Chapter 29

370 19 18
                                    

Ilang beses ako'ng kumurap habang diretso'ng-diretso ang tingin nya sa akin.


Iniwas ko ang paningin at bumaling kay Steffa. "H-Halika ka na, Baby."


Nginitian ni Steffa si Pacco. "Talamat po!"


"W-Welcome."


Lalo ako'ng nanghina sa boses nya.


Akala ko kaya ko na. Akala ko lang pala.


Hinawakan ko ang kamay ni Steffa para makaalis kami. Nilingin nya pa si Pacco at nag goodbye. Katulad ng ginawa ko dati, Hindi ko na naman sya nilingon.


"Steffa! Jusko, Anak!" Sinalubong kami ni Casse.


"Okay ka lang?" Tanong ni Monique.


Tumango ako."O-Oo."


Kumain kami sa Chinese restaurant tapos ay hinatid na nila ako sa North Caloocan kung saan nakatayo ang Mansyon nila Mama at Tito Niccolo.


Na sa opisina si Tito pag dating ko. Sinamahan ako ng isa'ng katulong papunta sa kwarto. Kumpleto ang mga gamit. Parang hinihintay na lang kung sino'ng matutulog. Konti'ng damit lang ang dinala ko. Maminili na lang ako sa SM kapag wala na talaga'ng masuot.


Bumuntong hininga ako. Kinuha ko ang cellphone para tawagan sila Lola sa Mindoro. Hindi ko pa sila nakikita. Nag papadala ako ng pera para sa theraphy nila. Salamat naman sa Diyos at na wala ang mga sakit nilang dalawa ni Lolo. Uuwi ako sa Mindoro bago umalis ng pilipinas. Gusto ko'ng maka-bonding ang kamag-anak ko doon.


Kinagabihan, pumunta kami sa Malabon. Doon ang burol ng namatay. Katabi ko si Tito sa Van. Tahimik at parang wala sa sarili. Malapit sya sa namatay kaya hindi na ako mag tataka kung bakit ganito ang asta nya ngayon.


"Nakikiramay po kami," Malungkot na sabi ko sa asawa.


Iniabot ko ang abuloy. Malaki ang makukuha nila'ng pera. Si Tito na ang sumagot sa libing. Umupo ako sa unahan. Kulay Gold ang kabaong. Tahimik ang buong lugar.


Tumagal ng limang oras ang pakikiramay namin. Dumaan muna kami sa mall para mag pagpag.


"Nag kita na kayo ni Pacco, Hija?"


"Opo."


"Kami rin pero hindi nya ako pinansin."


Hindi ako sumagot.


Nag hilamos ako ako pag-uwi. Ang dami'ng nangyari ngayong araw. Ilang taon na ang lumipas, Wala pa ring Patcherie ang sumusulpot sa amin. Hindi ko na rin gusto'ng makita sya. Makakapag bitaw ako ng salita na hindi nya gugustuhing marinig.


Sa tropahan alam ko'ng si Casse ang naapektuhan sa pag kawala nya.


"What's your plan? Do you want to work?"


Tumango ako kay Tito. "Opo."


"I'll call my secretary."


"Hindi po sa kumpanya ninyo. Gusto ko ipag patuloy ang pagiging teacher."


"Great idea."


"Gusto ko po'ng sa Malabon mag turo. Marami ako'ng gusto'ng gawin doon, Tito."


Nag hanap ako ng pwede'ng rentahan na bahay.  Malapit sa Artex ang nakuha ko. Maganda ang quality ng bahay. 15,000 A month kasama na ang tubig at ilaw.


Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon