Malori"Hey hey goodmorning!!" Bungad ni Zyra pagpasok sa pinto.. may bitbit itong mga plastic
Kasunod nitong pumasok si Ms.Quinn na may sa kanan kamay ay hawak ang mga plastic na binili sa palengke habang sa kaliwang kamay nya naman ay hawak hawak ang kanyang six years old lang na anak
Namili kasi silang dalawa ngayong araw sa kakainin
"Goodmorning!" Ngiting bati ko
Tumingin ito sa gawi ko at sa klase palang nang pag tingin nito sa akin ay alam kong may balak itong asarin ako
"Oy ano yan ah?! Hindi ko alam na kayo na palaaa!! Ikaw athena ah?! may tinatago karin palang landi sa katawan" Ngising asong usal nito.. inilapag nito ang mga plastic na bitbit nya sa lamesa pag tapos nun ay pumunta ito sa direksyon ko.. O sabihin natin sa direksyon NAMIN ni Athena...
"Heh tigilan mo ako Zyra!" Saway ni athena dito binigyan pa nito na masasamang tingin
Bago sumingit pa lalo sa akin..
Nasa pagitan kasi nang hita ko naka upo si athena habang nakasandal ito sakin
Simula nang buntikang may mangyareng masama Kay Athena
Kinaumagahan nun ay biglang nag iba ang pakikitungo nito sa akin
Which is good Naman pero at the same time is Hindi Ako sanay like mas nakilala ko kasi sya na masungit sa akin at Isa pa Masyado itong naging clingy pag dating sakin..at hindi ako sanay dun...
Jusko mas nasanay ako sa mga masasamang tingin na lagi nyang binibigay sakin..
Nawala kasi bigla na parang bula ang kasungitan nito sa akin pero sa iba pa namin kasamahan ay ganun parin sya...masungit!!
"Asus! Kala ko ba hate mo yang si cutie?"tanong ni zyra dito pero halata mo naman nang aasar ito
"Hay nako zyra tigilan mo na sa pang aasar kay Athena.."saway ni ms.quinn dito habang nakangiti
"Ehh~ sayang! Ngayon lang nag pakita nang ganyang emosyon si athena eh! Lulubusin kona! At you know! May nagugustuhan na sya!! HAHAHAH" Sagot naman ni zyra Tatawa tawa pa itong nakatingin kay athena
May nagugustuhan na sya???
Kaya pala hindi masungit eh! Unti nalang hahaha pero wait.. sino naman yung malas na nagugustuhan nito??
"May nagugustuhan kana athena?ngiting tanong ko dito
Tinignan naman ako nito na tila hindi makapaniwala
Napalingon ako sa direksyon ni zyra dahil sa sobrang lakas ng boses nito sa pagkakatawa
"J-jusko! hahahah o-oh god! Hahahaha napaka halaman mo malori!! Hahahah ang taong nagugustuhan nya ay walang iba kundi ik-- ang ganda nang langit makalabas nga.." usal nito na pinagtaka ko
Bigla nalang kasi nito tinigil ang sasabihin at nag madaling lumabas
Okay??
Ibinaling ko nalang ulit ang tingin ko kay athena na hanggang ngayon nakatingin parin sakin..
Nginitian ko ito pansin ko natigilan ito
Bago umiwas nang tingin sakin pero kinuha nito ang dalawang braso ko at iniyakap sa kanyang katawan na ikinagulat ko
"Cutie okay kalang? Bakit namang pulang pula kana jan?"sabi ni clay nang lumabas ito galing kusina
"Sus! Ang sabihin mo clay namumula ang mukha nya dahil naka palibot ang dalawang braso nya kay athena!" Usal nito na nakangisi..tumingin ito sakin"lambot nang katawan nya ano?" Pahabol pa nito
YOU ARE READING
Loving Beatrice Salvatore
RomanceHappy go lucky si Malori Satori ang half japanese na badass nang Salvatore University Kilalang kilala sya sa loob ng paaralan nila.. di dahil sa Maganda at mayaman sya.. Kundi yun yung sa araw araw na pag papahiya at pag rereject sa kanya nang taon...