"Hoy tara selfie!", sigaw ni Sandra. Kasama namin sya dahil hindi nakikisama ang mga kagrupo nito.
"Smile dali", ngumiti ako ng hilain ako ni Ysa sa tabi nya. Napatingin pa ako sakanya dahil hindi ko rin inaasahan na gagawin nya yon. Hindi sya clingy kapag kasama namin ang mga kaibigan namin. Laging galit sakin.
"Uy, Athena kasali ka", napatingin ako kay Athena na nakatingin samin. Tinanguan ko sya para lumapit samin pero napairap nalang ito. Lumapit rin naman.
Tumabi sya sakin dahil iyon nalang ang space. Inakbayan ko ito dahil hindi sya kita sa camera. Inakbayan ko rin si Ysa na ngumuso naman para sa susunod na pose. Ginaya ko nalang sya, bagay na ikinatawa nya.
Mabilis umalis sa tabi ko si Athena pero dedma nalang. Nandito kami ngayon sa bahay ni Marilyn. Ika-lima namin sa grupo. Umupo ako sa sofa at naka upo naman sa sahig si Ysa. Nag tatype na sya ngayon para matapos na namin ang chapter 2 ng thesis. Last week pa namin nasimulan, si Ysa lang ang nakilos dahil baka masampiga lang nya kami kapag mali ang nagawa namin.
Hinawakan ko ang buhok nya pero hindi nalang sya umimik. Buhaghag ito at medyo magulo kaya nanghiram ako ng suklay kay Mari na tamang upo lang sa tabi ko.
Sandra, also doing his thesis. Kung ano ano pa ang sinasabi. Hindi raw tumutulong ang mga kagrupo nya. Kinuha ko ang inabot ni Mari na suklay at sinuklay ang buhok ni Ysa.
Tinry kong tirintasin iyon na lagi kong nakikita sakanya. Kaya nyang tirintasin ang buhok nya, lalo na pag may laro sya sa volleyball. Muli kong sinuklay ang buhok nya dahil mali ang ginagawa ko. Mali, pano ba nya kase pinagsasalitan yon?
Kinamot ko muna ang ulo ko baka sakaling maalala kung paano nya yon ginawa. Inulit ko ulit ang pagtitirintas sakanya pero muli kong ginulo. Paano ba kase yon? Ulit.
Sinuklay ko ulit at tinry ko ulit pero hindi ko parin magawa. Natawa pa kase naiinis na ako kaya natawa nalang rin ako sa sarili. Parang akong tanga na naiinis dito. Sa huli, tinipon tipon ko nalang ang buhok nya at inipit iyon dahil pinagpapawisan narin ata sya sa ginagawa ko e.
"Alis na ko", lahat kami ay napalingon kay Athena na dala na ang bag at ready nang umalis.
"T-teka wala ka pang naitutulong", saad ni Ysa kaya napairap nalang si Athena. Agaw eksena lagi. Tumingin pa ang babae sakin habang hawak ko ang buhok ni Ysa.
"Sabihan mo nalang ako kung may maitutulong ako. Sige alis na ako", hindi nalang kami umimik kaya umalis na sya. Hindi namin sya kaclose at kung titignan mo ito ay akala mong parating galit sayo dahil sa mga titig na igagawad nito sayo.
"Problema nun?", si Julia na may laman pa ang bunganga dahil sa kinakain na tempura.
"Ewan ko dun... wala pang naitutulong e",
"Hayaan nyo na yon", saad ko at inayos na ulit ang buhok ni Ysa kahit pa ayos na ayos ko na kanina pa. Wala lang ang linis lang tingnan ng ginagwa ko sa buhok nya. "Ang galing ko", pumalakpak pa ako.
"Respeto naman sakin no? Na-friendzone ako e", binato pa ako ng tempura ni Julia kaya natawa kami ni Ysa.
"Kayo talaga... akala ko ba friends lang?", asik ni Sandra.
"Manahimik ka baks", si Ysa.
"Baka... friends with benifits", tumawa ng malakas si Mari na nasa tabi ko lang at sinabayan pa ng tawa ni Sandra.
"Hoy ang lalandi nyo ha", singhal ni Julia roon.
"Mga baliw! Pag friends... friends lang, diba Thirds?", tumingin si Ysa sakin at nginitian ako. Hindi ko alam kung bakit may kumirot sa puso ko ng sabihin nya yon.
BINABASA MO ANG
Next to you [COMPLETED]
RomanceCruzae series #2 Completed but continued. It start with a friendship that turns into a lover and ends with living their lives separately. How could that possibly happened to a couple whose perfectly inlove with each other? @All Right Reserved 2021...