Chapter 38

174 4 0
                                    

“Alis na tayo.” Sabi ko ng makapasok na ako sa loob ng sasakyan.

Sinimulan nya ng paandarin ang sasakyan hanggang pinaharurot nya na ito paalis.

“Saan tayo Rish?” Tanong nito habang nagmamaneho.

“Uhmmm? Kahit saan mo gusto.” Sagot ko.

“Ahhh. Ok.”

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang seafood restaurant. Pumasok na kami dun at nag order.

“Here’s your order ma’am sir.” Sabi ng waitress habang nilalagay niya na sa table yung inorder namin.

“Thanks.” Saad ko.

“Hmmmmmmmm? Rish? Nagkapalit tayo ng inorder. Itong sayo oh?” Sabi nito sabay abot sa akin ng inorder ko.

“Ahhhh. Oh. Here.” Iniabot ko rin sa kanya yung inorder nya.

Habang inaabot ko sa kanya yung pagkain ay parang may napansin ako sa kamay nya. Isang mahabang peklat na nakaguhit sa kanyang pulso.

“Teka? Yoh? Anong nangyari dyan sa kamay mo? Bakit ang haba  ng peklat mo? Nag try ka bang magpakamatay?” Takang tanong ko sa kanya.

“Ahhh. Wala to. Never mind. ”  Sagot nya.

“Yoh? Pwede bang malaman kong bakit ka nagkaroon ng peklat dyan sa pulso mo?”

Haixt. Gusto ko talagang malaman e. Parang kakaiba kasi ang nararamdaman ko na parang gusto kong malaman yung dahilan.

“Bakit?” Haixt.

“Sige na? Please?” Sabi ko w/ puppy eyes.

“Haixt. Sige.”

“Yeheeeeyyy. Sige dali na kwentohan mo na ako.”

“Ganito kasi yun. 13 years ago. Kinidnap ako hindi lang ako kundi pateh na rin yung kapatid kong babae. I was only 10 at siya 5 yrs old. Limang kidnaper yung kumidnap sa amin. Dinala nila kami sa isang abandonadong bahay. Tinawagan nila yung mama’t papa naming. Isusuli lang daw nila kami kapalit ng 30 milyong pesos. Mayaman yung family namin. Kaya kayang-kaya nila kaming iligtas kapalit ng malaking pera. Napagdesisyonan ng mga kidnaper na isuli kami sa araw na pinagdesisyonan nila ng mga magulang ko. Pero bago dumating yung tamang oras ng pagpapalit ay may nangyaring aksidente.”

“Anong aksidente ang nangyari?”

“Dinala kami ng mga kidnaper sa lugar na walang tao. Dun yung napili nilang  lugar kung saan nila kami isusuli. Dumating kami dun ng maaga. Mga around 9pm nandun na kami. Nakatali yung mga kamay namin at tinakpan din ang mga bunganga namin. Sa lugar na yun ay nakaisip ako ng paraan kung pano tumakas.  Nakatali yung mga kamay namin pero nakakita kami ng isang matulis na bagay. Pinutol ko yung tali na nakatali sa kamay ng kapatid ko at nagpatulong din ako sa kanya na putulin yung tali na nakatali sa mga kamay ko. Ng makalagan nya ako. Ay kinuha ko yung nakatakip sa baba ko. Sinabihan ko yung kapatid ko na tatakas kami. Habang tumatakas kaming dalawa ay hawak-hawak ko yung kamay nya. Tumatakas kami ng palihim pero nakita pa rin nila kami. Tumakbo kami  ng mabilis hanggang sa makarating kami sa kalasada. Habol pa rin sila ng habol sa amin. Hanggang sa naabotan ako ng isang kidnaper at bigla kong nabitawan yung kamay ng kapatid ko.  Sumigaw ako sa kapatid ko ng “Bilisan mo! Wag kang magpapahuli!” Yun yung sigaw ko lumingon siya sa akin.  Kaya hindi nya nakita na may paparating palang rumaragasang sasakyan sa kanyang deriksyon.  Sumigaw ako ulit. “ Rih! Rih! May sasakyan! May sasakyan!” Paulit-ulit kong sigaw sabay turo sa sasakyan pero hindi nya pa rin iyon nilingon hanggang sa……” Bigla siyang tumigil sa pagkwekwento. Hindi ko namamalayan na habang nagkwekwento siya sa akin ay napapaiyak na pala ako. Ewan ko ba? Para kasing nakakarelate ako sa mga kinekwento nya.  Ewan ko ba kung bakit ako nakakarelate wala naman kasi akong naaalala.

UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon