CHAPTER ONE DISGUISE

2.8K 44 2
                                    


—CHAPTER ONE—



Hi! I'm Avie Grace Dawson, a happy-go-lucky-girl. Mahilig din ako manuod ng mga palabas na mayro'ng happy endings, alam mo 'yon? Kasi pangarap ko talaga na magkaro'n din ng ideal man. Kilig na kilig talaga ako habang nanunuod, pakiramdam ko kasi ako 'yung bidang babae. Gusto ko din na balang-araw ay maikasal ako sa lalaking mahal ko.

Pero hindi ko inaasahan na sa isang iglap ay maglalaho nalang na parang bula ang pangarap ko.

"Ano?!" Gulat na tanong ko kay dad. Pa'no ba naman, eh, ginulat niya ako sa sinabi niyang mag papakasal na ako. Pa'no ako mag papakasal, eh, wala pa nga akong boyfriend?!

"Calm down, Avie. Alam mo naman na mahalaga sa'tin ang mga Fajardo. Hindi mo ba alam na kapag naikasal kana sa apo ng chairman ay malaki ang papasok na pera sa'tin?? At hindi lang 'yon, dahil sa maisasalba natin ang kompanya. Kaya—"

"Dad naman! Bakit ba kayo ganyan, ha?!" Inis na sigaw ko sa kanya. Simula nu'ng mag divorce sila ni mom ay wala na siyang inatupag kundi ang kompanya. Palagi nalang kompanya, kompanya, kompanya! Hindi niya ba alam na may mga anak pa siya?!

"Avie, please, please listen to me, okay?" Nakiki-usap niyang sabi sa'kin.

"Dad, alam mo naman ang pangarap ko, 'di ba?"

"I know," hinawakan niya ang kamay ko. "But you need to help me with this. Hindi pa bumabalik ang ate mo—"

Agad akong napatakip sa bibig ko. "Dad! 'Wag mong sabihin na, kaya naglayas si ate ay dahil sa.." agad akong napatayo at lumayo sa kanya.

"Avie.." sinubukan niya akong hawakan, pero agad akong umiwas.

"Dad! Ano bang nangyayari sa'yo?! Anak mo kami! Hindi kami mga pain!" Hindi ako makapaniwala na nagawa niya 'to sa'min. Hindi ko inaasahan na dadating ang araw na, pilit niya kaming ipakasal sa mga kasosyo niya sa negosyo.

Ilang weeks na din na hindi umuuwi si ate. Wala siyang sinabi kung bakit siya umalis. Pero ngayon mukhang alam ko na kung bakit. Sino ba naman ang hindi magagalit sa gusto ng dad namin? Ang akala ko pa naman ay magiging katulad din sa mga teleserye ang buhay ko, pero mukhang nagkamali ako. Dahil nagsisimula palang ang mga kaganapan sa buhay ko. Kaganapan na hindi ko manlang inaasahan.

"Dad, hindi ko inaasahan na magagawa mo samin, 'to. Una, hinayaan mo lang na maghiwalay kayo ni mom kahit alam mong kailangan namin ng kompletong pamilya. Pangalawa, kaya siguro lumayas si ate dahil sa gusto mong ipakasal siya." Nag pakawala ako nang hininga. "At ngayon, dad, ako naman?? Ako na nga lang ang natira sa'yo, tapos gagawin mo pa sa'kin 'to?"

"Avie.."

"Stop." Pigil ko sa paglapit niya. "Mahalaga pa ba kami sa'yo, dad?? Pamilya mo pa ba kami??" Napatingala nalang ako dahil sa pag pipigil ng mga luha na tumulo. Pagkatapos ay napatingin sa kanya at sunod-sunod na napatango. "Ngayon ay malinaw na sa'kin kung bakit ka hiniwalayan ni mom." Tatalikod na sana ako nang agad niyang nahawakan ang braso ko.

"Avie, please.." hindi ako humarap sa kanya at nanatili lang na nakatalikod sa kanya. "We already arrange the wedding. Si Avani dapat ang mag papakasal sa mga Fajardo, pero ilang weeks na siyang wala. Kaya nakiki-usap ako sa'yo, Avie. Please, please, replace your sister—"

"What?!" Do'n na ako napaharap sa kanya at agad na binawi ang braso ko. "R-Replace... replace her?"

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko habang nag mamaka-awa. Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang dalawa kong kamay. "I know..i know na hindi ka papayag, but please, Avie. Save your dad's face..please, Avie..malaking kahihiyan 'to sa mga Fajardo. Malaking kahihiyan din 'to sa'kin kapag—"

The Billionaire's Disguise (Billionaire Series #4)[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon