Kabanata 35

55.7K 655 155
                                    

"I've already texted her, Sam."

Marahang tumango at ngumiti ako kay Olive na ngayon ay ibinababa sa mesa ang kanyang bag. Hawak ko sa aking bisig ang natutulog na si Zacky. Marahil ay napagod ito, dahil hindi ito tinigilan ni Olive sa kakalaro hanggang sa nakatulog na ang bata.

Agad na inilagay ko muna ang anak ko sa kama dito sa loob ng aking hotel suite. Iniharang ko ang malalaking unan sa bawat gilid nito para hindi siya mahulog. Sumama si Olive sa akin dito matapos ang show niya kanina. Pinahintay niya ako dahil sasama daw siya. Hindi ko na siya napigilan.

I turned to face her after placing the blanket over my son's body. She just gave me a warm smile and then turned to face Zacky. "What?"

"You've come a long way as a mother, Sam."

"I'm grateful to have him."

Nakangiting lumapit ako at tumabi sa kaniya na nakaupo sa sofa. Agad na hinawakan nya ng mahigpit ang mga kamay ko na para bang natatakot siya na pakawalan ito.

"I'm really happy that you're here now. Don't leave us again. " Malungkot na saad nito sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil doon. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na panandalian lamang ako dito sa Pilipinas at babalik din kami ng anak ko sa California upang doon na mamuhay ng payapa.

"By the way, who's with you in California? Don't tell me na ikaw lang mag-isa doon?" Nag-aalalang tinitigan niya ako. Umiling ako sa kaniya bilang sagot.

"I-I've met people who look after me, Oli."

"Sino?"

I spoke up after a long sigh. "I've met Nanay Myrna. She took good care of me and Zacharael while I'm..." Napahinto ako at napalunok ng mariin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang pagkakaroon ko ng PTSD and Post-Partum depression.

"Hmm?" Saad niya na naghihintay sa sasabihin ko.

Napapikit nalang ako ng mariin ng maalala ang nangyari sa akin. It was traumatizing because I vividly remembered being terrified of my own child and attempting to kill him with my own hands. Naramdaman ko agad ang pagsikip ng dibdib ko at panginginig ng aking mga kamay.

"S-sam? What's wrong?" I opened my eyes and I saw how worried she was. She clutched my hand tightly.

Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kaniya.

"Sam..."

"After I left, I was diagnosed with PTSD and postpartum depression." When I noticed the pain in her eyes, I stopped. "I lost my sanity for months."

"Oh my god..." A lone tear fell on her cheeks.

"It was difficult, Oli." humihikbing usal ko. "Everything has vanished from my life, and I don't want you to go down with me as well. Hindi ko gustong masira din kayo dahil sa akin." pag-amin ko dito.

"Why were you thinking that way, Sam. We're the closest friends you've ever had. Mas mahal ka namin kesa sa trabaho namin." Umiiyak siya habang hawak ang mga kamay ko.

Malungkot na umiling ako. "Nakita ko...Nakita ko kung gaano din kayo nahihirapan dahil sa akin. I'm aware of what the press was saying about you at that time, Olive. "

Natigilan siya at gulat na napatingin sa akin. I gave a sad smile. "Kahit pilit niyong sinasabi sa akin na walang problema, Alam ko na naaapektuhan na kayo. Because of your absence from several shows and the delay in the release of your film, the media is slandering your image and spreading false information. "

Alam ko iyon. Wala sila nung mga panahong iyon sa bahay nang marinig ko ang balitang iyon sa TV. Because of her frequent absences from various shows, turning down projects, and not being present during the filming of her movie, the media spread rumors about her, claiming she was an incompetent and ill-mannered actress. Nasaktan ako sa mga pambabatikos ng mga tao kay Olive at ang paninira ng imahe niya bilang isang artista. Pinaghirapan niya ang lahat ng iyon at ayaw ko na ako ang maging dahilan para masira at mawala ang matagal na niyang pinangarap na makamit.

