Naghahanap po akong txtmate baka pwede po kayo? hahahaha XD
~~~~~~~
ABatA5G#68
Nangangatog ngatog na tuhod na naglalakad ako papasok ng mansion nila Kent . Woo ! Sana wala pa ang Lolo niya para--
Nakita ko si Aiden na patakbong lumalabas ng mansion nila at para bang sumasalubong ito samen .
" Kent bakit ngayon ka lang ? nasa loob na si Lolo kanina ka pa hinihintay " lumakas naman ang kaba ng dibdib ko ng dahil doon . Shemay ! Nasa loob na daw ang Lolo nila >"< . Gulay na minatamis !
Napaangat naman ako ng tingin kay Kent ng bigla ako nitong hawakan sa kamay . Kita ko sa mga mata nito na nagsasabing siya na ang bahala saken . Sana nga , dahil gusto ko pang mabuhay , gusto ko pang magkaroon ng pamilya sa kanya TT^TT o kahit hindi man sa kanya , basta gusto ko pang magkaroon ng sariling pamilya .
" Halika na kayo sa loob , mamaya nalang kayo mag landian " sabay naman naming nilingon si Aid at binigyan ng masamang tingin , napaatras naman ito sa kanyang kinatatayuan na para bang natakot ng dahil doon " Wengya kayo ! Nakakatakot mga itsura niyo ah ? "
" Pumasok na nga tayo sa loob " seryosong sabi ni Kent , nagsimula na kaming pumasok , tinanggal ko ang pagkakahawak saken ni Kent at ako ang humawak ng mahigpit sa kanya , huminto ito ng dahil doon ngunit hindi ko nalang ito pinansin . Baka kasi bitawan niya ako e , mahirap na .
" Halika na kayo ! " rinig kong sigaw ni Aiden . Sasapakin ko na ang lalaking ito , ke lapit-lapit lang kelangan manigaw ? Aish !
Sabay kaming huminga ng malalim ni Kent bago namin naisipang pumasok sa loob . Nakayuko lang ako habang pumapasok kami , parang ayoko kasing makita ang mukha ng Lolo ni Kent , baka talagang kasing nakakatakot e >"< .
" Kent , Coreen " rinig kong tawag samen ni Tito Kendrick ngunit hindi ko ito iniangatan ng tingin " Mabuti at nakarating kayo agad "
" Nasaan si Lolo , Dad ? " rinig kong tanong ni Kent , humigpit naman lalo ang hawak ko sa kamay ni Kent . O jusmiyo marimar ! Sopan niyo ku pu ( Tulungan niyo po ako )
" Anong kailangan mo saken ? " ramdam ko namang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan , meron ba'ko nun ? >'< alam ko wala e hehe .
" Wala po Lolo , masama na po ba ngayon na hanapin ang Lolo ko ? " nabigla naman ako ng dahil doon sa sagot ni Kent . Akala ko bang ..
" Sino yang kasama mo ? " kung kanina mahigpit lang ang pagkakahawak ko ngayon parang pipigain ko na ang braso ni Kent dahil sa higpit ng pagkahawak ko .
" Kaibigan ko nga po pala Lolo "
" May kaibigan bang maghawak ang mga kamay ? " Oo nga naman o.0 , mabilis pa sa alas kwatro na inalis ko ang pagkakahawak ko kay Kent .
" Lo , tinatakot niyo ang kaibigan ko , ayusin niyo naman po ang pananalita niyo " ano bang ginagawa ni Kent ? bakit ganyan siya makipagsalita sa Lolo niya ? hindi ba siya natatakot ? TT ^ TT waaa~ Ilabas niyo po ako dito ng buhay panginoon ko ! Magpapakabait na po talaga ako simula ngayon !
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Teen Fiction[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi&amp;amp;lt;3 Join kayo sa...