27.

4 0 0
                                    


"Pigilan nyo ako at baka makasapak ako ng malanding babae ngayong mainit ang ulo ko! Huh, punyeta nangangati kamay ko."

Inilublob ko ang paa ko sa tubig at hindi pinansin ang kanina pa nanggagalaiting si Marga. My eyes started to roam around and landed to Blaze who is currently talking to his girl friend, Leah. I avoided my gaze and convince myself that they were talking about their projects and activities and not anything else. There's no need to feel anxious, alright.  Bumuntong hininga ako at napayuko. I'm...not like this. Kung ang dating Hyleigh ang nasa sitwasyon ko ngayon ay kanina ko pa iyon sinugod at pinagsalitaan ng masama ang babae. But I can't do that here. Not anymore.

"Paiba-iba na talaga ang panahon ngayon. Tag-ulan, tag-init at grabehan may taglandi na rin! Putanginang iyan!" sinamaan ko sya ng tingin dahil sa lakas ng boses nya pero umirap lang sya bago lumangoy papalayo.

Napailing ako at bumuntong hininga. Tinapik ako ni Andrea at umahon sa pool bago umupo sa tabi ko.

"Okay ka lang?"

Nag-angat ako ng tingin pero hindi na ulit bumaling sa direksyong iyon.

"Hm," I nodded and forced myself to smile a bit. "I'm fine."

Tumango rin sya at pinasadahan ng tingin ang mga kaklase naming masayang naghahagikhikan.

"Leah likes him, it's obvious." she stated seriously. "But then, makikita mo naman kung interesado ang lalaki sa isang babae and Blaze...isn't. She is just a friend to him. You know, there's something into a person's eyes when they are talking with that someone they like. It's different, may kislap. And I saw that on Blaze eyes when he is looking at you. When he is staring and talking at you."

Nakaramdam ako ng hiya lalo na nang ngumiti sya ng nakakaloko saka tinapik ang balikat ako.

"Loosen up, ano ka ba!" she giggled. "Huwag ipahalatang nagseselos."

Nag-init ang pisngi ko, "Who says I'm jealous? I'm not."

Natawa sya ng tuluyan nang marinig ang panginginig ng boses ko.

"Who says I'm jealous ka diyan. Nakita mo ba yung mata mo nang tumingin ka sa kanila? Kulang nalang ay balatan mo na yung kausap niyang impokritang babae tapos itatanggi pa. Huling-huli ka na."

Tumikhim ako at napalunok. Iniwasan ko ang mapanuring mga mata niya bago sumagot.

"Ganoon naman talaga ako tumingin. That's normal."

She chuckled. Maya-maya ay lumapit sya sakin saka yumuko at bumulong.

"Ikaw gusto non," she whispered into my ears. "Mahal ka non."

When I looked at her, she just shrugged and said, "Maniwala ka sa akin." saka sya umalis sa tabi ko at nagpunta sa mga kaklase naming nasa malalim na parte ng pool.

Mahina akong natawa at napailing bago tumayo at naglakad papunta sa cottage namin. Uminom ako ng tubig at saka umupo roon. Pinunasan ko ang pawis at pinanood ang mga kaklaseng parang hindi man lang tinatablan ng init ng araw. Napailing ako at muli ay bumaling ang tingin ko sa direksyong inuupuan nila Blaze kanina at ang nakasimangot na Leah nalang ang nakita roon. Kumunot ang noo ko at hinanap siya. After a minute of looking for him, I saw him on their cottage and he is currently typing, I think.

Suddenly, my phone vibrated.

From: Blaze Sungeeeeet

You're not enjoying, are you?

The other side of my lips rose when I saw his name. Hindi ko pa pala napapalitan ang pangalan nya. Yaan na nga. Nag-angat ako ng tingin at tiningnan sya. He waved his hand and smile at me widely.

Untamed (Amistad Auténtica Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon