61:[EIRA'S POV]
"Go out and play with your cousins, Eira. Kalahating araw mo ng hawak at basa-basa iyang libro mo."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng ina ko. Hindi ba dapat matuwa siya dahil mahilig magbasa ang anak niya at hindi yung puro laro ang nasa utak? Mas gusto niya ba na maging bulakbol ako?
"But I didn't even finished it yet, Mom." Nang magreklamo ako ay agad kong nakita ang pagbuntong-hininga ng aking ina na para bang hindi na niya alam ang gagawin sa akin.
Alam ko naman na gusto niya lang akong makipaghalubilo sa ibang tao lalo na sa mga pinsan ko pero kasalanan ko ba kung mas nasisiyahan ako sa pagbabasa kesa makisama sa mga tao?
"Anak, kahit ngayon lang. Minsan lang magpunta ang mga pinsan mo dito."
"Why not next time?"
"Eira..." tanging pagtawag na lang sa pangalan ko ang nagawa ng ina ko dahil narin sa pagmamatigas ko.
I can see in her eyes that she's troubled. Not for her but for me. Simula ng matuto akong magbasa at magsulat ay hindi na ako lumabas ng bahay namin maliban na lang pagkailangan tulad ng kapag may pasok sa eskwela o di kaya may importanteng pupuntahan kung saan kailangan ko dapat sumama.
Maliban sa mga iyon ay hindi ako lumalabas ng kuwarto dahil babad ako sa pagbabasa ng kung ano-anong libro. Hindi ko alam pero ang mga libro ang nagbibigay sa akin ng kapanatagan sa buhay ko.
Nakakagulat na kahit dose-anyos ay ganito na ako mag-isip pero masisisi niyo ba ako? Dahil sa mga libro kaya parang ilang buhay na dinaanan ko. Hindi man aktwal na karanasan pero sapat na para kahit papaano ay makita ko ang kalakaran sa tunay na mundo.
Alam ko na mabuti ang intensyon ng aking ina kaya pinipilit niya akong lumabas pero ako lang rin kasi ang magdudusa kung susundin ko siya.
Matutuwa siguro ang kapatid ko at mga pinsan ko kapag nakita nila ako pero ako hindi. I find them too stupid. Kapag kasama ko sila ay kailangan kung limitahan ang utak ko. Kapag hindi ko iyon ginawa ay hindi rin naman nila ako maiintindihan.
Kaya nga pinipili ko na lang na magkulong sa library ng bahay namin kesa makipaglaro dahil ayaw kong pagurin ang utak ko sa mga walang kwentang kwento at mga paandar ng mga kadugo ko.
"Do you remember that book you really want from the shop yesterday? I'll buy you that in the condition that you'll agree that you will be playing with your brother and cousins."
And there's the bribe. Napahawak ako sa aking baba at nag-isip. Tinitimbang ang sitwasyon. Worth it ba ang stress na makukuha ko sa mga kadugo ko para sa librong inaasam ko? Of course!
"Fine. But I want to have it tonight," sagot ko sa kanya.
"Tonight?"
"Yeah, tonight."
Napailing ang aking ina dahil sa hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa akin. Bakit ba? Dapat naman talagang bayaran niya kaagad ang mamamatay kong mga brain cells. For someone like me, they are important.
"Fine," pagpayag niya. "Now, go."
Tinatamad na naglakad ako papunta sa hagdan para bumaba. Nang makababa ako sa sala ay si Sancho na lang ang naabutan ko. Agad siyang tumayo sa sofa na kinauupuan niya at nilapitan ako.
"Mabuti naman at napilit ka ni Tita. Ang tagal nating hindi nakapaglaro ng magkasama."
Tumaas kaagad ang isang kilay ko sa sinabi niya. Bakit ba ang hyper nito? Sa sobrang hyper ay mukhang pati enerhiya ko ay hinihigop niya. Pero kung hyper ito mas lalo naman ang iba. Kung sa game pa, low-tier ang isang ito kumpara sa kapatid kong si Jax at sa dalawa ko pang pinsan.
BINABASA MO ANG
The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️
General FictionIniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The chance to live her life to the fullest and to feel happy. Everything in her life is doing fine not unt...