ko rito. Napangiti naman siya kaya kumunot ang aking noo.


"Anak, hindi naman minamadali ang panahon. Hindi naman natin basta-basta makikita ang sarili natin sa hinaharap. Maaaring ngayon ay gusto mo maging guro pero habang lumalaki ka ay nagbabago 'yun." Nanatiling nakakunot ang aking noo.


"Eh kasi 'yung mga kaklase ko sabi nila gusto nilang maging piloto, maging engineer saka maging model. Eh ako, hindi ko alam, mag-abogado nalang din kaya ako?" Nakangiting suwestiyon ko sa kaniya. Kaagad naman itong tumawa at ginulo ang buhok ko.


"Bata ka pa anak. Walong taon ka palang. After 10 years malay mo maging engineer ka talaga. O baka model maganda ka naman at matangkad." Napasimangot ako.


"Eh, ayaw ko gumawa ng bahay saka hindi ako marunong rumampa." Nakalabing sabi ko rito.


"Natututunan naman ang mga 'yan 'nak. Kaya nga tayo nag-aaral ay para hubugin ang mga sarili natin."


"Eh basta, kapag lumaki ako magiging abogado rin ako tulad mo."


"Sus, makikita natin." Sabay kaming tumawa. Inakbayan niya ako saka hinalikan sa buhok.


"Dito nalang kaya tayo tumira, 'Pa?" Biglang pag-iiba ko ng usapan.


"Bakit gusto mo ba rito?" Kaagad naman akong tumango.


"Ang trabaho kasi ni Papa ay nasa siyudad kaya hindi tayo pwede rito. Pero kapag nag-aral ka ng high school ay pwede ka naman rito dahil nandito naman si Lola Senang mo." Umaliwalas ang mukha ko.


"Talaga po?" Kaagad naman itong tumawa.


"Ikaw talaga, saka ka lang gumagamit ng po kapag excited at masaya." Natatawang sabi nito.


"Sorry po." Sabay na kaming tumawa pero maya-maya lang ay sumeryoso ito at hinaplos ang aking buhok.


"Pero ito ang tatandaan mo anak. Kapag namulat ka na sa mundo 'wag mong tatalikuran ang mga taong tumulong sa'yo upang maging matagumpay ka sa buhay."


Kaagad kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi nang muli akong magbalik-tanaw sa mga alaala namin ni Papa. Sa buong buhay ko iyon ang pinakatumatak sa isipan ko. Halos araw-araw ay nasasabik akong muling makita at makausap si Papa. Kung alam ko lang na ganoon lang pala kaikling panahon lang namin siya makakasama ay sinulit ko na.


Tama nga sila, hindi mo nakalimutan ang mga taong lumisan, natuto ka lang sa sakit na kanilang iniwan pero hindi nakikita ng ibang tao ang pananabik nating muli silang makita at mahagkan.


Ang daming panahon na puwede nating sabihin sa ating mga magulang na mahal natin sila pero mas pinipili natin itong sarilihin dahil napapangunahan tayo ng hiya. Kung kailan wala na sila saka tayo nagsisisi. Gusto nating umikot ang oras pabalik para lang masabi sa kanila ang mga katagang hindi natin nasabi noong buhay pa sila. Sa tuwing nagsisisi tayo palagi nating hinihiling na kung kaya lang nating ibalik ang oras, gagawin ko.


Bakit kailangang mangyari muna ang kinatatakutan natin bago tayo kikilos at sabihin ang nais nating sabihin? Parang kasalanan pa ng panahon na masiyado siyang mabilis kumilos gayong ang problema ay nasa atin.


Ngayon ko lang na-realized na sobrang halaga ng bawat segundo, minuto at oras na kasama mo ang mga taong malapit sayo. Dahil hindi natin alam kung hanggang kailan lang talaga sila dito sa mundo.


Ngayong mulat na ako sa mundo, itatama ko ang mga pagkakamaling nagawa ko. Tutuparin ko ang mga kahilingan ni Papa. Ako nalang ang pag-asa niya. Itatama ko ang panahon. Aayusin ko ang hindi naayos noon. Kahit gaano karaming balakid para sayo 'Pa gagawin ko ang lahat maubos man ako.




-DonyaBebe
๑ᴖ◡ᴖ๑

Patterns of TimeWhere stories live. Discover now