Nandito kami ngayon sa kanilang restaurant at katatapos lang naming kumain. Tiningnan ko naman itong kasama ko, nakakunot ang noon nito habang nagseselpon kita ang inis na inis nitong mukha kaya naman natawa ako at naalala ang nangyari kanina.
Flashback
"Asquin, we’re here." Tawag sakin ni Riri ng makarating kami sa isa nilang restaurant kaya naman bumaba na ko ng kotse. Pagkapasok namin sa loob napansin agad kami ng mga tao sa loob. Pagkaupo namin ay siyang dating ng waiter.
"Good afternoon sir Derill, what is your order." Nakangiting tanong ng waiter, kaya naman tiningnan ko Riri at nakita kong nakatingin din ito sakin.
"ANY VEGETABLES FOOD/ ANY KOREAN FOOD!" nagkatinginan kami ni Riri, he looked at me with his brow raised. Sabi ko na eh.
Tumingin ako sa waiter. "Ah kuya, gulay ang kakinin namin." Nakangiti kong saad.
"No, I want Korean food Mr. Waiter." Sinamaan ko sya ng tingin at sinuklian iyon ng masama nya ring tingin.
"Kuya gulay."
"No, Korean food."
"Gulay. "
"Korean food," hindi talaga sya magpapatalo, tumingin ako ng seryoso sa kuyang waiter na halatang naguguluhan sa aming dalawa.
"Kuya gulay. And that's final. " Kalmado ngunit may pagkaseryosong utos ko kay kuyang waiter kita kong napalunok ito at saka tumango sakin, doon ay tuluyan nang umalis. Tumingin naman ako kay Riri saka ito nginisian. Kita ang pagkainis sa mukha niya.
"You did it again! You know that I can’t eat vegetables, right?! " inis niyang bulalas.
I just rolled my eyes at him. "You can Derill you can, you just dont want to eat it. Magkaiba yon. Okay?"
"Aish! But I want Korean food." Parang batang pagmamaktol nito habang nakatingin sakin ng masama. Kaya namn nilabanan ko din ang sama ng tingin nya.
"Ay kasi naman, sa Filipino restaurant mo ako dinala, tsk. Kung gusto mo pala ng Korean eh dapat sa Korean restaurant nyo nalang tayo pumunta. Pahihirapan mo pa yung mga cook dito, " Inis kong aniya. May topak eh. Pupunta-punta dito sa Filipino resto, tapos magpapaluto ng Korean food? Ano yun?
"‘Cause you said sa pinakamalapit na restaurant nalang tayo kumain, hindi ba? Kaya dito ako pumunta. " Inis na tugon nito.
Tumingin ako sa kanya nang may pagkadisgusto. "Bahala ka dyan, basta kainin mo ang pagkaing dadalhin dito and that is veggies!" Lalo syang nainis sa sinabi ko.
Naiinis na sya! Inisin pa natin. Inayos ko ang upo ko at sumipol-sipol saka tumingin sakanya.
"Riri will eat veggies~ " himig ko pero bulong lang yun, ang kaso narinig nya, edi ending sinamaan nya na Naman ako ng tingin.
Ayaw nya talaga ng salitang veggies. Natawa ako. Well, wala na naman syang magagawa. Kakain at kakain sya ng gulay.
Bakit naman kasi sinanay nina tita itong lalaking ito na hindi kumakain ng gulay eh. Bata palang eh hate na hate na ang gulay. Ang arte.
End of flashback
"What the next place Ashquin." Biglang tanong ni Riri sakin kaya napaisip ako, nasa loob na kasi kami ng kotse.
Total, may trabaho na si Riri mas maganda siguro kung doon na lang!
"Hmm, bisitahin kaya natin sina father Francis saka yung mga bata Riri?" Suggest ko sakanya kita ko ang pagtango niya, ii-start na sana nya ang kotse ng may naalala ako.
BINABASA MO ANG
Too Stupid (LLENNEAS SERIES #1)
Romance(UNDER REVISING AND EDITING) Ashquin has a hidden feelings for her best friend, Derill. She kept it for so many years. But remembering of being a Llenneas; a family that has a so called 'tradition' Ashquin never planned to confess. As in never! But...