CHAPTER SIXTEEN: GAME OVER!

22 4 0
                                    

FOUR STRATEGIES TO MAKE ME FALL

written by: MadamLove

CHAPTER SIXTEEN: GAME OVER!

[LIXZIE's POV]

Umiiyak ako habang tumatakbo. Blurry na nga yung paningin ko, eh.

"Shay, sandali! Let me explain!", sinusundan niya pala 'ko.

Mas binilisan ko pa yung pagtakbo pero naabutan niya rin ako. Hinawakan niya 'ko sa braso at iniharap sa kanya.

*slap!*

Tama. Sinampal ko siya. Nakakainis kasi, eh! Sobrang sama niya.

Nakatitig lang ako sa kanya habang may tumutulong luha galing sa mga mata 'ko.

"Shay, please let me explain. Please.."

"Explain?! Explain what?! EXPLAIN THAT I WAS FOOLED?!"

Sinigawan ko siya. Naiinis kasi ako, eh.

"No, Shay. Please understand."

"Ano pa ba?! Ano pa bang dapat kong unawain?! Malinaw na malinaw naman na sa akin, eh! NILOKO MO LANG AKO!! ALL OF THE THINGS YOU'VE SAID AND DONE ARE PURE LIES!"

"N-No! I-It's not.. Shay p-pleasee.."

"Yes it is! You did everything because of a F*CK*NG DEAL! You FOOLED me! I hate you Vian!", sigaw ko pa.

Paulit-ulit kong sinisigaw yung 'ihateyou' habang hinahampas siya sa dibdib. Naramdaman ko yung pagyakap niya sakin. Umiiyak ako. I cried while whining.

"G*go ka! F*ck you! Kung kelan naman mahal na kita tsaka ganito! Wala kang kwenta!", tinulak ko siya. "WALA KANG KWENTA VIAN!", sigaw ko sabay takbo palayo sa kanya.

Umuwi ako na umiiyak. Nasa kwarto ko lang ako. Mag-isa, umiiyak.

"Ang tanga mo naman kasi Lix, eh! Bakit ka kasi nagpaloko? Di ka naman dating tanga, ah? Valedictorian ka nga dati diba?", kinakausap ko nanaman ang sarili ko. "Tumigil ka na nga sa pag-iyak! Leche! Beautiful eyes, stop na!"

Ayoko na! Deal lang ang lahat. Plinano nila ito. At sobrang sakit..

Di niya naman ako masisisi kung masaktan ako ng todo, diba? Siya ang first love 'ko. Siya ang unang tao na hinangaan 'ko kasi ang gwapo niya. Siya yung taong laging nambubully pero sa huli, siya din yung naging kaibigan ko. F*ck! Totoo bang kaibigan ko siya? Sh*t! Okay pa sana kung malalaman ko na may mahal siyang iba. Ay, tanga! May mahal nga pala siya, si Kara. Kainis! Kainis! Nakakabadtrip! Bakit kasi na-fall ka heart? Di naman siya si Chiz. Amp! Baliw na 'ko. Nakuha ko pa talagang magjoke eh noh? Tanga! Hindi mo naman mapapasaya yung puso mo, Lix.

Lecheng pustahan kasi, eh! Nakakainis talaga. Amp talaga! Ay, hindi. Dapat tigilan ko na ang pag-aamp. Tss.

Ayoko na! Tama na 'to. Itatry kong maging maayos. Try lang. Sheeet. Ang sakit talaga! Ang sakit sakit pala!

Umiyak lang ako the whole night hanggang sa makatulog ako.

-----

[LESLIE's POV] 

(nanay to ni Lhance, tanda niyo pa?)

Nandito ako sa office ko ngayon. Kausap ko ang asawa ko. Ang asawa kong walang ibang ginawa kundi ang magcasino ng magcasino.

"Hindi ka kasi nakikinig! I told you, stop wasting money!"

"I told you din that I'm not wasting money!"

*creeekk*

Pareho kaming napatingin ni Henry sa nagbukas na pinto.

"Nakakaabala po ba ako, Tita?"

"No, Lixzie.", Henry said.

"Of course not, hija. What brought you here nga pala?"

"Pwede po bang.. wag na kayong mag-away?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi naman kami nag-aaway, hija."

"Alam ko naman po tita, eh. Nahihirapan na po kasi si Vian. Hindi man niya sabihin, ramdam ko po na nahihirapan siya at nasasaktan. At ramdam ko rin po na nangangamba siya na baka masira ang pamilya ninyo. At ayaw niya nun."

"Nahihirapan na siya? Bakit hindi namin nakikita?"

"Magaling magtago si Vian, eh. Kumbaga opaque siya, hindi transparent. He seems to be strong but he has his weakness. He seems doing fine but he's hurting. He seems not to care but he really does. Aalis na po ako."

"Tell us. You love him?"

"Magagalit po ba kayo pag sinabi kong oo?"

Nagkatinginan kami ni Henry.

"Magagalit kami..", sabi ni Henry.Napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "..kung sasabihin mong joke lang yan."

Nginitian namin siya. Nagliwanag ang kanyang mukha.

"Thank you po."

Umalis na si Lixzie. Tumingin ako kay Henry.

"We should settle something.", I said.

"I know."

-----

MadamLove: Bakit ako nandito? Wala. Epal lang. Maikli lang talaga 'to kasi di ko pa feel. Charot! Joke lang. Basta kasi si Shay ang may point of view, asahan nang maikli kasi imagination ko lang yung ugali niya.XD Yung kay Lhance kasi, may pinaghuhugutan. Charot! So, ayun. Just informing you guys.. Three chapters na lang at endo na si ako. End of Contract ko na. Charot! End of story na po.

TY TY ! :) GB :D

Four Strategies To Make Me Fall [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon