David's POV
Para akong sinaniban ng demonyo kanina. Di ako nakapagpigil kaya nagawa ko yung bagay na di ko talaga akalaing magagawa ko.
Naramdaman ko nalang mali yung ginawa ko nung sumigaw si Lex. Napatingin ako sa kanya at nakita ang mukha niya na takot na takot at mangiyak-ngiyak. Hawak-hawak ko pa din noon yung kwelyo ni JP pero nung matignan ko ng maigi yung mukha ni JP ay natauhan ako sa ginawa ko na siyang dahilan para bitawan ko yung kwelyo niya at lumayo sa kanya.
Pagkalayo ko kay JP ay agad itong pinuntahan ni Lex. Di ko alam kung anong gagawin ko by that time. Wala akong mukhang maiharap kay Lex. Aalis na sana ako ng tawagin ako ni Lex.
"David!" Tawag niya sa akin. Lumingon ako at nakita kong sobrang kinakabahan na siya.
"David, di na siya nagre .. response." Nanginginig na ang boses niya. Tinignan ko si JP at ngayon lang nagsink in na napuruhan ko pala siya.
"Tulungan mo ko. Please!"
"Dalhin na natin siya sa ospital." Iyak na ng iyak si Lex.
Di ko alam ang gagawin ko nung oras na yon. Totoong galit na galit ako kay JP pero di ko pa rin maitatanggi na tong lalaking nagtraydor sa akin ay best friend ko. Na ngayon ay walang malay na nakahandusay sa tapat ko na inaalalayan ng taong mahal ko. Kahit gaano man kalaki yung kasalanan niya sa akin, nangingibabaw pa rin yung pagkakaibigan namin.
"Tumawag ka na ng ambulansya." Mahinang sabi ko kay Lex habang binubuhat ko ang walang malay na katawan ni JP. Di ko tinignan si Lex nung sinabi ko 'yon.
*Wang *Wang *Wang
Narinig ko na yung sirena ng ambulansyang tinawagan ni Lex. Agad naming tinakbo si JP sa hospital.
Pagkarating namin doon ay agad na dinala si JP sa emergency room.
Kitang-kita ko sa mata ni Lex ang pag-aalala niya para kay JP. Naisip ko tuloy. Kung ako ba ang nasa kalagayan ni JP ay mag-aalala rin siya? Tss. Malamang hindi!
Pumunta ako sa CR ng ospital. Doon ko binuhos ang galit ko. Pinagsusuntok-suntok ko yung pader. Di ko namalayang dumudugo na pala ang kanan kong kamay kasabay ang pag-agos ng luha ko.
Lumabas ako sa CR na may bandana ang kanang kamay.
Napatingin si Lex sa akin. Mugto pa rin ang kanyang mata. Nilihis ko ang aking tingin.
"Mauna na ako Lex. I'm sorry!"
Napahinto ako sa paglalakad ng hinawakan niya ako sa kamay.
"David, I'm sorry."
Pagkasabing-pagkasabi niya noon ay nagkatinginan kami.
Parang alam ko na ang ibig niyang sabihin. Tss. Alam ko na. Yumuko nalang ako at mahinahong umalis.
Akala ko noon sa DOTA lang ako talunan pag dating kay JP. Pero Tang-ina! Pati pala pagdating sa pag-ibig, panalo siya.
Ang saklap, di ba? Imba! Sa DOTA, tanggap ko pa eh. Kasi yon, laro lang! Pero sa pag-ibig? Tae! Totoo to eh. Di 'to laro na pwedeng maggive up nalang basta-basta. Di 'to laro na pag nagsawa ka, aayaw ka na at hahanap ng iba. Lahat kaya kong isugal para manalo. Siguro, di ngayon yung panahon para manalo pero balang-araw mamahalin rin ako ni Lex. At kung di man mangyari yon, siguro talunan talaga ako o kaya naman iba talaga ang nakalaang premyo sa pagkapanalo ko. Baka hindi siya. Baka di talaga siya. T.T
Lex's POV
Nandito ako sa room 29 kung saan nakaconfine si Paul. Hinihintay ko siyang magising kasi di pa rin siya dumidilat hanggang ngayon. Nag-aalala na talaga ako sa kanya.
Biglang bumukas ang pinto. Si doc pala.
"Ikaw po ba ang kasama ng pasyente?"
"Opo. Kumusta na po ang lagay niya?"
"Nagreresponse naman na siya but He is still under observation. Kung mapapansin mo marami siyang pasa. Tinitignan pa namin yung dugo niya. And siguro maya-maya lang ay magkakamalay na siya. But .."
"If ever na kailanganin namin ng blood donor for him. May kakilala ka ba na pwedeng magdonate? Umm .."
"I wish you have ma'am. Excuse me. Mauna na po ako."
Lumabas na nga si Doc.
BLOOD DONOR?
Paulit-ulit na naririnig ko sa isip ko yung sabi ng doctor. Pwede kaya ako magdonate? Hays. Asan ba ang family nentong mokong na 'to?
Nakaidlip ako sa paghihintay na magising siya. Ng bigla akong nagising ng biglang gumalaw yung kamay niya na hawak-hawak ko at marinig ang tinig niya.
"Lex?" Mahinang sabi niya.
Nabuhayan ako ng loob ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Agad ko siya tinignan.
"Hays. Salamat gising ka na! Pinakaba mo ko." Di ko inaasahan na ganoong mukha yung tatambad sa akin.
"Ayoko dito Lex. Alis na tayo." naguluhan ako sa sinabi niya.
"Pero di ka pa magaling!" sagot ko sa kanya.
Biglang umagos yung luha niya sa kanyang pisngi.
"Ayos na ako. Tara na, umalis na tayo dito. Please!"
"Wag ka ng makulit Paul. Di ka pa pwedeng umalis. You're still under observation."
"Natatakot ako!"
Kinagulat ko yung sabi niya. Bakit siya natatakot? Dahil ba sa kulay puting dingding at pader ng kwarto na tila animo'y nasa langit ka na o dahil takot siyang maturukan ng malalaking karayom?
"HAHAHA. It's okay Paul. Siguro takot ka sa indeksyon nu?" pagpapatawa ko.
"No, it's not like that." Di nagbago yung expression ng mukha niya. Di man lang niya sinakyan yung biro ko.
"Lex, promise me. You'll always be here in my side. Please! Don't leave me, okay?" Seryosong sabi nito.
"Of course, Paul. I'm always here for you, no matter what happens."
"Thanks Lex. I love you!"
Hinalikan ko na lang siya para iparamdam ang init ng pagmamahal ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Di Lahat Ng Lalaki Manloloko!
RomanceNaniniwala ka pa ba na may lalaking seryoso at mabait? Yung tipong mamahalin ka at di ka lolokohin? Kung babae ka at "Oo" ang sagot mo, may magandang pananaw ka sa buhay. Kung "Hindi" naman, ayos lang yan! Naniniwala ako na may dahilan kung bakit di...