Ari pov;
Maaga akong gumising para makapag asikaso ako ng mga dapat kong gawin, Friday ngayon at kailangan maaga akong pumasok dahil pupunta ako sa library para dun mag review, Dahil napuyat ako kakaiyak kagabi ay hindi ako nakapag review. kaya na pag desisyunan ko na sa library na lang mag review. kahit papaano tahimik roon at hindi ko siya makikita..
Mabilis kong inasikaso ang mga gamit ko. tiningnan ko ang sarili ko sa salamin bago bumaba. Nang makita kong okay naman ang itsura ko at hindi ako mukhang zombie bumaba na ako para kumain.
Pagka baba ko, Nagulat ako ng makita ko siya! Simula ng malaman niya kay kuya na meron kakaiba samin ni jack hindi na niya ako sinusundo rito sa bahay.
Nang makita niya ako agad siyang ngumiti sakin. I can't help myself but to smile back.. Iba kasi yung energy niya ngayon. Masigla! kaya nakakahawa.
"Hey! Goodmorning." He said while smiling.
"Goodmorning rin" Bati ko. Ano kayang meron sakanya ngayon?
"Breakfast?" He asked. Tumango ako.
"Bakit ka nandito?" I asked.
"Bakit masama ba?" He asked back. napairap ako aga aga balak pa ata akong bwesitin neto!
"What I mean is 'Anong ginagawa mo rito? tagal mo na kayang hindi nagpupunta sa bahay." I said. I tried not to look at his eyes. basta ewan ko. nakakailang kasi titig niya sakin. basta nakatingin lang siya sa mata ko!
"Wala lang, I just miss your place and besides I miss having breakfast here. mas masarap pa kumain dito kesa doon sa kinakainan kong bago." boring niyang sabi.
Napatango na lang ako. at umupo sa pwesto ko kung saan katabi ko si liam. bumaba na rin si kuya at si mommy. Agad kumunot ang noo nilang dalawa. Madalas kasi na late na akong magising kaya hindi na ako masyadong nakakasabay sakanilang kumain. Dumako ang tingin ni mommy kay liam na ngiting ngiti na tinutulungan si manang, Ano kayang espiritu ang sumanib sa baklang to!
"Hi tita!" He said sabay nagbeso kay mommy.
"Hey liam! You look great as always, ngayon lang kita ulit nakita how are you?" Mom asked.
Nang madako ang tingin ni liam kay kuya Nag tangoan lang sila.
"I'm okay tita.. naging busy lang po sa school kaya madalang na lang po nakakapunta rito." He said.
Sabay sabay kaming naupo at kumain ng tahimik..
"So how's your parents?? how's the business?" Mom asked while chewing.
"okay naman po sila tita just busy as always about naman po sa business. masyado po silang tutok dahil marami pong kailangan asikasuhin." Liam answered.
Napatango naman si mommy..
"So liam, ano balak mong kuning course?" Mom asked.
Hindi pa nakakasagot si liam ng biglang nagsalita si manang.
"Ma'am, andyan rin po si sir jack. hinahanap si ma'am Ari." She said.
Agad kumunot ang noo ko. bakit siya nandito!
"Sige manang papasukin mo." Mom said.
Agad sinunod ni manang ang utos ni mommy. napatingin ako kay kuya and he seems enjoying what's happening kaya I glared at him. napangiti naman siya. iba talaga tumakbo ang isip ni kuya minsan gusto kona lang siyang saksakin ng hawak kong bread knife.
"Goodmorning po tita!" Jack, Sabay beso kay mommy.
Ang aga pa sobra pero pakiramdam ko hindi na magiging maganda takbo ng araw ko..
BINABASA MO ANG
I'M INLOVED WITH MY BEKI FRIEND(ON-GOING)
Teen FictionHE'S MY BESTFRIEND . . . . . . . . . HE'S MY KNIGHT . . . . . . HE'S MY EVERYTHING . . . . . . Pero hinde siya isang ganap na LALAKI kundi isang BAKLA yes!!Gay!! hindi ko alam paano sasabihin sakanya na Mahal kona siya!! Siya si Liam Lincoln Smith a...