Napangiwi ako dahil sa sakit na naramdaman dulot nang pagbagsak ko. May nakapa akong malagkit at mukhang ito ang spaghetti at palabok base sa amoy nito, sumubsob pala ako sa mga pagkaing natapon ko. Ang lagkit ng pakiramdam ko, feeling ko ang rumi-rumi ko na.
Mabilis na umupo ako sa buhanginan, pinunasan ko ang malagkit kong kamay at nakapikit na kinusot-kusot ang aking mga mata dahil sa pagkapuwing. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa mga tuhod at braso ko kaya alam kong nasugatan ang mga 'to.
Apatchaw.. Mukhang uuwi akong may galos ngayon, ano'ng idadahilan ko kina mama?
"Asul! Asul, ayos ka lang ba?"
Naramdaman kong may humawak sa mga balikat ko.
Nang mabawasan ang hapdi ng mga mata ko ay dahan-dahang iminulat ko ang aking mga mata. Tumambad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Xavier. Nakaluhod siya sa haparapan ko at sinapo ang mga pisngi ko, sinusuri ang mukha ko.
"Asul, sagutin mo 'ko. May masakit ba sa 'yo?" mahihimigan ang kaba sa boses niya. Ayaw kong mag-alala pa siya kaya umiling-iling ako.
Gusto kong umiyak dahil nilagay ko na naman sa kahihiyan ang sarili ko, pero hindi niya ako puwedeng makita.
Ang sakit..
Xav, ang sakit-sakit na ng puso ko. Tulungan mo 'ko...Please..
"A-Ayos lang ako," my voice cracked.
Gustong-gusto ko na sa kaniyang magsumbong, gustong-gusto ko nang aminin sa kaniya ang lahat... Pero hindi niya puwedeng malaman. Ayaw kong dumagdag pa 'ko sa mga iisipin nila. Maayos na ang lahat kapag 'di nila alam, ayaw kong baka maging dahilan pa ako ng gulo.
Nangingilid na naman ang mga luha ko kaya iniwas ko ang tingin.
Napatingin ako sa lalaking katabi ko, nakaluhod din si Yvallion at nilalagay sa plastik ang mga natapon kong pagkain na nahaluan na ng buhangin. Nagmadaling tinulungan ko siya sa paglilinis kahit nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Ramdam ko ang mga nag-aalala at nagtatakang tingin ng mga kasama ko kaya mariing nakagat ko ang aking labi.
Bakit ba kasi ako nadapa? This is so embarrassing!
"Jayri, are you okay?" Abraham asked but I didn't answer him.
Lumapit sila sa 'kin maging sina Julie at Ashi, nakatayo sila habang nakaupo pa rin ako sa buhanginan.
Tumingala ako upang salubungin ang mga nag-aalalang tingin nila sa 'kin. Pinalibutan nila kami nina Yvallion at Xavier kaya mabilis na nalula ako kung sino ba ang titingnan ko, tinadtad din nila ako ng tanong kaya hindi ko magawang sagutin silang lahat.
"Gosh. Jay, answer me!"
"Asul, may sakit ka ba?"
"Hoy! Nahihilo ka ba? Kinakabahan na kami sa 'yo!"
"Jayri, sagutin mo kami!"
"I think we need to take her to the near hospital!"
Matapos naming ilagay sa plastik ang natapon kong pagkain, inabutan ako ni Yvallion ng puting panyo kaya pinunasan ko ang naiwang mantsa ng spaghetti sa suot kong pantaas. Tumayo siya at gumilid naman sina Yiona para padaanin siya, may basurahan malapit sa isang cottage sa 'di kalayuan, mukhang doon niya itatapon ang nakasupot at maruming pagkain.
I felt guilt for the food, kahit kaunti lang 'yon ay sayang pa rin. Maraming taong nagugutom. We should be grateful for having a privilege to eat when we want and what we want. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pribilehiyo. Suwerte ka na kapag nakakakain ka ng tatlong beses o higit pa sa isang araw.
BINABASA MO ANG
You Are My Universe
FantasyDahil sa kaniyang mapagmahal na pamilya at apat na kaibigan na kasama na niya mula pagkabata, buong akala ni Jayri Aliana Adamos ay payapa at maayos na ang simpleng pamumuhay niya. Ngunit isang gabi, ang isang fictional character ay napunta sa mund...