Title: Break Up Part 3 : The Final Goodbye
"Start forgetting the past, and think about the future."
Tatlong araw na lang at isang buwan na mula nang hiwalayan ko si Nik. Magsisinungaling ako king sasabihin kong hindi ako nasasaktan hanggang ngayon. Nakakatawa diba? Ako yung makipaghiwalay pero ako itong umiiyak ngayon.
Walong taon kasi 'yon eh, at mahirap kalimutan na lang. Hanggang ngayon hindi kp magawang burahin ang mga pictures namin kahit yung photos lang namin tuwing mag vi-video call kami. Magkalayo kasi kami kaya video call lang ang naglalapit sa amin na kung minsan sobrang saglit lang.
Yes, hindi ko ipagkakaila na umiiyak ako and, to be honest; hindi lang isang beses sa isang araw. I keep on pretending thet I'm okay, but I am not. I know I am not. Pero ano ang magagawa ko? Should I let myself suffer more? Wala naman sigurong break up ba masaya 'di ba?
Makipaghiwalay ako hindi dahil sa may mahal na akong iba o dahil hindi ko na siya mahal. Ang totoo, sobra ko siyang minahal kaya nga lahat ng kaya kong ibigay ibinigay ko sa kanya at never akong nag isip ng hindi maganda sa kanya.
Mahal ko siya. Siya kasi yung taong bigla na lang magpapatalon sa akin kasi bigla siyang magtetext. Siya yung palaging nagsesend sa akin ng mga sweet messages na nagpapakilig sa akin lalo na bago ako matulog at pag gising ko sa umaga. Siya yung bigla na lang magsesend ng tula sakin na magpapabilis ng tibok ng puso ko kahit kung minsan nakakatawa yung nilalaman pero pakikiligin ka naman. Siya yung kahit pagod galing trabaho may oras sa akin. Siya iyong kahit maghapon na kami magkasama tatawag pa rin o kaya naman magtetext. Siya yung palaging magsasabi ng good night at i love you bago matulog at good morning na may kasamang i love you sa umaga. Siya yung palaging nag aalala at palagi akong pinasasaya. Siya yung kahit umuulan pupuntahan ako. Siya yung magdamag na nag aalaga sa akin sa tuwing may sakit ako. Siya yung nagbigay sa akin ng tali sa daliri na kunwari singsing. Siya yung nangarap na kasama ko at sumasabay sa bawat trip ko. Siya yung ang daming kalokohan para lang patawanin ako.
Siya iyon.
Noon.
I miss him. Iyong dating siya pero unti unting nawala noong magkalayo kaming dalawa. Hinanap ko iyon sa kanya. Sabi n'ya hindi n'ya kaya magbago pero ang totoo nagbago na siya noon pa. Hindi akp naghangad ng kahit anong materyal na bagay galing sa kanya. Siya lang sapat na. Pero lahit oras niya para sa akin nagkulang na rin. Habang tumatagal hindi na lang yung dagat ang naglalayo sa amin kundi ang mga bagay na nagbibigay sa kanya ng kasiyahan habang malayo sa akin. Pero masyado siyang nag enjoy at hindi niya namalayan na unti unti na akong nababalewala at nalalayo sa kanya. Habang patuloy niyang pinipili ang ibang bagay patuloy rin niya akong naitutulak palayo ng hindi niya namamalayan.
Sinubukan kong sabihin iyon sa kanya pero, everytime na nsasabihin ko ang totoo kong nararamdaman lumalabas na puro drama ko lang ang lahat at sa tuwing sasabihin niya iyon ay sugat para sa akin ang kapalit. Sobrang sakit pero binabalewala ko dahil higit pa rin ang pagmamahal ko.
Hanggang sa sinubukan kong ilayo ang sarili ko sa kanya, yung tipong magchachat lang ako kapag nag chat s'ya at hindi gaya dati na ako ang nauuna palagi pero, mukhang hindi niya iyon namalayan at inisip na okay pa rin ang lahat.
Nakakapagod rin pala ang magmahal kapag palagi kang nasasaktan.May 7, 2021, I broke up with him. Wala akong iba at hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nagkaroon ng lakas ng loob na gawin iyon and it turns out na napagod na rin pala siya. Hindi ko alam kasi kahit kailan hindi naman niya sinabi ang nararamdaman talaga niya. Akala ko pagkatapos ng pakikipaghiwalay ko magtatanong siya at susubukan pa rin niyang ayusin pero umasa ako sa wala.
May 14, 2021. Tuluyan niya akong pinakawalan.
"Di ko na ipaglalaban ang taon na nasyang ntin kc kung sa effort ka lng din magbabase alam kung di ako ngkukulang dun ,,,,ikaw ngsabi na ikaw ang unahin kya pag di ko ngawa ikaw ang galit. ,,,Maghanap ka ng taong perpekto para syo na wla kang maidahilan pra hiwlayan sya ..."
Pakiramdam ko lalo akong nadurog. Hindi ako naghahanap ng perpektong tao, what I need is someone na iparardam sa akin na mahalaga ako kaysa sa ibang bagay.
Maraming nagsasabi na may iba na siya pero hanggang ngayon hindi ako naniniwala. My friend asks me several times kung hindi ko talaga inisip na mah iba siya at isa lang ang paulit-ulit ko rin na sinasagot sa kanya na "hindi".
Kanina lang muli niya ako tinannong."Never ka talaga nag isip na may iba na s'ya?"
"Hindi niya ako kayang palitan" Ang yabang ko 'no?
"Hindi ka kayang palitan, pero kaya kang talikuran."
'start letting go of the past and start to think about your future.' Bigla ko na lang narinig kanina habang naliligo ako at muli akong pinaiyak nito.
Should I really have to let go?
Maybe I should. Panahon na siguro para tanggapin ang katotohanan na hindi na niya ako ipaglalaban.
Hindi ko alam kung nasasaktan rin ba siya kagaya ko hanggang ngayon, pero sana masaya siya ngayon.
***Nik, minahal kita ng higit sa inaakala ko na kaya kong ibigay at hindi ko iyon pinagsisisihan at pagsisisihan dahil binigyan mo ako ng kasiyahan at naging matatag ako dahil sa'yo Salamat sa walong taon na hindi man perkperkto pero alam kong nagpangiti sa atin pareho. Sana maging masaya ka at matupad mo ang gusto mo sa buhay. Wala nang pipigil sa'yo sa gusto mo at magsesermon sa'yo. You are now free to do the things you want to do. Hayaan mo, pipilitin ko na rin na maging masaya mula ngayon.***
Siguro iiyak na lang ulit ako hanggang sa mawala na lahat ng sakit. This is the last last part of our story and I guess this part is the final goodbye..
---
We make our own happiness. Pakawalan na natin ang mga bagay na pumipigil sa atin para magpatuloy. Syempre, hindi iyon magiging madali. Acceptance iyon ang kailangan natin para magpatuloy at naniniwala ako na patuloy lang tayong magtiwala kay Lord dahil ibibigay niya sa atin ang bagay na totoong magbibigay sa atin ng lubos na kasiyahan.---
🙈BREAK UP STORY-THE END-
BINABASA MO ANG
One Shot Stories Compilation
Short StoryStories that will make you realize that love is not all about the FEELINGS, but a CHOICE. But if you choose LOVE, make sure that you're ready to call yourself "STUPID". Story 1- MY DEAR BEST FRIEND Have you ever been inlove with your bes...