Rule 12

60 5 5
                                    

Rialaine Reyes' PoV

Wow. Just WOW.

Parang kanina lang nung tinanong ko siya kung okay lang ba siya eh kulang na lang iumpog niya na ako sa pinto dahil parang tanga nga naman ang tanong ko-- pero syempre, maganda pa rin ako-- pero nung si Alvin-- na may kasalanan-- eh gumamit pa ng sweet voice ang loka!

My goodness. Parang gusto ko siyang balibagan ulit ng pinto sa mukha dahil sa kalandian niya.

"Oh. What's happening here?" Takang tanong ni Natalia na naka-bathrobe lang at may twalya pa sa ulo. Kakalabas lang ng banyo ng reyna. Kahut kailan talaga eh napaka-bagal nitong kumilos. Tss.

"Bakit ka lumalabas ng bathroom na naka-ganyan lang eh alam mo namang may tao dito sa kwarto mo. Tss. Get inside your walk-in closet." Sabi ni Louis sabay hinila si Natalia papasok dun sa isang pinto.

Okay. Edi siya na ang possessive, sweet, gwapo, mayaman at matalino. Tsk. Pero ika nga ng lahat, walang taong perfect. Kaya nga naging torpe siya eh. Tss.

Kung hindi lang kasi torpe 'tong lalaking 'to at hindi in denial si Natalia, edi sana happy couple na sila ngayon. Edi sana may forever na. Psh.

Inuuna kasi ang katangahan at pride kaya ayan, nganga sila ngayon.

"Pero okay ka lang ba talaga? As in walang masakit sa 'yo?" Tanong ulit ni Alvin.

"Ano tayo dito, Alvin? Tanga-tanga-han lang ang peg? Sirang plaka? Paulit-ulit? Naka-unli ka ba, koya? Hindi ba pwedeng 'pag sinagot ka na eh sinagot ka na? Gusto mo pa atang lalong tumindi yung kasalanan ni Jasmine dahil nakailang ulit na siyang nagsisinungaling para lang mapanatag ang luob mo eh! 'Di ba, ang lakas ng pagkakabukas mo sa pinto? 'Di ba nakita mo siyang naka-upo sa lapag? 'Di ba nakita mong hindi maipinta ang mukha niya? So malamang 'di ba, nasaktan siya?! Takte naman! Nilagay ang utak sa ulo para gamitin at hindi para idisplay kasi internal organ din naman 'yan at hindi nakikita. Unless, gusto mong basagin ko ngayon ang bungo mo para magkaruon naman ng silbi ang utak mo." Inis na sabi ko. Lahat naman sila eh napatanga. Sorry, not sorry. Pinaabot niya ako sa maximum level ko eh tapos dinagdagan pa ng kacornyhan nila Louis at Natalia kaya ayan, I vent out.

"Ria, mag-sorry ka. Ang harsh-harsh mo." Bulong ni Jasmine. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Masyadong nagpapakatanga eh.

"And so what kung harsh ako? At least hindi ako yung tipo ng tao na nagpapanggap na okay kahit deep down eh nasasaktan na talaga. Mas maganda na yung ako yung iyakan kesa yung ako ang umiiyak. Mas maganda na yung ako yung manakit kesa yung ako ang masaktan. Hindi na uso ang selfless ngayon, teh. Kita mo ngang pati si Tris ng Abnegation ay lumipat sa Dauntless eh. Kaya kung ako sa 'yo, bibili na ako ng brand ng ilaw na nagbigay ng liwanag kay Tris. Baka sakaling maliwanagan ka rin at maka-quit na sa Tanga Club." Sabi ko sabay lumabas na ng kwarto.

Oo, masasakit yung sinabi ko kay Jasmine pero kasi baka ayon ang mag-enlighten sa kanya at marealize niya na tama na. Dapat niya ng itigil ang pagpapakabaliw niya sa pesteng Alvin na 'yon kasi wala na talagang chance.

At kung hindi niya pa sisimulan ang pagmu-move on ngayon eh baka habang buhay na siyang ma-stuck at hindi na maka-let go.

And yes, sobrang ironic ng mga pinagsasabi ko kasi maski ako eh hindi maka-let go kay Francis pero at least I'm trying, 'di ba? Oo, mahirap. Pero kung gusto mo naman eh laging may paraan.

"Napaka-straight forward mo." Sabi ng isang boses. Pagkalingon ko sa katabing swing na inuupuan ko eh naka-upo na do'n si Francis.

