Chapter 51

1K 44 45
                                    

Kevin's Pov

"KEVIN 'tol gusto mo ba ng sideline?" tanong saakin ni Mark kasamahan ko sa pinagtatrabahuhan kong fastfood resto.

Napatingin naman ako dito habang abala ako sa pag ma-mop ng sahig. Magco-closing na kasi.

"Hmm sideline? saan?"

"Doon sa kakilala ko , dishwasher sa mga catering. 300 isang gabi , minsan 500 kapag overtime o kaya naman kuhanin karin nilang bilang waiter kapag sobrang dami ng tao. Ano sama ka?" nakangiting anito.

Napaisip naman muna ako. Sayang yun , malaki narin ang maidadagdag non sa ipon namin ni Yanna. Lalo pa at halos maubos ang ipon namin sa panganganak nya at sa mga gastusin ko sa school. Pati nung isang linggo akong nasuspend. Halos hindi na namin nadagdagan pa ulit yung ipon namin dahil no work , no pay ako ng one week.

"Ano 'tol? Sama kana. Sayang din yun." pangungumbinse pa nito saakin.

"Gusto ko sana kaso nag-aaral pa ako sa umaga eh baka hindi ko kayanin" nagdadalawang isip na sabi ko.

"Problema ba yun? 9pm naman ang out mo dito diba? Edi hanggang alas-dose ka lang dun sayang 300 din yun." anito kaya naman wala na akong nagawa kundi umuo.

Naisip kong sayang din ang kikitain doon. Uuwi nalang siguro ako bago mag hating gabi para may time pa akong makatulog bago pumasok ulit sa school sa umaga.

"Sige kaylan ba magsisimula?"

"Mamaya 'tol ano pwede ka ba?" agad naman akong tumago dahil biyernes naman ngayon at walang pasok kinabukasan.

Kaya naman pag kagaling namin sa trabaho ay dumiretso na agad kami sa isang hotel na kasalukuyang may nagaganap na party. Kasal yata. Dumiresto agad kami sa isang malaking kusina.

Ipinakilala muna ako ni Mark sa mga kasamahan namin bago ako dinala sa napakaraming pinggan , baso at mga kubyertos na siguradong ginamit kanina sa kainan.

"Ano 'tol? kaya ?" tanong ni Mark bago ako binigyan ng itim na apron.

Ngumiti naman ako dito bago tumango.

"Kaya 'to " pagkatapos ay nag umpisa na akong maghugas ng mga pinggan. May dishwasher naman sila dito kung saan ilalagay nalang ang mga pinggan sa loob at hahayaan itong mahugasan doon pero maselan ang may-ari. Gusto nitong tanggalan muna namin mga sebo at mga natirang pagkain ang mga pinggan bago isalang sa dishwasher.

Halos isang oras na yata akong nakatayo at naghuhugas pero tuloy-tuloy parin ang dating ng mga hugasin. Nanakit na ang mga binti ko. Dala na rin siguro dahil sa matagal ko ring nakatayo sa una kong trabaho sa fastfood.

Makalipas pa ang ilang oras , tinignan ko oras sa orasan na nasa taas ng pinto ng kusina at nakita kong mag aalas-dose na ng gabi kaya naman agad kong tinawag si Mark na nasa kabilang dishwasher.

"Mark uwi na ako mag aalas-dose na" mahinang tawag ko dito.

Lumapit naman ito habang nagpupunas ng kamay sa suot na apron

"Sige 'tol pakonti-konti nalang naman ang mga hinugusan natin. Tara samahan kita kay boss" anito bago naunang naglakad papunta sa opisina ng manager.

Pagdating namin aya agad naman itong pumayag at inabutan ako ng 350 pesos. Nagulat pa ako dahil sobra ito sa napag usapan.

"Sinobrahan ko talaga yan , dahil sobrang daming tao kanina at alam kong tambak ang hugasin. " nakangiting anito kaya naman nakangiti akong nagpasalamat dito.

"Salamat po"

"Oh siya sige , bukas ulit ah" anito.

Tumango naman ako at masayang nagpaalam dito.Nagpaalam narin ako kay Mark na mauuna na ako.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon