3rd Person Point of View
Kasalukuyang pinapanood nina Sir Caleb at ni James ang nag f-flash sa monitor. Ang mga alaala ni Ashley at parehas silang nagulat sa nakita.
"Kuya, memory to lahat ni Ash hindi ba?" Tanong ni James kay Sir Caleb.
"Oo. Sa kanya lahat yan. Kahit ang mga memoryang hindi nya maalaala ay nandiyan din. Basta nangyari iyon sa buhay niya, naka ukit na ito sa isip nya." Pagpapaliwanag ni Sir Caleb.
"Hindi ba si Rush yun?" Tanong ni James sabay turo sa batang lalaki sa memorya ni Ash.
"Sya nga yun James." Sagot ni Sir Caleb.
"Hindi ko maintindihan. Paanong, nasa memorya nya si Rush?" Tanong muli ni James.
"James, hindi nag sisinungaling ang utak ng isang tao lalo na kapag nakalimutan nya na ito. Maaring may koneksyon si Rush kay Ashley, James." Pagtatapat ni Sir Caleb.
Bigla nalang na napaisip si James.
"Magkapatid sila." Sabi nya at lumabas ng kwarto iniwan sina Ashley at Sir Caleb.
Mabilis na naglakad si James papunta sa kwarto ni Rush pero wala ito doon.
"Master, gusto mo i-teleport nalang kita?"
"'Wag na. Matulog kana lang." Sabi ni James at pumunta naman sya sa classroom nila pero wala din doon ang hinahanap niya.
"James? Sinong hinahanap mo?"
"Kath, nakita mo ba si Rush?" Deretsyahang tanong ni James.
"Ano, nasa field sya. Bakit--"
"Salamat." Sabi ni James at tumakbo ng paalis doon.
"Rush!" Sigaw nya noong makita nya ito.
Kaagad namang tinago ni Rush ang isang litratong kanina nya pang tinititigan.
Litrato ng pamilya nya.
"Oh, bakit?" Tanong nya.
Huminga ng malalim si James at nag salita.
"Sumama ka sa akin." Sabi nya.
"Saan tayo pupunta? Hindi ba wala tayong pasok ngayon?" Inosenteng tanong ni Rush.
"Rush, nakiki usap ako. Sumama ka sa akin papunta kay Ash." Sabi ni James at hinawakan ito sa pulsuhan nya.
"Anong nangyari kay Ash?" Tanong ni James at kaagad na tumayo.
Sa isip isip ni James, nasabi nya na, bakit hindi ko napansin? Iba ang concern ni Rush kay Ash. Mas close ito dito kaysa sa kanya. Mas malapit at magaan ang loob nya dito kaya posibleng mag kapatid nga sila.
"Sumama kana lang sa akin sa office ni Sir Caleb."
"Bakit? Ano bang meron ha James?"
Bumuntong hininga si James at hinarap si Rush.
"Tungkol ito sa kapatid mo, Rush." Sabi nya na nakapag patigil kay Rush.
"A-anong.... anong sabi mo?" Pagtatanong nya.
"Rush, may posibilidad na buhay ang kapatid mo." Sabi ni James.
"'Wag na 'wag mong guluhin ang isip ko James. Patay na ang kapatid ko. Pinatay sya kasabay ng nanay ko sa mismong harap ko!" Sigaw ni Rush na halata sa boses na sobra syang nasasaktan.
"Paano kung nakaligtas ang kapatid mo? Hindi mo ba naisip ang posibilidad na iyon?" Tanong ni James at pinandilatan siya.
Napatungo nalang si Rush dahil sa sinabi nito.
Tama sya. Kahit kailan hindi niya inisip kung nakaligtas nga ba ang kapatid nya. Ni hindi sya nag tanong, ni hindi dumalo sa lamay nila dahil sa sobrang guilt na nararamdaman nya kaya napilitan syang umalis ng araw din na yun. At kaagad na pumunta dito sa Academy.
Ang tatay nya lang ang nag alam ng lamay ng dalawa. Pero noong linggo rin na yun, noong araw na nag lalamay palamang sila ay pinatay din ang tatay nya kaya mas lalo niyang sinisi ang sarili nya.
Kung hindi sana sya umalis at nanatili sya noong araw na yun, buhay pa kaya si Hillary? O ang nanay nya?
Kung tinulungan nya ang tatay nya, nailigtas nya kaya ito?
Mga tanong na laging bumabagabag sa kanya pero hindi niya mahanap ang sagot.
"Rush, kung sakaling sya nga ang kapatid mo, alam mo, ang swerte mo." Sabi ni James. "Kasi may pagkakataon ka pang bawian ang pamilya o ang kapatid mo sa mga pagkukulang mo sa kanila. Kasi ako Rush, hindi ko na yun magagawa pa." Sabi ni James at ngumiti ng mapait.
"Kaya kung ako sayo, sasama ka sa akin at alamin kung sya nga ba ang kapatid mo." Sabi ni James at hinila ito papunta sa office.
Nadatnan nila doon sina Sir Caleb at si Ash na naka higa parin at ang memoryang iyon parin ang nag f-flash sa monitor.
"Ang memoryang yan..." sabi ni Rush at tinitigan si Ash.
"Hillary.." he uttered the name of his sister at umiyak.
"P-paanong nakay Ash ang memorya ng kapatid ko?" Pagtatanong ni Rush.
"Rush, malaki ang posibilidad na.... mag kapatid kayo." Sabi naman ni Sir Caleb.
"P-paanong... paanong magiging magkapatid kami? W-wala sya dito sa Orc. A-at isa pa, p-patay na ang k-kapatid ko! Paanong... paanong sya ang kapatid ko?!" Pasigaw na tanong ni Rush.
"Hindi namin alam Rush at hindi rin naman tayo sigurado hindi ba?" Sabi naman ni James.
"Pero Rush kung gusto mo kukuhanan kita ng dugo at ibibigay ko--"
"Hindi na kailangan. Matagal ko ng pinaniwala ang sarili ko na patay na ang kapatid ko. At hindi rin ako naniniwala na sya ang kapatid ko." Sabi ni Rush at lumabas na ng silid.
Kaagad naman itong sinundan ni James at hinablot ang kamay nito at bigla itong sinuntok.
"Gago ka'ba?!" Inis na tanong ni Rush.
"Ikaw, tanga ka'ba?!" Balik naman nyang tanong.
"Mahirap bang paniwalaan na maaring buhay nga ang kapatid mo?! Mahirap ba na magbigay ng dugo mo para mapatunayan na magkapatid nga kayo?!" Tanobg ni James.
"Wala kang pakialam sa mga desisyon ko James." Sabi ni Rush at tumalikod pero iniharap ulit ni James si Rush.
"Bakit ba nahihirapan kang tanggapin ang katotohanan Rush?! Hindi ka ganiyo dati!" Tanong ni James.
"Bitawan mo ako. 'Wag na 'wag mong pakikialaman ang desisyon ko sa buhay James. Oo, ikaw ang tumatayong leader natin, pero hindi sapat yun para pangunahan ako sa mga desisyon ko!" Sabi ni Rush at hinablot ang kamay nya.
Pero bago sya umalis, kaagad na binasa ni James ang isip nito at may sinabi kay Rush.
"Rush, kung sa tingin mo ang pagpapangap na ayos kana at nakalimutan mo na ang kapatid mo. Go ahead! Pero pinapaalala ko lang sayo, sana tumingin ka sa paligid mo at buksan mo ang mata mo sa katotohanan bago pa mahuli ang lahat." Sabi ni James at bumalik na sa office ni Sir Caleb.
~4572Angel
BINABASA MO ANG
Kira Academy
FantasySi Ashley Hudson ay isa lamang na ordinaryong tao na ulila mula sa ating mundo, ngunit isang araw ay nagbago ang lahat ng may isang lalaking kumatok sa kanyang pinto at sinabing kailangan niya ng tulong ni Ashley. Dahil dito ay mapapadpad siya sa ka...