Speaking of the devil.

"At wala ka ng pakielam doon." Sabi ko. And yes, I'm being harsh and bitch again but I really don't care.

"Alam kong wala ako sa posisyon para pagsabihan ka pero gagawin ko na rin kasi sa tingin ko eh lumagpas na talaga sa limit yung mga words na binitawan mo kanina." Sabi niya and I can't help but to roll my eyes.

"Alam mong wala ka sa posisyon to lecture me 'di ba? So why don't you just shut up and leave me alone? I don't care about your perspective so don't care about the words that come out of my mouth. And what limit are you talking about? Huh? Gano'n kaming mag-usap magkakaibigan even before you came to our lives so 'wag mo kaming pakielaman, okay?" Inis na sabi ko.

Honestly speaking, ang epal niya. And right now, all I want to do is to wring his neck.

Bakit ba kasi nag-exist pa siya dito sa earth? Pwede namang sa ibang galaxy. Sa ibang nebula. Basta yung malayo sa kinaroroonan ng Milky Way.

"Yun nga eh. Bago pa lang ako dumating eh magkakaibigan na kayo kaya natatakot akong masira ang friendship niyo. Kasi sa totoo lang, 'pag pinapanuod ko kayong magkulitan at magasaran, nakikita kong masaya talaga kayo sa isa't isa at saka hindi lang kaibigan ang tingin niyo sa isa't isa kundi kapatid. Kaya kung ako ikaw, babalik na ako ngayon sa luob at hihingin ng tawad kay Jasmine at pati na rin kay Alvin. Mas matanda yung tao sa 'yo pero gano'n-gano'n na lang kung sabihan mong tanga." Sabi niya sabay tinignan pa ako. Napa-iwas naman ako ng tingin.

"Bakit? Totoo namang tanga siya ah. Obvious namang nasaktan si Jasmine pero tanong pa rin siya ng tanong." Sabi ko sabay umirap pa. Nakakabuwisit talaga yung alien na 'yon.

"Kahit na. Dapat hindi mo pa rin sinabihan ng ganong si Alvin. Tao pa rin 'yon, may damdamin at nasasaktan." Sabi niya.

"Ah. Tao pala siya? At may damdamin pa. Wow. That's big news. Akala ko kasi isa siyang manhid at walang pakundangang alien eh. Pero ngayong sinabi mo 'yan, well... ganon pa rin naman ang tingin ko sa kanya. At hindi na 'yon magbabago dahil sa pinaggagawa niya. Tss." Sabi ko sabay tumayo na at naglakad na pabalik sa luob ng mansyon.

Sa mga sinabi ko parang ako yung may gusto kay Arvin na sobrang bitter dahil hindi napapansin at nabibigyan ng halaga. Pero, men, kadiri 'yon. Kadiri talaga. Uggggh. Yuck. The thought makes me want to vomit right now.

"Jas! Ano? Kulay talong na ba ang mukha mo dahil sa pasa? O baka naman may hati na 'yan sa gitna dahil sa sobrang lakas ng impact?" Tanong ko. Inirapan lang naman niya ako.

"Manahimik ka diyan, Rialaine kung ayaw mong isumpal ko 'tong ice pack sa napakalaki at napakatabil mong bunganga." Inis na sabi niya.

"Don't be mad at her, Jas. Ang cool kaya ng ginawa ni Polar Bear!" Sabi ni Natalia sabay nakipag-apir pa sa akin. Sa mga ganitong bagay talaga eh nagkakasundo kami.

"Anong cool sa pananakit ng damdamin ng isang tao?" Tanong ni Jas.

"Walang cool sa pananakit ng damdamin ng isang tao. Pero kung yung sinaktan ka ang sinaktan mo, 'yun ang cool! Super cool!" Sabi ni Natalia.

Tama siya. Well, lagi naman siyang tama sa mga ganitong bagay. Sa sariling love life niya lang talaga siya nagkakamali.

"Tss. Ang dami niyong alam eh, 'no? Basta ako, ang alam ko eh dapat kang magsorry kay Alvin." Sabi ni Jasmine.

"Ha? Ako, dapat mag-sorry? Ayoko nga! Wala naman akong ginawang masama ah!" Sabi ko.

Ako? Magso-sorry sa alien na 'yon?

Ha! Nek-nek niya!

---


Let Love RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon