chapter 5

18 1 0
                                    

My naughty student!!!

Chapter 5

Sige wala naman akong gagawin eh! Nakangiting sagot nya don sa lalaki, literal na napanganga ako ng bigla syang yakapin nung lalaki. Pakiramdam ko nanlalaki na ang ulo ko sa pag titimpi ko ng galit ko. Kuyom ang kamao ko na nakatingin sa kanilang dalawa.

Talaga pumapayag ka? Tumango naman sya, pinigilan ko ang sarili kung sipain paalis don ang lalaking yon. Kaya nag iwas na ako ng tingin sa kanilang dalawa

Haaaay! ang cute nya talaga! Parang lutang na Sabi pa nya ng tuluyan ng makaalis yung lalaki, napanis naman ang ngiti nya nang pag lingon nya ay masamang tingin ko ang sumalubong sa kanya, hindi nako nag salita at dumaretsyo na sa library, mabuti naman at sumunod sya.

Sir! Uy! Sir! Naiinis na nilingon ko sya ng paulit ulit nya akong tawagin.

Bakit ba nandito Tayo anong gagawin natin dito? Hindi ko rin alam sa sarili ko bakir iritang irita ako sa kanya sa isiping makikipag date sya sa mukang uhuging lalaking yun, muka ngang wala pang alam sa buhay gawin yun kundi ang pumorma. At ano naman bang pakialam ko don? Naiinis narin ako sa sarili ko.

Kakain! Sarcastic na sagot ko sa kanya.

Oh talaga? ano bang lasa ng libro hindi pa kasi ako nakakatikim! Pabalang na sagot nya rin sakin, kaya sinamaan ko sya ng tingin. kagat labi naman syang tumahimik ng ma-realize ang ginawang pambabara sakin. Pina ningkitan ko pa sya ng mata kaya yukong yuko syang sumunod sakin.

Oh! Simpleng abot ko sa kanya ng result ng exam nila kanina muka namang hindi na sya nagulat pa don. Napailing ako sa reaksyon nya, wala nga syang nakuha miski isang tama, literal na zero ang score nya tapos may gana pa syang makipag date sa lalaking yon.

Tingin ko hindi ka makakapunta sa date nyo ng lalaking yon! Don na sya nag react.

Huh! Bakit Naman? Inginuso ko yung papel nya.

Ang sabi mo kanina wala kang gagawin pwes ngayon meron na, mag aral ka para naman maipasa mo yung subject ko, hindi yung kung kani-kanino ka makikipag flirt. Sya Naman ang tumingin sakin ng masama dahil sa sinabi ko, huli na ng marealize ko kung anong kagaguhan ang lumabas sa bibig ko, tumahimik nalang ako dahil hindi ko naman na mababawi pa ang sinabi ko.

Halata namang yamot yamot na sya sakin, ilang oras na Kasi kami dito sa library at paulit ulit ko na ring ipinapaintidi sa kanya kung pano I solve Yung problem.

Haist! Ayoko na ilang oras na tayo dito oh! Nauubusan nako ng pasensya dyan sir! Reklamo nya, at padabog pang inilapag ang ballpen na hawak sa kahoy na lamesa, tinitigan ko naman sya na para bang tinubuan sya ng pangalawang ulo, Hindi ako makapaniwala sa ikinikilos nya sa harap ko, sya pa talaga ang nauubusan ng pasensya? Diba dapat ako? kanina pa kami dito at tuwing mag e-explain ako lagi lang syang nakapangalumbaba habang nakatingin sakin.

Makinig ka kasi! ako nga dapat ang nauubusan ng pasensya dahil kanina kapa hindi nakikinig dyan-" Natigilan naman ako sa pag sermon sa kanya ng mapansin kong naka pangalumbaba nanaman sya habang nakatitig sakin.

My Naughty Student!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon