09

488 31 1
                                    

New


Bagsak ang mga kamay hawak ang sira kong earphones palabas ng locker room. Natahimik lang si Vivienne sa tabi ko, dahil hindi niya alam kung paano ako aaluhin. Nanatiling nakatungo ang ulo ko hanggang sa makarating kami sa gym. I lost my motivation to participate.

"Viv! Denisse! Ang tagal niyo naman," Eli approached us, but I didn't give him even just a single glance. Nilampasan ko lang siya at naglakad patungo sa bleacher.

"Anong nangyari Viv?" Narinig ko pang tanong ni Eli na sinagot naman ni Vivienne. I want to cry. I suddenly feel how much I miss my mom.

"Hey," Naramdaman ko ang pag-upo ni Eli sa tabi ko, ngunit hindi ko siya nagawang kibuin. He took my ruined earphones out of my hand, halos hindi ko pa 'yon agad nabitawan ngunit agad ko ring pinaubaya.

"It's alright to cry, andito lang ako," As if on cue, my tears escape my eyes. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko at marahan akong isinandal sa kaniya.

"Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko talagang napakaimportante sa 'yo ng bagay na ito. I understand you, Denisse," I tried to dry my tears and didn't respond to what he said.

"But we can buy you a new one. Alam kong hindi mapapalitan ang halaga ng isang 'to, but since I know that this is your comfort."

"I have had these earphones for years. Hindi ko alam kung bakit tumagal ito sa akin at hindi masira-sira pero nagpapasalamat akong nag-stay siya sa akin ng matagal." I sniff. Marahan kong ipinasok sa bulsa ng hoodie ang earphones ko at tuluyang tinuyo ang luha bago lumayo kay Eli.

"Don't mind me, una na kayo," Tukoy ko sa activities na pinapagawa sa 'min. Noong una'y nagaalangan pa silang umalis, lalo na si Eli ngunit hindi ko na ito pinansin. I decided to leave the gym and find a place where I could be alone. 'Yong tahimik at alam kong walang makakapansin sa akin.

I was directed into the student's park. May mga bench do'n at mayroong mga garden. Walang mga estudyante na naroroon dahil oras ng klase. Marahan akong naupo sa isang bench na nakapalibot sa isang puno. I stared nowhere as I took a deep breath.

"Nag-cut ka?" nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko. Hindi ko namalayang may nakalapit na pala sa akin. When I look up at him, mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. His eyes were emotionless, as usual. But his words and voice say he cares.

But I don't need it. I don't need his care.

Tumayo na ako at handa na sanang umalis ng bigla niya akong pigilan.

"Walang nakatingin, don't leave."

"Let go," mahina ngunit mariin kong utos sa kaniya. Ngunit mas humigpit lamang ang pagkakakapit niya sa akin.

"What's wrong? Did you cry?"

"Why do you have to care? Why don't you just stay away from me? Why don't you just disappear!?" He was shocked by my sudden outburst.

"H-Hoodie girl."

"Simula ng makilala kita, hindi na naging tahimik ang buhay ko! 'Di ba sinabi ko naman sa 'yo? Nakiusap na ako 'di ba? Stay away, ano bang hindi mo maintindihan do'n Grayson?! Mas pinapatunayan mo lang sa akin, na isang pagkakamali ang pagpayag kong pumasok sa eskwelahan na 'to! I knew you were trouble the very first day we met!"

Confusion and pain were now visible in his eyes.

"What did I do?"

"What did you do? Trouble. You have always been a trouble. You always bring trouble to everyone around you!" Unti-unting dumulas ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin, nang makita niyang may tumulong luha sa mga mata ko.

"I'm sorry."

"Leave me alone, ayaw na kitang makausap o makasama pa," I turned my back on him and walked away. Bumalik ako sa room namin at pinili na lang na doon manatili. After class, ay tahimik akong sumama kaila Eli at Viv.

"Okay, ka na ba? Ipinaalam ka namin kanina sa PE teacher natin. Sinabi namin na masama pakiramdam mo," Bumuntong hininga ako bago sumubo ng kwek-kwek.

"Okay na ako, nalungkot lang talaga ako kanina. I... I remembered my mom," Nagkatinginan silang dalawa bago ako muling nilingon.

"So, we're right. Importante talaga sa 'yo 'yong earphones mo," I nodded.

Mababaw man para sa iba, pero kahit maliit na bagay basta may kinalaman kay mommy pinahahalagahan ko. Dahil doon ko na lang siya maalala at mararamdaman. Inihatid nila akong dalawa after, dad and Dy aren't home yet. Nag quick bath lang ako saglit bago nagbihis at bumaba para magluto ng hapunan.

It was a quiet night when I opened my notebook, where I wrote about bad things I experienced. Madalas akong walang kausap at walang mapagsabihan ng nararamdaman, kaya isinusulat ko na lang.

I was about to finish it when I heard a rattle outside my window. Noong una ay hindi ko 'yon pinansin at tinapos ang sinusulat bago itinabi ang notebook at nagbukas ng laptop. I logged in to my account and started to write an update for my story.

I also played my favorite song using my mini Bluetooth speaker when I heard the rattle sound again. Napahinto ako sa pagtitipa sa keyboard at marahang tinanaw ang bintana ko bago tumayo. I opened it and looked outside until my eyes drifted to the person standing in front of my room.

Nakasuot ito ng leather black jacket, black shirt, and black ripped jeans. Nanatiling seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin, habang ako naman ay unti-unting nagsalubong ang kilay. I thought he already understood me. Gaano ba kahirap para sa kaniya ang umintindi?

Isasara ko na sana ang bintana ng kwarto ko ng bigla siyang tumalon at umakyat sa bakod namin, bago muli umakyat sa kwarto ko. My heart pounded as I attempted to close my window again, when he had already caught it.

"A-ano nanaman bang ginagawa mo rito?!"

"Let me in."

"No! Umuwi ka na," Hindi ako nagtagumpay ng tuluyan na siyang makapasok.

"Didn't I tell you to leave me alone? Gaano ba kahirap sa 'yong intindihin ang pakiusap ko?"

"Tell me the reason why. I didn't hurt you, did I?"

"Umuwi ka na Gray."

"Hoodie girl, don't." Mariin akong pumikit at marahas siyang hinarap.

"Whatever your game is, just please stop it, Gray! Umalis ka na! At huwag na huwag mo na akong lalapitan!"

"Ayoko."

"God! Ano pa bang dapat kong gawin para layuan mo na ako?!"

"Wala. Dahil hindi ako lalayo sa 'yo," Mariin niya akong tinitigan bago siya may kinuhang bagay mula sa jacket niya. Nagulat ako ng makitang 'yong earphones ko 'yon.

"You dropped this earlier," Mabilis ko iyong inagaw at agad na tinago sa drawer ko.

"I didn't come here to upset you. Aalis din ako."

"Umalis ka na lang."

"I will, but accept this first," Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at halos matigilan ako ng makitang bagong earbuds iyon.

He took my hand, inilagay niya roon ang hawak niyang earbuds bago siya tumalikod.

"Ingatan mo sana 'yan. Alam kong hindi niyan makakayang palitan at pantayan ang halaga ng nasira. Pero sana makatulong 'yan sa 'yo, upang mapawi ang lungkot mo."

Natulala ako sa kaniya hanggang sa tuluyan siyang makalabas mula sa bintana ng kwarto ko.

My eyes dropped on the earbuds he gave me as a single tear escaped my eyes.

Grayson.


. . .

That September NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon