Chapter 17
Kinakabahan ako.
Pangalawang beses ko palang pupunta sa mansion nila Gave. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mommy n’ya?
“Nandito na po tayo,” ani taxi driver.
Hindi na ako nagdala pa ng sariling sasakyan, naisip ko nalang na mag-commute.
Kumuha ako ng pera sa aking pitaka at inabot iyon sa driver. Hindi ko na kinuha pa ang sukli.
“Salamat, Ma’am.”
Agad akong bumababa ng sasakyan. Nang makalabas ay inayos ko muna ang damit kong medyo nagusot dahil sa aking pagkakaupo.
Naninibago parin ako. Bumuntong hininga muna ako at tsaka pinindot ang doorbell. Sa unang pindot ko ay walang lumabas, kaya naman inulit ko.
Mabilis na bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang isang kasambahay na matanda.
“Oh, Ma’am...” nagulat s’ya ng makita ako.
Pamilyar sa akin ang kasambahay na ‘to, nakita ko na rin s’ya noong una kong punta dito.
“Magandang hapon po,” magalang na sabi ko.
She smiled at me. “Si Sir Dave po ba ang hanap n’yo?” she asked.
Umiling ako sa kan’ya at ngumiti ng tipid.
“Hindi ho,” ani ko.
Si Dave ang nagyaya sa akin noon dito sa mansion nila, kaya siguro akala n’ya ay si Dave din ang sadya ko rito ngayon.
“Andiyan po ba si Ma’am Aileen?”
I asked her shyly. She nods her head and opened the door widely.
“Thank you,” I mouthed.
Nauna s’yang mag-lakad sa akin papasok. Katulad parin dati ang mansion nila, mas gumanda nga lang ang interior ng bahay.
“Maupo ka po muna Ma’am. Tatawagin ko lang si Madam,” ani kasambahay.
I nodded my head as I sit on the couch comfortably.
Muli kong inilibot ang mata ko. May roong mga katulong na nasa may backyard nila na nag-lilinis. Kita ko ‘yon mula rito sa aking puwesto.
Nang mapunta ang tingin ko may malapit sa hagdan ay napatigil ako. Nandoon ang mga naglalakihang larawan ng pamilya ni Gave. May tatlong malalaking picture don na kung saan ay magkakasama silang apat. Ayun siguro ang daddy nila, ngayon ko lang nakita ang daddy n’ya. Sa isa naman ay si Gave at Dave lang ang magkasama. Parehong seryoso ang mukha ng dalawa kaya 'di ko maiwasang matawa. Si Gave ang nasa kaliwa, samantalang si Dave naman ang nasa kanan.
Isang tikhim ang nagpa-ayos sa akin. Mabilis akong naupo ng tuwid dahil pababa na ng hagdan ang mommy ni Gave.
Ngayon ay kinakain nako ng kaba. Tumayo ako ng makalapit s’ya sa akin.
“Good afternoon, Ma’am Aileen.” I said politely.
“Tita, Gwyneth...” paalala n’ya.
Tumango ako at ngumiti s’ya sa akin.“What brings you here?”
“A-ah, bumisita lang po ako,” panimula ko.
“Kumusta kayo ng anak kong si Dave?” she asked. Naupo s’ya at ganon rin ang ginawa ko.
Si Gave po talaga ang pinunta ko. Gusto ko sanang sabihin sa kan’ya.
“Okay naman po,” simple kong sabi.
YOU ARE READING
You're Still The One (Completed)
RomanceGwyneth Velasco is inlove with Danley Gave. He was her everything until he left, she lost herself too. Gwyneth waited for him to comeback even though it will hurt her a lot.