          

"Alam mo?" gulat na saad niya at umiiyak na hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Is this the reason you l-left us?"

Mahinang umiling ako sa kaniya. "Napagod ako...It was too much... Pakiramdam ko ay kinakain ako ng dilim. Hindi ko kayang magpanggap na ayos lang ako. Hindi ko kayang manatili dahil hanggang sa pagtulog ko ay hinahabol ako ng sakit at pait dahil sa mga nangyari."

Mahigpit na niyakap ako ni Olive matapos kong magsalita. Hindi na maampat ang luha sa mga mata ko. I heard her sobbing too. Walang salitang namutawi muli sa mga labi namin, pero gumaan ang pakiramdam ko dahil sa yakap niya.

Sabay na napalingon kami sa pinto ng makarinig ako ng malalakas na pagkatok. Dahan-dahan siyang lumayo sa akin at ngumiti kahit puno ng luha ang kanyang pisngi.

"She's here, Sam. "

Sabay na tumayo kami at nanginginig ang mga binti ko habang naglalakad papunta sa pintuan. Ramdam ko ang pag-alalay ni Olive sa aking bewang. Huminga muna ako ng malalim bago ko mahinang pinihit ang seradura ng pinto at binuksan ito.

Napaatras ako at halos matumba ng maramdaman ko ang katawan na yumapos agad sa akin. Mas lalong tumulo ang luha sa mga mata ko. Naririnig ko ang paghagulgol niya habang nakayakap sa akin.

"T-tangina. Tangina ka, Sam..."

"D-dawn..."

Mas humigpit ang yakap nito at ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. I hugged her back and kissed her hair. "I'm sorry... I'm sorry, Dawn."

"S-sam... Oh my God! You're real!" She paused. "Nandito ka na ulit. Where have you been!" Malakas na saad niya habang umiiyak. Hinaplos ko ang kanyang likod at hinayaan siyang umiyak sa balikat ko. I can feel the guilt seeping through me when I hear her sob. It was a cry of anguish and yearning.

"I'm sorry...Alam kong mali iyon. Hindi-"

Lumayo siya sa akin at sunod-sunod na nalaglag ang mga luha sa kanyang mga mata. "Dapat sinama mo kami! Alam mo naman kung gaano ka namin kamahal 'di ba? Sasama kami kahit saan mo gusto. " Humihikbi na sambit niya sa akin.

When I finally saw her face, I smiled. She's just as stunning as she was before. Her features were more defined, and she reminded me of a doll. Her ginger-colored hair was now long enough to reach her waist. Bumagay iyon sa kanyang hugis puso na mukha. I kissed her cheeks and wiped away her tears.

"A-ang ganda mo pa din." I couldn't help but say that to her and she immediately stopped sobbing.

"Sam! Be serious! I'm crying right now. " Aniya na parang nagulat sa sinabi ko at hindi pa din natigil ang pagtulo ng mga luha sa mga mata niya.

I can't help but chuckle a bit. It was a sudden compliment habang nag-iiyakan kami. "It's true."

I saw how she shook her head and looked at me with love in her eyes and gripped my hand tightly. "Don't leave us again, okay? Hindi na namin kakayanin ulit. Two years of torture, Sam. "

"I know..." I sighed and smiled at her. "I love you guys so much." Ibinaling ko ang tingin sa kanilang dalawa ni Olive na tahimik na umiiyak sa gilid ko.

Dawn kissed my cheeks and hugged me again. "We are sisters," she said shakily. "We love you so much, Sam. "

After what happened, I was still grateful that they understood why I'd left. Akala ko ay hindi nila iyon maiintindihan. Akala ko ay magagalit sila sa akin at magtatanim ng sama ng loob. But I was mistaken; they still adored and loved me. Bagkus ay nirespeto nila, hindi nila ipinaramdam sa akin na mali ang naging desisyon ko. Ramdam ko ang pananabik nila na makita ako ulit base sa naging reaksyon nila. They must have been sorely missing me.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon